"Nakaupo ngayon si Hunter sa kanyang pribadong opisina sa loob ng mansyon, pinapanood ang recorded video na nakuha niya mula kay Sabrina, marahang hinawakan ang screen ng laptop. "Sweetheart, I'm sorry, wala akong nagawa para protektahan ka mula sa kanila," sabi niya sabay kuha ng sigarilyo sa pakete at humihithit ng sunud-sunod na pagbuga ng sigarilyo at saka tinunga ang isang bote ng alak. Hindi man lang napansin ni Hunter ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "This is the first time I've cried again after Mommy passed away decades ago, Brina. Patawarin mo ako. Hindi kita nailigtas sa kapahamakan," aniya at saka kinuha ang kalahating bote ng alak, uminom at dire-diretso ang paglagok sa kanyang lalamunan. Agad na tumayo si Hunter at pagkatapos ay kumuha ng ilang bote pa ng alak sa

