Chapter 34:SHADOW B BANK

2365 Words

"Sandro and Ben have all the gear ready for our attack on Shadow B banks tonight," direktang sinabi ni Hunter sa kanila. Nasa loob sila ng opisina ng organisasyon, nakaupo si Hunter sa kanyang itim na upuan na nakaharap sa kanyang mga nasasakupan. Agad namang sinunod nina Ben at Sandro ang utos. Habang nagmamadali silang naglalakad sa pasilyo ng organisasyon patungo sa pribadong silid kung saan nakaimbak ang kanilang mga armas, hindi sila nakatakas sa tindi ng kanilang emosyon. Mabilis silang pumasok sa silid at kinuha ang mga sandata na gagamitin nila sa pagnanakaw sa bangko laban sa kanilang mga karibal. Habang pumipili ng kanilang mga armas, bigla silang napalingon nang makarinig ng mga yabag na papalapit. "Handa na ba ang lahat?" tanong ni Hunter. "Yes, boss," sagot nilang dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD