Mel Nagulat ako sa tawag ni Nets at kinabahan din kaya mabilis akong nagpunta sa kanya. I’m off duty but I still choose to stay at the hospital. Wala naman din akong pupuntahan dahil ang mga kaibigan ko ay naka duty o kung hindi man ay nasa kanilang mga asawa. Sa aming 4 na magkakaibigan ay ako na lang ang single. Bakit? Paano ba naman, ang gusto kong babae ay para na akong tito. Tapos lagi pang wala dahil nga kasama din lagi ng aking kapatid kahit saan ito magpunta. Hanggang tingin na lang din ang nagagawa kapag nandyan siya dahil hindi ko malaman kung bakit parang umuurong ang dila ko kapag tinatawag niya akong kuya dati. Ngayon ay hindi na, pero hindi niya din ako tinatawag sa pangalan ko, basta wala na lang siyang tawag sa akin, ganun. Kaya naman ang pagkabigkas niya ng “Melchor” ay

