Chapter 9 : Training with Lumiere

3441 Words
*Carmela's POV* Kinakabahan akong sumilip sa training Room sa fourth floor ng House of Lumiere. Pagkatapos ay sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng silid para hanapin si Tyrone. Pero mukhang wala pa siya dito dahil iilan palang ang nakikita kong Elites sa loob.  Mamomoblema tuloy akong dumiretso ng tayo at nag-alinlangang akong itulak ang pinto.  Irja.... Ano sa tingin mo?  Papasok na ba ko? Kinakabahang tanong ko sa Spirit ko. Naaninag ko na bahagyang nagliwanag ang pendant ko bago ko narinig ang boses nya sa loob ng isip ko. Hmmm.... Ayos lang siguro yun.  Tutal naman ay binigyan ka na ng pahintulot ni Mr Daniels na pumunta kahit saan man sa Lumiere. Sagot niya. Napalabi ako at kinakabahan ulit na sumilip sa pinto.  Haissttt!  Bakit ba kasi inutusan ako ni Tyrone na mauna dito? Hindi ba pwedeng sabay nalang kami..... Reklamo ko pa.  Naramdaman ko naman ang  pagkaamuse ni Irja. Ang sabihin mo...  Gusto mo lang talaga siyang makasabay. Period. Tukso pa niya.  Naramdaman kong naginit ang mga pisngi ko sa sinabi niya at todo ang pigil kong mangiti. Hoy!  Hindi ah!  Ayoko lang talagang harapin ang mga kaHouse niya ng hindi siya kasama. Kaila ko pa. Hay naku, Mela--- Simula ni Irja pero hindi na nya yun natapos ng may magsalita sa likod ko. "Anong ginagawa mo dito?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko sa sobrang pagkabigla. At pati ang puso ko parang tumalon sa dibdib ko ng marnig ang boses. Pipihit narin sana ako paharap pero bago pa ko makagalaw ay may kamay na tumulak sa likod ko. On instict... Naihawak ko ang mga kamay ko sa pinto at naitulak yun pabukas. Didiretso na din sana ako sa sahig kung hindi ko lang din agad nabawi ang balanse ko at napigil ang pagbagsak ko. Napahugot ako ng hangin at halos mabingi ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Magkahalong gulat at adrenaline sa muntikan kong pagbagsak ang nasa katawan ko. Unti unti rin akong napatingin sa mga estudyanteng nasa loob ng silid. At ng makita ko silang lahat na natigilan at nakatingin lang sa akin ay saka ako natauhan at mabilis na umayos ng tayo. "Sa susunod huwag kang humarang sa pinto." Sabi ng taong tumulak sa akin. Abot hanggang langgit ang pagpipigil kong taasan ng kilay ang nagsalita. At agad kong pinakalma ang sarili ko para narin sa mga estudyanteng nakakakita sa akin. Kalma Mela... Tandaan mo, Lumiere to. Hindi ito ang teritoryo mo. Nakaka mahigit isang buwan ka palang dito. Be nice. Ngiti lang. Pagkausap ko pa sa sarili ko. Pasimple akong huminga ng malalim at lumingon sa taong tumulak sa akin. Kampanteng sinalubong naman ni Simon ang tingin ko.  Napatingin din ako sa mga Elites na nasa likod niya bago muling bumaling sa kanya. "Sorry.  Hindi pa naman kasi talaga ako sana papasok dito... " sabi ko at kahit nagpigil na ko ay nabahiran parin ng pagtataray ang boses ko. Umismid lang si Simon.  Ni hindi nya nga pinatapos ang sinasabi ko at naglakad na siya papunta sa malaking bintana sa gilid ng silid. Sumunod naman sa kanya ang mga Elites na kasabayan niyang dumating. At halos mapamaang naman ako sa pambabalewala nila sa akin. Kaswal na umupo si Simon sa pasimano ng bintana at sumandal sa isang gilid niyon . Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin at iminuwestra ang upuang malapit sa kanya.  "Maupo ka.  May inutos lang kay Tyrone.  Kaya mahuhuli siya sandali. " sabi niya . Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Ang totoo hindi ko siya mabasa-basa.  Minsan kasi ang sungit niya,  tapos biglang babait.  Tapos mangiisnob ulit. Kaya hindi na nakakapagtakang mangilag sa kanya ang karamihan. Ang hirap kasi nya basahin. At nakakatakot siya lapitan pag seryoso siya. Napbuntong hininga ulit ako.  Bago ko tiningnan ang mga upuang nakahanay sa gilid ng silid. Sandali ko pang binalingan sila Simon bago ako nagdesisyong umupo sa upuang tatlong silya ang layo mula sa itinuro niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ng naaamuse na umiling siya. Ganun din ang mga kasama niya. Hindi ko tuloy maiwasang mailang habang nakaupo at pinagmamasdan ang pagkwekwentuhan ng iba. Ramdam ko ang kaibahan ko sa kanila.  Lalong lalo na sa tuwing mapapatingin ako sa uniporme nila at sa akin.  Litaw na litaw ang itim na uniporme ko sa puting paligid ko. "Excuse me." "Huh? " gulat na napabaling ako sa isang Elite na lumapit sa akin. Base sa kulay dilaw na nasa lining ng blazer at nectie nya ay Earth User din siya gaya ko. "Ikaw si Carmela diba?  At kung hindi ako nagkakamali ay Petrification ang ability mo? " tanong pa niya. Nakangiti naman siya at mukhang siyang mabait habang nakatingin sa akin.  Kaya kahit nagaalangan akong sumagot ay tumango ako. Lumawak naman ang pagkakangiti niya. "Talaga? Kung ganun ay maari ba tayong maglaban? " tanong niya na kinalaki ng mata ko.  Napansin naman niya agad ang reaksyon ko kaya mabilis niyang dinugtungan ang sinabi niya.  "Friendly match.  Sparring.  Ganun lang. Nothing serious.  Gusto ko lang talaga makita ang kakayahan mo." Sabi pa niya. "Ahhh.. Ehh.." Usal ko. Hindi rin ako makaform ng isang salaysay dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.  Allowed ba kaming makipaglaban sa kanila?  I mean...  Oo at pansamantalang nasa House nila ko.  Pero Nacht parin naman ako eh.  "Ryan tigilan mo nga siya." Utos ni Simon.  Napabaling kaming lahat sa kanya. "Bakit?  Wala namang mali sa pakiusap ko ah." Sagot naman nung Ryan.  "Wala naman akong intensyong masama. Promise!" Nakangiti sabi niya at itinaas ang kamay niya na animo nanunumpa. "Oo nga, Simon." Pagsangayon naman ng isa pang Fire User na kasama kanina ni Simon. "Isa pa...  Ilang linggo na sa atin si Carmela.  At sa tuwing sasama siya sa training ni Tyrone,  lagi lang siyang nakaupo sa tabi at naghihintay.  Hindi ba at mas Cruel ang pinapagawa nyo sa kanya? " Binalingan siya ni Simon at tinaasan ng kilay.  "At paanong naging Cruel yun?" Nagkibit balikat naman yung Fire User.  "Mas pinagmumuka nyo kasi siyang Aso na naghihintay ng utos nyo? " patanong na sagot niya.  Nakita ko rin siyang ngumiwi ng ikumpara nya ko sa isang Aso.  Apologetic naman siyang bumaling sa akin. "No offense Carmela.  Ang ibig ko lang sabihin....  Na... " subok nyang pagpapaliwanag pero halatang halata na nahihirapan siyang humanap ng mas magandang salitang kesa sa binitiwan niy a kanina. Maging si Ryan nagkamot na ng ulo sa kanya at tila nahihiyang tumingin sa akin.  "Sorry...  Kalimutan mo nalang ang sinabi ko.  Ganun din ang sinabi niya. Ganyan lang talaga siya. Pero wala naman siyang masamang ibig sabihin nun." Bahagya naman akong napailing.  Sa totoo lang kung titingnan mo nga,  parang ganun ako.  Hindi ko naman kasalanan!  Prey ako at kailangan nasa tabi ako lagi ng Hunter ko.  At kung kailangan niya ng tulong ko ay saka lang ako kikilos.  Haiissttt!  Hindi ko naisip na iba ang magiging tingin ng ilang estudyante sa arrangement na to. Tiningnan ko si Simon.  At medyo natigilan ako ng makita siyang nakatingin ng diretso sa akin.  Na para bang binabasa niya ang nasa isip ko. "Iyon ba ang pakiramdam mo?" Maya maya ay tanong niya.  Parang bigla akong nabingi sa katahimikan ng lugar.  Wala kasi ni isa ang nagsasalita at parang lahat sila hinihintay ang sagot ko. Napayuko ako ng ulo.  Medyo nailang kasi ako sa atensyon nilang lahat. "Carmela? " tawag ni Simon sa akin ng hindi ako sumagot sa tanong niya. Sandali kong pinagaralan ang nararamdaman ko at inalala ang mga nangyari sa akin sa mga nakaraang araw bilang Prey.  At ng may nakuha na kong sagot ay saka ako umiling sa kanya. "Hindi.  Kahit kailan naman ay hindi kayo nagutos ng kung ano ano sa akin.  At hindi nyo rin pinaramdam sa akin ang ganun." Sagot ko at tumingin kay Simon. Parang nakita ko pang bahagyang gumalaw ang balikat nya.  Na parang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. "Good.  Hindi rin matutuwa si Tyrone kung sakaling iyon ang naramdaman mo." Sabi niya. Bahagya akong ngumiti at tumango.  Pagkatapos ay bumaling ako kay Ryan.  "Siguro...  Ayos lang kung sasali ako sa training nyo? " nagaalinlangan kong tanong sa kanya. Bumalik ang ngiti sa labi niya ng bumaling sa akin.  "Talaga?  Ayos yun!" Nakita kong aalma sana si Simon.  Pero mabilis ko siyang pinigilan. "Ayos lang sa akin.  Isa pa...  Masyado ng matagal ng huli akong nakapagsanay. " "Pero hindi ba yun makakasama sayo?" Tanong niya.  At napangiti ako ng mahimigan ng pagaalala ang boses niya. "Hindi.  Sa mga unang buwan lang naman ako pinagbawalan nila Ms Kath.  Pero nitong nakaraang buwan ay binigyan na nila ako ng Go signal para magsanay.  Nagagawa ko na din yun sa Nacht. Natigil lang ng maging Prey ako." Sagot ko sa kanya. Bakas parin ang pagaalinlangan sa mukha nya at napansin yun ng mga kasama namin kaya nakisama na rin sila sa pagkumbinsi sa kanya. "Come on Simon!  Hindi naman namin pagtutulungan si Carmela.  Takot lang namin kay Tyrone." Nakangisi pang sabi nung Fire User kanina. Napangisi at napatawa din ang iba. Pero hindi sila pinansin ni Simon at tiningnan lang ako.  "Are you sure? " paninigurado pa niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagkibit balikat naman siya at tiningnan sila Ryan. "Kung ayos sa kanya..  Wala naman sigurong magiging problema." Tumango si Ryan.  "Wala yan. " nakangiting sabi niya at bumaling sa akin.  "So Carmela...  Start na tayo? " Sandali ko munang tiningnan si Simon bago muling humarap kay Ryan at tumango.  Nakangiting iminuwestra naman niya ang gitna ng training room. Pasimple akong huminga ng malalim at saka tumayo sa inuupuan ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.  Hindi lang dahil sa kaba,  kundi pati na din sa Excitement.   Sabay pa kaming pumunta ni Ryan sa gitna ng silid.  Habang tumatabi naman sa gilid ang ibang Elites.  Lahat sila halatang interesadong manood sa mangyayaring laban. Ng makarating kami sa gitna ay saka namin hinarap ang isat isa.  Ramdam ko agad ang tensyon sa paligid at ganun din ang antisipasyon ng lahat ng nasa silid. At gaya ng nakagawian bago magsimula ang laban ay may lumapit sa aming Aether User. "May I?" Tanong ng babaeng Aether User sa akin at ng tumango ako ay saka niya hinawakan ang balikat ko.  Parehas silang naglabas ng puting Flare bago ko naramdaman ang kapangyarihan nyang bumalot sa katawan ko.  Pagkatapos ay may nakita akong puting bola na pumaikot sa akin.  Ilang sandali pa ay nawala agad iyon sa paningin namin kasabay ng pagkawala ng flare ng mga Aether User.  "Goodluck. " pabulong na sabi ng Aether User ko.  Lumingon ako sa kanya at napangiti ng makitang Sincere siya sa sinabi niya sa akin. Ng makalayo na sila ay saka namin hinarap ulit ni Ryan ang isat isa. Nakita kong nagliwanag ang isang bahagi ng braso niya bago lumabas ang dilaw na liwanag sa kanang kamay niya. Nagbago iyon ng anyo at naging espada. Irja. Tawag ko sa Spirit ko.  Nagliwanag din ang kwentas ko at nagbago ng anyo. Naikuyom ko naman ang mga kamay ko habang tinitingnan ang mga reaksyon nila.  At gaya ng inaasahan ay nakita ko ang pagkalito sa mga mukha nila ng wala silang sandatang makita sa akin. "Weapon? " tanong ni Ryan. Nagkibit balikat ako at nginitian siya.  Sandaling tumaas ang kilay nya bago napangiti at umiling.  "Ikaw ang bahala." "On three." Sabi ng Fire User kanina.  "One... Two... " bilang niya.  Inihanda ko ang sarili ko at nakita kong ganun din si Ryan.  "Three. " Sabay kaning naglabas ng kulay dilaw na Flare.  Tanda ng pagkakapareho ng Element namin. Agad kong binuksan ang pinto ng link ko.  At ng makita kong kumilos si Ryan para umatake ay saka ko pinakawalan ang kapangyarihan ko.  Nagfocus ako sa binti niya at naramdaman ko ng mabilis na pinaikutan yun ng kapangyarihan ko.  Agad ding natigil si Ryan at kunot noong tiningnan ang binti niya. Nakita ko pa ang paglaki ng mga mata niya ng dahan dahang maging bato ang mga paa niya at umaakyat hanggang binti niya. Sinubukan niyang igalaw yun.  Pero dahil sa kapangyarihan ko ay hindi na niya maihakbang o maikilos man lang iyon. Narinig ko din ang pagsinghap ng ilan sa nakita nila at ganun din ang bulong bulungan. Ng sa wakas ay tila sumuko na si Ryan sa paggalaw ay saka siya dumiretso ng tayo at nakangiting tiningnan ako.  "Kaya pala hindi mo na kailangan ng sandata.  Dahil hindi rin magagawang lumapit sayo ng iba.  Pero.....  Paano kung ganito ang gawin ko?" Sabi niya. Tumingkad ang Flare niya at bago ko pa malaman ay biglang lumambot ang sahig na tinatapakan ko.  Muntik na kong mawalan ng balanse at laking pasasalamat ko sa mga training napinagdaanan ko sa Nacht dahil nagawa kong kumilos agad.  Nanaig ang instinct ko at tumalon ako paalis sa kinatatayuan ko kanina. Nakita kong tila naging kumunoy ang sahig. At pumasok sa isip ko na baka nahulog na ko at tumagos papunta sa second floor kung sakaling hindi ako nakaalis agad dun. Tiningnan ko si Ryan.  Ngumiti lang siya at naramdaman kong muli niyang pinalambot ang tinatapakan ko.  Mabilis akong umatras pero kahit saan ako pumunta ay inuulit lang niya ang atake niya. "You see,  Carmela.  Ito ang dahilan kung bakit curious ako sayo.  Kabaliktaran kasi ng ability ko ang ability mo. Hindi ko nga lang yun kayang gawin sa mga tao...  Pero sa mga bagay ay walang kahirap hirap kong mapapalambot hanggang sa maging buhangin." Sabi niya. Napatingin ako sa likod ko at ng makita kong ilang hakbang nalang ako mula sa pinto at sa dingding ay tumigil ako sa pagiwas sa atake niya.  Maging ang mga kaklase nya halos nasa gilid na din ng silid makaiwas lang sa malambot na lupa sa sahig. Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay tiningnan siya sa mga mata niya.  Tama siya. Kabaliktaran ng kakayahan ko ang sa kanya.  Kaya siguro naman ay kaya kong kontrahin ang ginagawa niya? Diba? Nilakasan ko ang kapangyarihang hinahatak ko sa link at nakita kong tumindi ang kulay ng Flare ko.  Pagkatapos ay itinuon ko iyon sa mga paa ko at isinalin sa sahig. Naramdaman ko pa ang kapangyarihan ni Ryan na sumusubok palambutin ang sahig pero agad ko iyong nilabanan.  Itinulak ko ang kapangyarihan niya hanggang sa maramdaman kong umatras yun. Napangiti ako ng manatiling solido ang sahig na tinatapakan ko. Lumawak naman ang pagkakangiti niya. "Impressive." "Since na hindi na makalaban si Ryan.  Mind if we join the fight? " biglang tanong ng Fire User na katabi ni Simon. Naniningkit ang matang binalingan siya ni Simon.  "Lex." Tawag niya at nahimigan ko ang babala sa tono niya. "It's ok,  Simon.  Iibahin nalang natin ang rules.  Ang kailangan lang ay nakalapit kami kay Carmela at mahawakan siya. Gusto lang namin malaman kung magagawa niya kaming pigilan lahat." Sagot naman niya. Sandaling tila nagisip si Simon bago bumaling sa akin.  "Payag ka ba sa gusto nila? " Tiningnan ko ang ilang Elites na bahagyang lumapit sa amin.  Anim silang lahat kasama si Lex.  At base sa kulay ng lining at nectie nila ay Fire at Air User ang karamihan sa kanila. Hindi ko alam kung magagawa ko silang pigilan pero...  Hindi naman siguro masama kung susubukan ko. Tumingin ako kay Simon at tumango sa kanya. Sandaling kumunot ang noo niya at halatang napipilitan lang siyang tumango kay Lex. Lumapit sila  Lex samin ni Ryan at naramdaman kong itinigil ni Ryan ang kapangyarihan niya.  Mabilis na bumalik naman sa dati ang sahig. Naalerto ang katawan ko ng makita kong naglabas ng Flare sila Lex.  Magkakahalong kulay iyon pero nangibabaw ang pula. Hindi sila nagaksaya ng oras at umatake agad ang iba.  Inilabas nila ang mga sandata nila at lumusob.  Mabilis kong binuksan ang mga nakakuyom kong palad at ibinato sa sahig ang mga karayom ko. Ang Weapon form ni Irja. Agad na kumawala dun ang spirit force na inilagay ko at parang alon yung kumalat sa sahig. At bago pa nila makita ay may maliliit na Spirit needles na natumubo sa sahig. Natapakan iyon ng karamihan at mabilis na umupekto sa kanila ang kakayahan ko. Gamit kasi ang mga needles na yun ay magagawa kong ipasok agad sa katawan nila ng sabay sabay ang ability ko at  iparalisa sila pansamantala. Napahinto agad sila at parang naging estatwa sa kinalalagyan nila.  Natigilan din ang iba at gulat na tiningnan ang ilan pang nagliliwanag na karayom na nasa sahig. Pinalibutan ako nun.  At para lapitan ako ay wala silang magagawa kundi ang apakan yun.  O kung hindi man ay lumipad sa ibabaw ng mga yun.  Which is...  Mahirap gawin lalo na at halos lahat ng Air User na sumali sa laban ay paralisado na ngayon. Nakita kong umismid si Lex bago tumingin sa akin.  Kitang kita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya.  Tumingkad ang Flare niya at ako naman ang natigilan ng makita kong unti unting may pulang linya ang lumalabas paikot sa kanya. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang mga linyang yun. "Para bigyan ka ng idea sa kakayahan ko." Sabi niya na kinalito ko. "Lex!" Sigaw ni Simon.  Napatayo nadin siya sa kinauupuan niya. Kasabay ng pagpigil niya kay Lex ang pagguhit ng linya sa mismong harap ko.  Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla.  Pero kung gaano iyon kabilis na lumabas ay ganun din iyon kabilis na nawala.  Napigil ko ang hininga ko at ng mapakurap ako ay saka ko naramdaman ang pagiinit ng kaliwang pisngi ko.  Kung saan dumaplis ang pulang linya kanina. Wala sa loob na hinawakan ko ang pisngi ko at ng mabasa ang kamay ko ay mabilis kong tiningnan iyon.  Parang tumigil saglit ang puso ko at nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ang dugo sa mga daliri ko.  "Stop it Lex!" Sigaw ni Simon. "I'm just trying to distract her." Sagot naman niya kay Simon at nakita kong lumabas ang napakaraming pulang linya sa harap ko.  Maging sa gilid ay ganun din.  I'm surrounded. At wala akong matatakbuhan. "Distract?  You hurt her!  