┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Taruray!" Malakas na tawag na ikinalingon ni Taruray. Ito ang tawag sa kanya ng lahat ng kanyang mga assassins. Para sa kanya kasi ay itinuturing niyang mga kaibigan ang lahat nang high-ranking members ng kanyang organisasyon na Black Serpents. "Ano? Naiihi ka ba kaya ganyan ka kung makatawag?" Sagot nito na ikinatawa ni Thessius. "Nakabangga namin kanina sa palengke ang kaibigan ni Rouge Hendrickson. And then Clyde slapped Phoebe right in front of us. We couldn't just stand there and do nothing, so we had to intervene. We’re really sorry for what happened, but we just couldn’t bear watching na sinasaktan siya ng asshole na 'yon, so ipinakita namin ni Christina sa lalaking 'yon kung ano ang kaya naming gawin. Sorry na Taruray!" Sabi ni Elziel, sabay tawa nito. Nagulat naman si Taruray. Napakamot ito ng ulo, pagkatapos ay nauwi na sa pasabunot sa kanyang sariling buhok. Tawa naman ng tawa si Thessius habang pinapanuod niya kung paano mainis ang kanilang pinuno. "Ay, lintik pala! Sino ba 'yang Phoebe na 'yan at bakit ninyo siya binigyan ng importansya? Alam n'yo namang nasa misyon kayo, hindi ba? Anong pumasok sa isip n'yo para gawin 'yan? Dapat ay hinayaan na lang ninyo at hindi na kayo nakialam? I mean... may mga priority tayo, so bakit kayo nakialam? I'm sure na naalerto na ang mga minamanmanan ninyo dahil nakita nila kung paano kayo makipaglaban." Galit na sabi nito. "Nakilala namin sa palengke, humihingi ng gulay kaya 'yung kinita namin ng araw na 'yon ni Elziel ay ibinigay namin sa kanya, tapos binigyan namin siya ng bilao at nilagyan namin ng mga paninda at binigyan ng pwesto sa tabi namin. Duon siya nagtitinda para kumita siya." Sagot ni Christina. Muling napasabunot si Taruray at inis na inis na ito. Tawa lang ng tawa sila Thessius dahil pikon na pikon si Taruray. "Relax lang, papalitan na lang namin sila sa pwesto nila at bigyan mo na lang sila ng ibang misyon. Ako, si Danela, at si Erozhel, kami na ang bahala sa pagmamasid sa kalaban natin." Pakli ni Woja, ang isa sa magaling na assassin ni Taruray. Napatingin naman ang pinuno nila sa lahat ng mga assassin niya na nakapaligid sa kanya. Humugot ito ng malalim na paghinga at saka muling humarap kay Elziel at Christina. "Naku, naku talaga kayo! Ang sarap ninyong tadtarin ng pinong-pino!" Sabi nito kaya ang lakas ng pagkakatawanan nilang lahat.
"Ikaw Enna, kamusta na ang misyon mo?" Tanong nito, naiinis na.
"Well, I just got some good news... I'm in! I didn't expect it to be this easy." Napangiti si Taruray. Humugot ito ng malalim na paghinga at saka ito nag-isip.
"Huwag kang pakampante, si Marcus ang pinag-uusapan natin dito. Si Marcus 'yan at alam natin kung ano ang kakayahan ng taong 'yan. Mag-iingat ka, baka ang mga mata ng taong 'yan ay nakabantay na sa'yo. Huwag kang tatawag sa kahit na sino sa amin na gamit ang phone mo, baka lagyan niya 'yan ng bug ng hindi mo nalalaman." Wika ni Taruray. Natahimik namang bigla si Enna, pagkatapos ay tumango ito at kinuha ang phone sa kanyang bulsa.
"Well then, bibili ako ng bagong phone at iyon ang lagi kong dadalhin kapag sila ang kasama ko, lalo na kapag meeting." Sagot ni Enna kaya tumango lang si Taruray. Pagkatapos ay tinanong niya kung may sinabi ba si Ajaziah na kahit na ano, or nabanggit ba ang tungkol sa nawawalang kakambal nito na walang iba kung hindi siya.
Sinabi ni Enna na puro negosyo lang ang pinag-usapan nila, na hindi nagsasalita si Aja ng kahit na ano tungkol sa pamilya nito. At sinabi rin niya na nainis sa kanya si Aja dahil panay ang pagtitig niya dito.
"Langya ka! Bakit mo tinititigan? Tibo ka ba? Mabubuking tayo niyan kapag ganyan ka!" Inis na sabi ni Taruray.
