Monique Grabe ang pagka-miss ko kay Drix. Kahit na ayaw kong maramdaman ay hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko. Ano ba naman ang magagawa ko kung hindi ang tumugon sa kanyang mga halik? Kasalanan ko ba na kahit sinaktan niya ako ng bonggang bongga ay siya pa rin ang hinahanap hanap ng puso kong ligaw? Masakit para sa akin na kahit na alam kong napipilitan lang siya sa pagpapakasal sa akin ay hindi ko pa ring maiwasan na ipagtanggol siya sa sarili ko. Nang nasa Davao ako ay hindi ako makapag concentrate ng maayos. 1st time na nangyari sa akin na nakailang take ako para lang sa isang maganda at kaakit akit na ngiti dahil nga toothpaste commercial ang shinu-shoot namin. Alam ko ang mga tinging ibinibigay sa akin ni Nets at hindi naman talaga ako makakapagtago sa kanya ng kahit na anong

