Pagkatapos ng mga kaganapan sa kwarto ni Hunter at sa sandaling naibalik ang silid sa orihinal nitong estado, "Aless, alamin mo kung sinong grupo ang nagmamalakas-loob na pasukin ang kwarto ko. Malakas ang hinala ko na nasa loob ng bahay ang traydor. We need to catch him as soon as possible. Investigate what's happening now, sabihin sa ating mga tao na maging mapagbantay sa paligid," sabi niya, pagkatapos ay umupo sa kanyang wheelchair. "Oh, by the way, keep silent to Sabrina na nakakalakad na ako at hindi baldado,” giit ni Hunter. Agad namang tumango si Alessandro bilang tugon. Matapos makausap si Alessandro, ay mabilis itong bumalik sa kanyang silid. Pagpasok, ay narinig niya agad ang boses ni Sabrina na nagmumula sa hindi kalayuan sa kanya. "Hunter, come on, ano bang ginagawa mo? I