"I can't help it! Nasa harapan ko ang kakambal mo. Have you seen her up close? My god, ang ganda-ganda niya, sophisticated ang aura kahit na isa siyang assassin. At higit sa lahat, Taruray, mas maganda siya sa 'yo." Sabi ni Enna. Kaya dinampot ni Taruray ang tinapay at ibinato ito sa kanyang assassin. Umuugong ang malakas na tawanan sa buong living room dahil sa pagkapikon ng kanilang pinuno.
"Taruray, may bisita ka at nasa labas, ayaw pumasok." Sabi ni Amy. Napalingon si Taruray at kumunot ang noo nito. Wala siyang inaasahang bisita kaya hindi niya alam kung sino ang nasa labas, at wala din sinabi si Amy kung sino ito. Nagtatanong ang kanyang mga mata, ngunit nagkibit balikat lang si Amy.
Isang paputok ang humagis sa may pintuan ng hindi napapansin nila taruray, pagkatapos ay bigla itong pumutok kaya naging alerto ang lahat at inilabas ang kanilang mga baril at itinutok sa pintuan. Humahagalpak ng tawa si Maximo na pumapasok sa pintuan kaya mabilis nilang ibinaba ang kanilang mga baril.
"Tarantado ka talaga, Maximo!" Galit na galit ang pinuno ng Black Serpents habang napapailing na natatawa ang lahat ng kasama niya.
"Gusto ko lang gisingin ang natutulog mong damdamin. Sabi ng ama mo, gawin ko ang lahat para magising ang puso mong natutulog at mahalin mo na ako. Pero alam ko na mahal mo ako, ayaw mo lang umamin. Gawin mo akong King para may kapareha na ang Queen ko." Pang-aasar ni Maximo. Umuugong ang tawanan sa loob ng living room habang tahimik lang si Thessius.
"Tumigil ka na Maximo at baka hambalusin kita ng batuta mo!" Inis na sabi ni Taruray. Tuwang-tuwa naman si Maximo sa narinig nito.
"Talaga? Hahawakan mo ang batuta ko?" Umugong ang malakas na tawanan habang si Taruray ay naestatwa na yata sa kinatatayuan niya ng ma-realize din niya ang sinabi niya dito.
"Gusto mo naman palang hawakan ang batuta niya, nagpapakipot ka pa!" Sabi ni Woja. tawa ng tawa ang lahat. Si Thessius ay umalis at umakyat na ng ikalawang palapag, pero ang lahat ay malakas lamang na tumatawa.
"Ibang batuta ang ipapalo ko sa'yo. Tumigil ka na nga Maximo at pati ako ay masisiraan na ng ulo sa'yo. Puro ka kalokohan. Paano kung nabaril ka namin dahil sa ginawa mo? Alam mo naman siguro na isang kalabit lang ng hawak namin, buhay mo ang kapalit?" Inis na sabi ni Taruray.
"Uyyy... kunwari ka lang naman pala, pero iniisip mo ang kapakanan ni Maximo." Panunukso ni Charimel kaya kunot na kunot na ang noo ni Taruray. Agad niya itong pinasinungalingan at sinabi niya na nag-aalala siya dito dahil best friend silang dalawa ni Maximo. Pero kahit na anong paliwanag ang gawin niya ay hindi siya pinapaniwalaan ng mga assassins niya.
"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Totoo talaga ang kasabihan na 'yan." Sabi ni Sephyne, mas lalo nilang inaasar ang kanilang pinuno.
Hindi na nagsalita pa si Taruray. Ayaw na niyang pahabain ang usapan na siya ang topic. Hinila lang niya palabas ng malaking bahay si Maximo at inis na sinikmuraan ito. Pagkatapos ay tumawa siya dahil sa mga kalokohan ni Maximo. Hindi siya makapaniwala na naghagis ito ng paputok sa loob ng bahay para lamang makuha ang atensyon niya.
Mabait si Maximo, at teen ager pa lang sila nuon ay gusto na ito ng kanyang ama. Gwapo ito, matipuno at laging nakatawa. Parang hindi ito napapagod sa mga kalokohang ginagawa nito para kay Taruray. Sa tuwing pupuntahan siya nito ay laging may ginagawang kalokohan at hindi masanay-sanay si taruray sa kalokohan nito.
"Bakit ba kasi nandito ka? May meeting kami, pero iniistorbo mo kami." Inis na sabi nito.
