Chapter 5

1576 Words
Monique Naloloko na ba siya? I can’t believe what I heard. “Stop spewing nonsense, Drix.” ang sabi ko na may tonong pagbabanta. “What nonsense are you talking about?” “Are you not listening? I just said that I can’t because I have promised to the agency that I am going to stay single for the duration of my contract with them.” “Then let’s not tell them. We just do it secretly.” ang sagot naman nito. “Tapos ay ano, malaya mo pa ring gagawin ang pambabae mo?” ang galit na sagot naman ni Mel dito. “Is that how you think of me? We have been friends for decades and ganyan ang tingin mo sa akin?” “I know you, Drix. At hindi ko hahayaan na masaktan mo ang kapatid ko, kahit kaibigan pa kita. Hinding hindi magiging dahilan iyon para balewalain ko ang mga kalokohang pwede mong gawin sa kanya. You know how much I care and love my sister.” “I know! That’s why I am willing to do this.” he replied, “You know what, bahala kayong mag-usap. Basta ako, no! I still need to go to the agency for a new project kaya bahala na kayo diyan.” ang sabi ko naman. “New project? We are seriously talking something important here and mas gugustuhin mong asikasuhin ang bagong project mo? When you married to me, you’re not–” “Stop it, Drix. Hindi ako titigil sa pagtatrabaho dahil lang asawa kita. I love my job and hindi rin ikaw ang magpapatigil sa akin o magiging hadlang para ipagpatuloy ko ito.” ang sagot ko naman din. Ano siya sinuswerte? Porke’t ready siya na pakasalan ako ay gusto nya sundin ko na siya? Over my beautiful and gorgeous body. “Melchor, Melchora, magsitigil kayo!” ang sabi naman ni Dad na nakakainis na din kasi ang pangit nga ng pangalan ko ay iyon pa talaga ang sinabi niya. “Monique Dad, Monique ang pangalan ko.” ang hindi ko na napigilang sabihin. Grabe nagkakagulo na kami at lahat ay talagang naisip ko pa iyon di ba, natural, hindi ko nga gusto kasi ang pangalan ko. Pakiramdam ko ay ako si Tandang Sora. No offense meant sa kanya, kaya lang we are living in modern world na, pero ang nanay at tatay ko ay niluma na ng panahon. “Melchora ka para sa amin ng mommy mo.” ang sabi naman nito. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko din namang ako ang talo. “Drix, not because secret lang ang marriage nyo ay hahayaan kong gawin mo ang sinabi ni Melchor. Ama ako at kapag nasaktan mo ang anak ko in any way, ako ang makakalaban mo. Wala akong pakialam kung mayaman ka, kahit maubos ang kokonting meron kami ay ilalaban ko ang kaligayahan ng mga anak ko.” “I have no intention of cheating on her, Tito.” ang sabi naman ni Drix na ikinaikot ng aking mga mata na hindi naman nakaligtas sa kanya. Sinadya ko talagang ipakita dahil sino ang niloko niya? Ang babaeng iyon na lagi niyang kasama sa kung saan at halos ipangalandakan ng magpapakasal sila, ano yon sa buhay niya? “Ang mga anak ko ay hindi kumbinsido, pero panghahawakan ko ang salita mo.” “Huwag iyan ang panghawakan nyo, hindi nyo nga alam kung may isang salita ba iyan o ano.” ang sabi ko naman. “Is there something you know that we don’t?” ang tanong naman ni Mom. Dahil ayaw kong isipin ng hudas na lalaking ito na tandang tanda ko pa ang pambibilog niya sa ulo ko ay sinabi ko na lang, “Sinasabi ko lang, baka lang may sinabi na siya sa inyo na hindi naman niya tinupad eh kayo din. Kaligayahan ko ang nakasalalay dito kaya sana ako ang hayaan ninyong magdesisyon. Kung mabuntis man ako, ako ng bahala doon, malaki na ako at alam ko na kung ano ang gagawin ko.” “Tama ba ang ginawa mo na pumayag kang maangkin ni Drix?” ang galit na tanong naman ni Dad. Pwede ko bang sabihin sa kanya na masarap eh kaya ganun? Siempre hindi, kaya nanahimik na lang ako dahil nga may point naman sila. “You’re going to marry him, since handa naman siyang panagutan ka. Ayaw kong kung kailan buntis ka na ay tsaka pa kayo makakaisip magpakasal.” dagdag pa nito. “Basta ito ang masasabi ko, hindi ako ang humiling ng kasal. Kaya kong kalimutan ang namagitan sa atin, Drix. Kaya huwag mo akong masisisi kung bigla mong marealize na nagkamali ka ng desisyon. Bahala kayo sa mapag-uusapan nyo. Kailangan kong mag-prepare dahil siguradong padating na si Nets.” ang sabi ko na lang bago ako tumayo na at naligo. Hindi pwedeng hindi ako umalis dahil important ang project na gagawin ko. Siempre ay inabot ako ng siyam siyam dahil hindi ako naka pagtanggal ng make-up kagabi at talagang kumapit na ito ng husto. Hindi nga nagtagal ay dumating na ang aking bestfriend at alam kong kating kati na siyang malaman kung bakit nadatnan niya si Drix at ang aking pamilya sa aking condo na laging walang tao. Nagpaalam na kaming magkaibigan sa kanilang lahat at ni hindi ko na rin tinapunan ng tingin si Drix. para ano? Para sumama lang ang loob ko? No way! Hindi ko sisirain ang araw ko ng dahil sa kanya. Oo, ginusto ko ang nangyari sa amin, bakit hindi eh alam ko sa sarili ko na siya pa rin. Sumubok akong tumingin sa iba, pero lagi na lang siya ang nakikita ko. Lintik na yan, hindi ko alam kung ano bang meron ang lalaking iyon at ganito na lang ang pagtingin ko sa kanya. “Hoy! Lukaret ka!” ang sabi ni Nets pagkapasok na pagkapasok namin sa sasakyan. “Anong ginagawa ni Drix sa condo mo? Bakit nandoon ang angkan ng Antonio?” ang dagdag pa niya. “Makaangkan ka naman, wagas!” ang sabi ko naman. Minsan talaga ay eksaherada ang bestfriend ko na ito. Sa sobrang pagka eksaherada eh, gwapong gwapo siya kay Melchor na kahit sarili kong kuya ay hindi ko kayang sabihin na gwapo nga. “Ano na nga! Sagutin mo na lang kasi.” ang atat na atat na sabi niya. “Chismaker ka talaga eh no? O sige bibigyan kita,” ang sabi ko at base sa mukha niya ay talagang abang na abang ang bruha. “We fu** last night at nadatnan kami ng kuya at mga magulang ko na hubo’t hubad pa sa kwarto.” Pagtingin ko sa kanya ay tulala pa rin ito at nakanganga pa. “Magpasalamat ka at nasa sasakyan na tayo at wala ng langaw na papasok diyan sa bibig mo. Kahit pa alam kong etits ni Melchor ang gusto mong mabara diyan,” sabi ko pa na tatawa tawa dahil nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. “Walang hiya ka Melchora! Ano bang pinagsasasabi mo! Napaka dusta mo talaga!” ang sabi niya tapos ay tinakpan ang kanyang bibig. “Oh, ano, iniimagine mo na?” ang tanong ko na tatawa tawa pa din. “Letse kang lukaret ka! Bakit ibinara ba ni Drix sa lalamunan mo ang etits niya kaya mo nasabi ang ganyang bagay sa akin?” ang ganting tanong naman niya, na hindi ko na ikinagulat dahil lagi naman talaga siyang asar talo sa akin. “Hindi nga eh, kaya naiinis ako,” ang sagot ko naman sabay tingin sa kanya at kindat. “Melchoraaa!!!” ang gulat na gulat na sabi naman niya tapos ay tawa ako ng tawa. “He suggested to my parents na magpakasal kami,” I said in a low voice, pero alam kong dinig na dinig niya dahil natigilan ito. “s**t! Bukod sa magdamag na pagniniig ay may mas nakakagulat pa palang kaganapan sa buhay mo.” ang sabi niya at tumango naman ako. “Anong sabi mo?” “I said, no. Sabi ko may pinirmahan akong kontrata na bawal akong mag asawa at may isang taon pang natitira pra doon.” “Anong sabi ni Drix?” “Isekreto daw,” “And ano naman ang sabi nila Tito at Tita?” “Of course they agreed to him, nagalit sila sa akin dahil bakit daw pumayag akong may mangyari sa amin. Kaya naman hinayan ko na lang silang mag-usap at sabi ko ay yes to all na lang ako.” “Eh bakit ka ba kasi pumayag? Oo, alam ko, mahal mo pa siya, pero sana pinigilan mo ang sarili mo.” ang sabi naman ni Nets na nag-aalala. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya. Eyes to eyes kami tsaka ko sinabing, “Anong magagawa ko, masarap eh.” nanlaki ang mga mata niya at talagang natawa ako sa reaksyon niya. Hindi niya siguro inaasahang iyon ang isasagot ko. Kanina ko pa gustong sabihin kay Dad yon eh takot ko lang makatikim ng sampal kaya sa kanya ko na lang sinabi. “Lintik ka talaga Melchora!!” ang sabi niya. Tatawa tawa akong nakatingin sa kanya, pero ang isip ko ay nasa aking condo at sa mga taong iniwan ko, lalo na kay Drix. Ano ang dahilan at bigla siyang nag suggest ng ganun? Ano ang mangyayari sa aming dalawa kung sakali ngang makasal kami? Hay, ewan, bahala na si batman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD