Chapter 7 : Farewell

2719 Words
*Carmela's POV* Tahimik kami ni Ian habang hinihintay ang paglapit ni Leon. Hindi ko rin naiwasang kabahan habang umiiksi ang distansya sa pagitan namin. At halos napigil ko ang hininga ko ng biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Wala sa loob ko ring naikuyom ang mga kamay ko habang nakatitig lang sa kanya. Mukhang natrauma ata ako dahil sa ginawa niya. Oo at hindi naman niya kasalanan at lalong hindi niya sinasadya ang nangyari sa akin. Pero ngayong nasa harap ko na siya, parang naalala bigla ng utak ko ang lahat ng sakit na naranasan ko dahil sa abilidad niya. At ang isiping kung ano ang pwedeng nangyari sa akin ng dahil dun...... parang tama lang na manginig ako sa takot. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ng kumilos si Ian at medyo nabigla pa ko ng humarang siya sa harap ko. Nagliwanag din ang singsing niya at lumabas ang Cheetah niya. Nakita kong alertong gumitna din yun sa pagitan nila ni Leon. "Anong kailangan mo?" Seryosong tanong niya. Sumilip ako mula sa likod niya at tiningnan si Leon. Huminto siya ilang hakbang mula sa amin at sinalubong ang tingin ng Higher Elite namin. "Gusto ko lang siyang makausap." Sabi niya, at alam ko na ako ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa likod ng ulo ni Ian at maging sa balikat niya. Tensyonado ng mga iyon at alam kong hindi makukuha ng basta basta ni Leon ang nais niya. "Hindi ba at pinagbawalan kang lumabas ng House ni Marius? Kaya bakit nandito ka?" Sa halip ay tanong ni Ian. Tila nahahapong bumuntang hininga si Leon bago sumagot. "Look. Hindi ako naparito para manggulo." Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa magkabilang gilid niya. "See. Wala akong dalang sandata, kaya wala kang dapat ikatakot. At isa pa, may basbas ni Mr Pierce ang pagpunta ko dito." Nakita kong bumaling si Ian sa dalawang kamay ni Ian. Maging ako napatingin din at parang nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala nga siyang bitbit. Bakit ba hindi ko agad naisip na tinganan yun agad? Edi sana hindi ako parang duwag na nagtatago sa likod ng iba. Napabuga ako ng hangin at parang nabawasan kahit papaano ang takot ko sa kanya. Nakita kong magsasalita na sana ulit si Ian. Pero hinawakan ko ang kanang braso niya, dahilan para mapatingin siya sa akin. "It's okay. Gusto ko din naman siyang makausap. Bukod dun... pareho nating alam na wala naman talaga siyang intensyong manakit ng iba." Mahinang sabi ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya at nakita ko ang pagsilip ng pagaalala sa mga mata niya. Sandali niya rin akong pinakatitigan. Marahil ay gusto niyang makatiyak na hindi lang ako napipilitan. Maya maya ay tumango siya at muling tiningnan si Leon. "Bilisan mo at kailangan pa niyang magpahinga. Mananatili lang din ako sa malapit. Naiintindihan mo?" May bahid ng pagbabanta sa tono niya. Tumango lang si Leon pero hindi ko nakitaan ng takot o panggamba ang itsura niya sa sinabi ni Ian. Naglakad si Ian at nilampasan si Leon. Sumunod sa kanya ang Spirit niya at nakita ko silang huminto ilang metro ang layo sa amin. Sapat lang para mabigyan kami ng privacy ni Leon at magawa niya akong saklolohan kung may mangyari mang hindi inaasahan. Medyo bumigat ang dibdib ko, hindi sa takot o kaba sa taong kaharap ko, kundi awa para sa kanya sa nakikita kong trato ng mga katulad ni Ian. Noon pa man, bago maganap ang aksidente ko ay ngilag na sa kanya ang karamihan sa mga kaHouse namin. Parati ko rin siyang nakikitang magisa at kahit parang balewala lang sa kanya ang inaasal ng mga tao sa paligid niya, hindi ko paring maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya. Kung tutuusin ay hindi naman ganun kadelikado ang ability nya. Huwag nga lang siyang mabigyan ng kahit anong instrumentong pang musika, dahil ibang usapan na yun. Pero hanggat malayo naman siya sa mga bagay na yun ay alam kong ligtas naman siyang lapitan. Kaya hindi ko alam kung bakit siya lubos na kinatatakutan. Napatingin ako sa mukha niya at medyo kinabahan ako ng makita kong nakatingin siya sa akin. Sandali niya kong pinasadahan ng tingin. Marahil ay gusto niyang siguraduhing walang naging ano mang pinsala ang nagawa niya sa akin. Mukhang nasatisfied naman siya dahil nakita kong lumambot ang ekspresyon niya. Sandali ring umangat ang gilid ng labi niya bago siya muling sumeryoso. Kumilos siya at lumapit sa bintana. Pagkatapos ay binuksan iyon. Tumabi siya at iminuwestra ang pasimano. "Maupo ka. Para hindi ka masyadong mapagod." Sabi pa niya. "Gusto ko sanang magusap tayo sa lugar na komportable ka, kaso mukhang hindi hahayaan ni Ian yun. Gusto niyang matapos na agad to, at hindi ako mabibigla kung ganun ka din." Sabi niya. Sandali kong tiningnan si Ian. Nakasandal siya sa pader pero paminsan minsan ay bumabaling siya sa amin. Ng ibalik ko ang tingin ko kay Leon ay nakita kong matiyaga parin siyang naghihintay sa akin. At ng sandali kong sulyapan ang bintana ay marahan siyang natawa. "Huwag kang magaalala. Hindi kita ihuhulog dyan. Nasa first floor lang din tayo kaya galos lang ang makukuha mo kung saka-sakali mang mahulog ka." Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Kumilos din ako at lumapit sa kanya. Pagkatapos ay sinubukang umupo sa pasimano. Medyo nahirapan pa ko dahil may kataasan iyon pero sa kinagulat ko ay hinawakan  ni Leon ang baywang ko at inalalayan ako sa pagupo. Gulat na napahawak din ako sa balikat niya at ng masigurong maayos na ako ay saka niya dahan dahang inalis ang mga kamay niya. "Sumandal ka sa gilid para mas ligtas." Sabi pa niya. Sinunod ko siya at dahil sa posisyon ko ay napaharap ako sa kanya. Kumilos naman siya at nakatayong sumandal sa kabilang gilid ng bintana at hinarap din ako. "Sorry." Sincere na sabi niya. "Ang totoo matagal ko ng gustong humingi ng tawad sayo. Pero hindi ko iyon magawa dahil  binigyan ako ng detention ni Mr Pierce. Bukod pa sa 'House arrest' na ibinigay naman ni Marius. Kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataong kausapin ka. Medyo nag-alangan din ako, dahil baka matakot ka sa akin at hindi ako kausapin. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng pumayag kang makausap ko kahit sandali lang." "Ang totoo.... medyo natakot nga ko sayo." Nahihiyang pag-amin ko. Nakita kong natigilan siya at nag-iwas sa akin ng tingin kaya mabilis ko ding dinugtungan ang sinabi ko."Pero gaya nga ng sinabi ko kanina... alam kong wala kang intensyong manakit. At isa pa.... mukha ka namang mabait." Napangiti siya sa huling sinabi ko at muling tumingin sa akin. "Talaga? Alam mo bang ikaw lang ang nagsabi sa akin ng ganyan?" Kumunot ang noo ko. "Huh? Sigurado ka?" Nakangiti siyang tumango. "Oo. Kaya salamat." Ngumiti rin ako sa kanya at parang lahat ng takot na naramdaman ko kanina sa kanya ay nawala na. Hindi nga ako nagkamali noon, mabait siya, kailangan  mo nga lang siyang kausapin o kilalanin para malaman yun. "So... pinapatawad mo na ko sa nagawa ko sayo?" Maya maya ay tanong niya. Nakangiting tumango ako. "Ang totoo wala naman dapat ipagpatawad. Aksidente ang nangyari kaya hindi ka dapat sisihin. Medyo mag-ingat ka na nga lang ng husto. Para hindi na ulit mangyari yun. Mahira na....." pagbibiro ko pa. Tumango naman siya. "Alam ko yun. Mabuti na nga lang at naroon si Tyrone. Nagawa ka nyang makita agad at masaklolohan. Kung hindi...." Hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi niya. Dahil biglang may ibang umukupa sa utak ko ng marinig ko ang pangalang binanggit niya. Kasabay din nun ang pagbigat ng dibdib ko at tila pagkirot niyon. Napahinga ako ng malalim at wala sa loob na hinawakan ang dibdib ko. "Mela?" Untag sa akin ni Leon. Ng balingan ko siya ay nakita kong umalis na siya sa pagkakasandal niya at lumapit sa akin. May pagaalala din sa mukha niya. "Ayos ka lang? May masakit ba? Gusto mong dalhin kita sa clinic?"  Sunod sunod na tanong niya. Muli akong huminga ng malalim para paluwagin ang dibdib ko at alisin kahit papaano ang pamimigat niyon. Pagkatapos ay muli akong sumandal sa gilid ng bintana at pilit nginitian si Leon. "Ayos lang ako. Medyo ganito lang ako sa ngayon kapag nakakaramdam ng matitinding emosyon." Sabi ko at bahaw na tumawa. Iminuwestra ko rin ang ulo ko. "Medyo hindi pa kasi ayos to. Kaya ayan, nahihirapang pagsabay sabayin ang function ng katawan ko." Sabi ko at pilit pinagaang ang tono ko. Hindi naman siya natawa at seryoso akong pinakatitigan. Pagkatapos ay muli siyang sumandal sa kabilang gilid ng bintana ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Matinding emosyon." Mahinang paguulit niya sa sinabi ko kanina at tiningnan ako sa mga mata. "Ano sa mga sinabi ko ang nagdulot nun?" Tanong pa niya. "Huh?" Wala sa loob na usal ko. Napakurap din ako at ibinuka ang bibig ko para magsalita. Pero wala naman akong naisip na sabihin kaya itinikom ko nalang ulit iyon at pinakatitigan lang din siya. "Naalala mo ba ang nangyari ng araw na yun?" Nag-aalalang tanong niya. "Hindi ah." Mabilis kong sagot. "Hmm.. kung ganun.. hindi takot ang naramdaman mo kanina?" "Oo." Simpleng sagot ko. He c****d his head sideward. At tila nagisip. "If not fear.... then what?" Hindi ako sumagot sa tanong niya. Mukhang hindi rin naman ako ang tinatanong niya at nagmomonologue lang siya. Ngumiti ako sa kanya at humawak sa gilid ng bintana at sa pasimano. "Wala. Huwag mo ng isipin yun. Kung wala ka ng iba pang sasabihin.. pwede bang---" "Is it Tyrone?" Tanong niya na nagapatigil sa akin. Maging ang plano kong pagbaba naudlot dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang salungatin at magkaila sa kanya. Pero may parte ko rin ang gustong umamin, lalo na at naramdaman ko ulit ang pagtatampo sa dibdib ko dahil sa pagiwas niya sa akin. Parang gusto ko bigla umiyak kay Leon at ibuhos ang sama ng loob ko. Napakurap ako sa naiisip ko at marahang umiling para alisin iyon sa loob ng utak ko. Haisst! Mukhang hindi pa nga tumitino ang utak ko, dahil kung ano ano nalang ang naiisip ko! Ano ba Mela! Huwag mo nga isipin yan! Kastigo ko pa sa sarili ko. "So siya nga" narinig kong sabi ni Leon. Napatingin ako sa kanya at nakita kong naaaliw siyang nakatingin sa akin. "Hindi no!" Halos sigaw ko sa kanya. Lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya at kampanteng humalukipkip. "Ang tagal mong sumagot. Siguro nagisip ka pa ng idadahilan. Kitang kita naman sa reaksyon mo, Carmela." Natatawang sabi niya. Napamaang ako sa kanya. "Ewan ko sayo! Hindi ko alam yang sinasabi mo." Kaila ko at sinubukang bumaba. Muli niya kong inalalayan pero sa kinainis ko naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya ng mapahawak ako doon. "Pinagtatawanan mo ba ko?" Tanong ko sa kanya ng bitiwan niya ko. "Parang ganun na nga." Natatawa paring sagot niya. "Ano?!" Aba't gusto ata nito masampolan ng ability ko ah! "Parehas na parehas kasi kayo. Ano nga ulit ang kasabihan sa labas? Tulak ng bibig, kabig ng dibdib? Tama ba?"nakangising tanong niya. Sandali akong natigilan sa sinabi niya at ang traydor kong puso nakaramdam nanaman ng kaunting pagasa sa sinabi ni Leon. Parehas daw kami. Kami... ni Tyrone? At ang mga sinabi niya..... ang ibig bang sabihin nun.... Nagiwas ako ng tingin kay Leon at pilit itinulak ang laman ng isip ko. Hindi  pwedeng ganito. Aasa na naman ba ko? "Hindi ko alam nag sinasabi mo. Maiwan na nga kita." Kaila ko ng hindi siya sinusulyapan man lang. Nagsimula akong maglakad at nilampasan siya. Nakita kong umayos naman ng tayo si Ian at naghintay sa akin kasama ng Spirit niya. "Pakisabi sa kanya na magpakatotoo na siya." Sabi ni Leon na nakapagpahinto sa akin. Kahit wala siyang pangalang binanggit kung sino ang taong gusto niyang sabihan ko nun ay alam ko na naman. Kunot noong binalingan ko siya. "Kaibigan mo siya. Bakit hindi ikaw ang magsabi?" Tanong ko. Nakita ko ng maiba nag emosyon sa mga mata niya. Lumungkot iyon at kahit nakangiti pa siya ay ramdam ko ang totoong nararamdaman niya. "Kailangan kong umalis ng Academy." Sabi niya na kinabigla ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napapihit ako sa kanya. At bago pa ko makapagtanong kung bakit ay nagpatuloy siya. "Hindi ligtas ang kapangyarihan ko para sa karamihan. Kaya kailangan kong magsanay sa ibang lugar. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Pero ang sabi ni Headmaster, kailangan ko munang maipakita na kaya ko ng kontrolin ang kapangyarihan ko bago ako makabalik dito. Kaya naman... hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita. Aalis na rin ako ngayon, ikaw lang talaga ang pinuntahan ko para gumaan naman ang dibdib ko sa pagalis ko." Bigla akong nakaramdam  ng guilt sa sinabi niya. Alam ko kasing may kinalaman ang nagyari sa akin sa naging desisyon ng Academy. Magisa na nga siya dito sa kabila ng maraming estudyante.... pero ang ilipat pa siya sa isang lugar, Sigurado akong literal na mag iisa siya doon. Naramdaman kong naginit ang mga mata ko. At wala akong maisip sabihin kundi humingi ng tawad. "I'm...." simula ko pero dagli rin niyang pinutol. "Don't." Utos niya at nginitian ako sa kabila ng lungkot na nakikita ko sa mga mata niya. "Ayokong ang huling maaalala ko sa Academy ay ang luha mo o paghingi mo ng tawad. Lalong lalo na ang awa. Kaya please..... just smile." Sandali ko siyang pinakatitigan bago tumango. Huminga ako ng malalim para tatagan ang sarili ko. Itinulak ko rin ang lahat ng negatibong emosyon na pwede nyang makita sa mukha ko at pagkatapos ay ngumiti sa kanya. Nakita kong natuwa