Drix “Jared,” ang sabi niya na ikinangisi ko. Paano ba namang hindi eh hudyat iyon na gusto niya rin ang patuwarin ko siya mamaya. Pero bago iyon ay maaga pa para isipin ko ang para sa mamayang gabi dahil may mga dadating pa na inaasahan ko. Sa ngayon ay maglalaway muna ako sa kanya dahil sa mapanuksong tinging ipinupukol niya sa akin. “Humanda ka talaga sa akin mamaya, hindi lang isang beses kitang patutuwarin.” ang sabi ko na lang na naging dahilan ng malakas niyang pagtawa. Okay naman na ang pakiramdam ko at kaya ko na ang sakit ng katawang inabot ko dahil na rin sa pambubugbog sa akin. Pero talagang napakasakit ay ang aking mukha na talagang pinuruhan kaya hindi ko na rin maiwasan ang maintindihan ang pag aalala ni Melchora. Grabe ang sama ng mukha ko at may palagay akong medyo mata

