Monique “You’re here. Aalis na kami at ng makapag-usap kayo.” sabi ni Dad. Alam ko naman na hindi rin sila magtatagal dito lalo at OK naman na ako. Kaya lang ay dumating nga si Jared kaya naman napilitan din silang mag stay. “OK po, Mom, Dad.” ang sagot naman nito na wala pa ring kangiti ngiti. Tumango na si Dad at inalalayan ng si Mom. Grabe pa rin ang sweetness nila kahit mga matatanda na kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti. Hinatid naman ni Drix ang mga ito sa pinto at narinig ko namang ini-lock niya pa ito ng tuluyan ng makaalis ang aking mga magulang. “How are you feeling?” ang tanong nito habang papalapit. Simangot pa rin ito at kahit na ganun ay napaka gwapo pa rin nito. “Fine,” ang simple kong sagot. “Wala ng masakit sayo kahit saan?” ang tanong niya ulit bago tuluyang

