Rebound Girl For Hire Chapter 24 “KINAUSAP kita. Tinanong kita kung paano mo nakuha ang saksak diyan sa braso mo pero mas pinili mong manahimik kaysa sabihin sa akin ang totoo. Kasi nga pinagtatakpan mo talaga ang kabaliwan ng kapatid ko at ng magaling mong pinsan na nuknukan ng ka-playboy-an.” Sumbat ni Natasza kay Kleaus habang panay lagok sa dala niyang canned beer. Nakaka-apat na can na siya at ayos na rin iyon dahil pinapatatag niyon ang kanyang kalooban. “That’s not true.” Kleaus softly disagreed. Nakaupo la ito sa bingit ng armrest ng sofa roon sa sala na gawa sa kawayan. Hindi nagbago ang posisyon nito magmula pa nang magsimulang uminom si Natasza. Tila takot itong pigilan siya sa kanyang pag-inom ng serbesa. Kleaus so dashingly hot in his plain white shirt and a boxer. Pero