siya sa ginawa ko. Muli siyang tumango sa akin at tumalikod na. Nakakailang hakbang palang siya ng magsalita ako. "Hihintayin ka namin!" Huminto siya at nilingon ako. Nakangiti naman akong nagpatuloy. "Kaya bilisan mo. Imaster mo yang kakayahan mo." Umismid siya at nakita kong sandaling nawala ang lungkot sa mga mata niya. "Sige. At sana pag balik ko....maayos na din kayo." Yun lang at muli niya kong tinalikuran. Naglakad siya sa kabilang dulo ng hallway. Sandali ko pa siyang sinundan ng tingin bago tumalikod din at lumapit kay Ian. Hindi naman nagsalita si Ian o nagtanong man lang sa pinagusapan namin ni Leon. Bagay na pinagpasalamat ko. Medyo malungkot din ang pakiramdam ko, at hindi ko maalis sa isip ko si Leon. Naaawa talaga ako sa kanya pero wala rin naman akong magagawa para makatulong sa kanya. Hindi nagtagal ay nakauwe na rin kami sa Dorm naming mga taga Nacht. Napatigil pa ko sa pagpasok sa may bandang pintuan ng makita si Mr Pierce na may kasamang dalawang babae. "Mga bagong estudyante." Sabi ni Ian na huminto din sa tabi ko. Nakatingin din siya sa kanila. Medyo obvious naman dahil hindi nalalayo ang edad nila sa amin. Bukod dun, nakauniporme sila ng ibang school at halatang inoOrient sila ni Mr Pierce. "Anong ability nila?" Tanong sa kanya. Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Biglaan lang daw ang pagpunta nila dito. Kaya hindi pa kami nabibigyan ng impormasyon sa kanila." Sabi niya at inilabas ang hologram screen sa gold bracelet niya. May iniscan siya doon. Muli kong tiningnan ang dalawang babae at kitang kita ko ang kaba at pagaalinlangan nila habang nililibot ng tingin ang paligid. "Sila lang ba ang bagong estudyante natin?" Wala sa loob na tanong ko at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman sa akin si Ian at pinatay na ang hologram screen niya. "May tatlo pa daw ayon sa impormasyon ni Marius. Pero napunta sila sa Lumiere. Sabay sabay daw silang dumating." Magtatanong pa sana ako ng makita at tawagin kami ni Mr Pierce. "Carmela. Ian. Come here."utos niya. Mabilis kaming sumunod ni Ian at huminto sa harap nilang tatlo. Pareho kaming magalang na bumati sa Head ng House namin at nginitian ko din ang dalawang bagong estudyante habang seryoso lang na tiningnan sila ni Ian. Gumanti naman sila ng nahihiyang ngiti sa akin at nag-aalangang tiningnan si Ian. "This is Joie Mendez and Jeanine Castillo. Mga bago niyong Novice." Pakilala ni Mr Pierce sa kanila. Pagkatapos ay ipinakilala rin kami ni Ian. "Kapag nahirapan kayo sa mga kaganapan sa Academy, maaari nyong lapitan ang mga Elites nyo. Sila ang bahalang magturo sa inyo." Sabi pa ni Mr Pierce sa kanila. Muli akong ngumiti sa dalawa. "Feel free to ask me. At kung kaya ko ay sasagutin ko ang mga tanong niyo." "Salamat po." Magalang nilang sabi. "Carmela. Sige na magpahinga ka na. Mamaya pa naman ang klase mo hindi ba?" Tanong ni Mr Pierce. "Opo." "Then go. Para maipahinga mo ang katawan mo." Tumango ako sa kanya. "Sige po." Sagot ko at nagpaalam na sa kanila. Hindi narin ako sinamahan ni Ian ng umakyat ako ng hagdan. Sandali ko pang tiningnan sila Joie at Jeanine. At hindi ko maiwasang mangiti sa inosenteng mukha nila. Hindi magtatagal.... mawawala rin yun sa kanila. At tatapang na sila sa pagharap kahit kanino. _________________________________ Shane_Rose
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD