Monique Kahit saan ba magpunta ang asawa kong malandi eh nakabuntot ang babaeng iyon? Seriously, hanggang dito sa Macau? Hindi ko inaasahan na susunod siya sa akin, hindi na nga ako nagpaalam sa kanya na naging dahilan para pagalitan ako ng aking kuya Mel. bakit daw hindi ko sinabi sa asawa ko na aalis pala ako, ayun at siya ang kinukulit at tinatanong kung nasaan ako. Hindi ko din maintindihan kung bakit sumunod pa siya ganung malaya na silang magtagpo ng babaeng higad. Nung nakaraang araw ay tinawagan ako ni Kuya at sinasabihan akong bigyan ng pagkakataon ang kaibigan niya, nagtaka tuloy ako kung bakit parang nagbago ang ihip ng hangin samantalang G na G siya ng mahuli kami. Sa totoo lang ay hindi ko magawang tuluyan ding magalit sa Fredrix na iyon. Paano, siya lang talaga ang lalak

