Monique I’m insanely head over heels with Drix. I can’t deny that and hindi ko na din kayang pigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko din gagawin iyon dahil hindi ko nga nagawa sa nakalipas na pitong taon after he hurt me, paano pa kaya ngayon na mag-asawa na kami. Sa totoo lang ay hindi naman niya pinaparamdam sa akin na balewala o wala akong halaga sa kanya bilang asawa dahil nga kahit hindi kami nagkikita ay wala namang palya ang pagtawag at pag video call niya sa akin. Palaging siya ang gumagawa non kaya naman naisip ko na nag-eefort siya. Nakakaboring sa bahay at wala naman akong magawa kaya naman heto at nililibang ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng mobile games. Hinayaan kong magpahinga na lang din si Nets at grabe din ang takot ng bruha para sa akin. Kung makaiya