"Alam ko kasing miss na miss mo na ako dahil ilang araw na tayong hindi nagkikita. Hindi ka rin pumupunta sa opisina mo, kaya para hindi mo ako masyadong ma-miss, nandito ako ngayon with pasabog." Sagot nito kaya natawa na si Taruray at napapailing ng ulo.
"Tumigil ka na nga sa kasasabi mo sa akin na namimiss kita at baka nga paluin kita diyan ng batuta. Alam mo ang katauhan ko hindi ba? Alam mo ang buhay na ginagalawan ko. Delikado ang buhay ng mga taong lumalapit sa akin dahil maaari silang mapahamak. Sa dami ng kinakalaban ko, maaari kang mapahamak Maximo at ayokong mangyari 'yon. Naiintindihan mo ba 'yon?" Sabi ni Taruray, seryoso na ang mukha nito. Natahimik naman si Maximo, pagkatapos ay nagseryoso din ang mukha nito at pinunasan ang pawis sa noo ng babaeng kaharap niya.
"I’m willing to face any danger that comes our way, and I don’t care how risky it is for me. What matters is you, Tatjana Thary. You don’t have to worry about me. I can take care of myself, but more than that, I will do everything in my power to protect you, because you mean everything to me." Seryosong sabi ni Maximo, pagkatapos ay hinimas nito ang pisngi ni Taruray. Hindi naman makakilos ang dalaga, nakatitig lamang ito sa mukha ng gwapong binata. Bahagyang inilapit ni Maximo ang mukha ni Taruray sa kanyang mukha at tila ba hahalikan ito kaya napapikit ang dalaga, pero biglang nagsalita si Maximo kaya agad niyang naimulat ang kanyang mga mata.
"Ang galing ng linya ko noh? Pwedeng-pwede na ba akong pang-assassin mo? Bilib na bilib ka sa akin, akala mo nga ay hahalikan pa kita dahil pumikit ka!" Biglang sabi nito. Gulat na gulat naman si Taruray at hinugot nito ang kanyang baril. Mabilis namang tumakbo si Maximo at sumakay agad ito ng kanyang sasakyan.
"Bumalik ka dito Maximo at bubutasin ko ang katawan mo! Bwisit kang gago ka! Napapikit ako kasi natapat na napuwing ako, gago ka!" Galit na galit si Taruray, kulang na lang ay lumabas ang sungay nito.
"Umamin ka na kasi na mahal mo ako!" Malakas na sigaw ni Maximo sabay paharurot ng kanyang sasakyan. Malakas na tawanan naman ang gumulat kay Taruray kaya bigla itong napalingon. Ibinalik niya sa kanyang likuran ang baril niya at halos padabog nitong tinabig ang mga kaibigan niya. Inis itong pumasok sa kanyang silid, pagkatapos ay ibinato ang mga unan.
'Humanda ka talaga sa akin lalaki ka! Lagi mo na lang akong inaasar, lagi ka na lang sumusulpot. Bwisit kang impakto ka!' Inis na sabi ng isipan niya. Pagkatapos ay natawa na siya at napapailing na lamang.
Humugot siya ng malalim na paghinga at saka ito nahiga ng patihaya sa kanyang kama na nakadipa ang dalawang kamay. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inisip ang kanyang kakambal.
"Maghaharap din tayo Aja. At kapag nangyari 'yon, ipapamukha ko sa inyo ang lahat ng kasalanan ninyo sa akin. Lalong-lalo ka na. Sa ngayon, mag-enjoy ka lang, pero kapag dumating na ang tamang panahon, sinasabi ko sa'yo, pagdudusahan ninyo ang lahat ng mga kasalanan ninyo sa akin. Maghintay ka lang dahil nalalapit na ang pagtutuos nating dalawa. Alam ko na hinahanap mo ako, pero hindi mo ako mahahanap sa ngayon. Hindi ikaw ang makakahanap sa akin, dahil ang bawat kilos mo ang binabantayan ko."
Idinilat niya ang kanyang mga mata at saka ito bumangon. Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan at halos patakbo na itong bumaba ng hagdanan. Sinalubong siya ng mga assassin niya kaya napahinto siya sa harapan ng mga ito.
"I need a few people with me. I want to observe my twin sister from a distance." Utos nito. Tumango naman ang ilang assassin niya na walang misyon sa araw na ito at sumunod sa kanya patungo sa labas ng malaking bahay.
Pagkasakay nila ng sasakyan ay mabilis na itong humarurot, at sa likuran ng kanilang sasakyan ay ang mga tauhan ng organisasyon nila na hindi iniiwanan si Taruray kahit saan ito magpunta.