Alisin mo na ang mga laser mo ngayon din! " utos ni Simon. Hindi ko na magawang magconcentrate dahil binalot na ng kaba ang puso ko.  At sa unang pagakakataon ay naramdaman kong tila naso-suffocate ako.  Parang hindi ako makahinga at takot ang katawan kong kumikos man lang.  Napakalapit ng mga Laser nya sa akin at sa oras na dumikit man lang ako sa mga iyon..... Parang bigla akong nahilo. Sa kakulangan ng hangin dahil sa pagpipigil kong huminga o sa sobrang kaba at bilis ng t***k ng puso ko ay hindi ko masabi. Basta naramdaman kong nanginig ng bahagya ang tuhod ko. Narinig ko pa ng bumukas ng pinto sa likod ko.  Kasabay ng panghihina ng tuhod ko.  Mapapaluhod na sana ako ng may mga kamay na pumaikot sa baywang ko mula sa likuran ko Sinalo niya ang bigat ko at dahan dahan akong inalalayang tumayo.  "It's ok.  I got you." Bulong ni Tyrone sa akin. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa likod ng tengga ko,  ganun din ang tatag at init ng mga braso niyang nakapaikot sa akin. Kumilos ako at lumingon sa kanya.  At halos dumoble ata ang bilis ng t***k ng puso ko ng marealise ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isat isa.  Kaunting distansya nalang at magdidikit na din ang mga labi namin. Natigilan ako habang tiningnan naman niya ang mga mata ko at pinasadaahan ang mukha ko.  At nakita kong naningkit ang mga mata niya ng makita ang kaliwang pisngi ko.  Nagtangis ang mga bagang niya at malamig na bumaling sa harap namin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko sa kabila ng maraming pulang linya sa harap namin ay natigilan ang karamihan sa mga kaklase niya. Babaling ulit sana ako sa kanya ng magsabog ng malakas na Flare si Tyrone.  Naramdaman ko din ang kakaibang lamig na dulot ng kapangyarihan niya.  At kitang kita ko ang mist na lumabas dahil sa biglaang pagbabago ng temperatura. Narinig ko din ang pagsinghap ng iba at maging ako hindi napigilang napasinghap sa pagkabigla. At ng mawala kahit papaano ang mist ay saka ko nakita ang paligid namin.  Lahat ng pulang linya ni Lex kanina ay naging tila sinulid na balot ng yelo.  Maging ang ilang bagay sa silid ay nagyelo din.  At di nagtagal ay nabasag ang mga sinulid na yun at bumagsak sa sahig. Tila nagecho sa silid ang tunog na nilikha nun.  At wala ni isa ang kumilos. Ng mawala na lahat ng nakaharang sa amin ay saka nagsalita si Tyrone.  Kasing lamig ng paligid namin ngayon ang tono niya. "All of you.  Maguusap tayo pagbalik ko." Sabi niya at binalingan si Lex.  "Lalo ka na." Yun lang at saka siya kumilos at pinangko ako. Napahawak ako agad sa balikat niya sa takot na mahulog. Pagkatapos ay nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Hindi naman niya sinalubong ang tingin ko at nagtatangis ang bagang na lumabas ng silid buhat ako. "Ipagamot natin yan." Sabi niya na tinutukoy ang sugat sa pisngi ko.  "T-tyrone kaya ko naman na--" simula ko pero agad nya iyong pinutol. "Not now , Mela. Hindi maganda ang mood ko para makipagtalo sa kung ano at hindi ang kaya mo." Malamig na sabi niya. Natahimik ako at ramdam ko nga sa katawan nya kung gaano siya katensyonado.  Na para bang may gustong sumabog sa loob nya at gahibla nalang ang pagpipigil niyang lumabas iyon. Kaya kahit gusto ko mang umalma sa kanya o magpaliwanag ay natahimik nalang ako. Hahayaan ko nalang muna siguro at hihintaying kumalma siya kahit papaano. ___________________________ A. N Super Busy ako this month.  So sorry at nahuhuli ang update.  Hehe Salamat sa votes and comments! Shane_Rose
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD