Matapos ang mga eksena sa loob ng kwarto, agad na lumabas si Hunter para bumili ng mga souvenir para sa pamilya ni Sabrina na dadalhin nila sa Mindanao. Ito ang unang pagkakataon na makikilala ko ang buong pamilya niya. I am excited yet kinakabahan, kahit bukas pa ang alis namin. Mabilis na naglakad si Hunter sa pasilyo ng mansyon patungo sa kotse, ngunit huminto siya nang makasalubong niya ang kanyang ama, si Mr. K. "Iho, pwede ba kitang makausap?" "Of course, Dad. Ano ang gusto mong pag-usapan?" tanong ni Hunter. “Hmm, tungkol sa biyahe mo sa Mindanao bukas. "Dad, kung tungkol na naman ito sa mga apo mo, huwag kang mag-alala, isasama namin sila pagbalik namin," aniya. "Ang sarap pakinggan, excited na akong makita sila. Oo nga pala, may na-order akong mga chocolates from overseas.

