Monique “Sabi ni Direk ay magpahinga ka lang daw muna. Tinatanong nga niya kung saan ka ngayon nag-i-stay kaya lang ay sinabi ko na lang na ayaw ng mga pulis na ipaalam sa iba ang location mo dahil baka nga makarating din sa nagtatangka sa buhay mo.” ang sabi ni Nets. Simula ng magtransfer ako sa bahay ni Drix ay hindi na rin muna ako lumabas may 3 araw na ang nakakalipas. Natatakot din naman kasi ako na baka masundan pa rin ako ng kung sino man iyon. “Salamat, Nets. Mabuting na lang at lagi kang nandyan.” ang sabi ko naman. “Tinawagan ko lang naman ang agency at sila na ang nakipag usap sa M Production. Nung nag return call sila sa akin ay pinapasabi sayo na ipinaaabot ni Sir Jared ang pag-iingat mo. Huwag mo daw munang intindihin ang shooting ng part mo, at uunahin muna nila yung mga

