Chapter 4 : Music of Death

3074 Words
*Carmela's POV* "Carmela." Napahinto ako sa paglalakad sa mataong corridor ng House namin ng marinig ang pangalan ako. Huminto rin ang mga kasama ko na sina Glaiza at Janice. At parepareho kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Automatikong napaayos din kami ng tayo ng makita naming naglalakad palapit sa amin sina Marius at Ian. Nakita ko ring bahagyang lumayo ang mga kapwa naming estudyante sa kanila. At bahagyang natahimik ang paligid. Hindi naman dahil yun sa takot, kundi respeto para sa Head at isa sa Higher Elite namin. Bahagya pa kaming tumangong tatlo ng huminto silang dalawa sa harap namin. Sandali ko ring tiningnan ang mga Animal Spirit na nasa tabi nila bago ibinalik ang tingin ko kay Marius. Tahimik naman na umupo sa gitna nila ang Black Panther ni Marius habang walang ingay na naglakad paikot sa aming tatlo ang cheetah ni Ian. "May kailangan po ba kayo?" Magalang kong tanong. "Kaklase mo si Leon hindi ba?" Seryosong tanong ni Marius. Kumunot ang noo ko habang inaalala ang pangalang sinabi niya. Mahigit isang taon na ako sa Academy, pero sa dami ng klase ko at mga kaklase ko ay mahirap sa aking tandaan silang lahat. Pero ang pangalang sinabi niya.... Biglang may lumitaw na imahe sa isip ko. At dahil doon ay nagawa kong maalala kung sino ang tinutukoy niya. Dahan dahan akong tumango. "Opo. Kaklase ko siya. Pero hindi siya pumasok kanina." Sandaling kumunot ang noo ni Marius bago bumakas ang inis sa mukha niya. "Ulit? Hindi ba at sinabihan ko na siya noon?" Medyo inis na tanong niya. Pero mukhang hindi iyon para samin dahil agad siyang bumaling kay Ian. Nagkibit balikat naman si Ian. "Baka may importanteng giniwa." Balewalang sabi niya. Pero sa tingin ko ay iniiwasan nya lang na lalong mainis si Marius kaya hindi na niya ginatungan ang sitwasyon. Napabuga ng hangin si Marius at muling tumingin sa akin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ng tila matigilan at matensyon sila Janice at Glaiza sa magkabilang gilid ko. Hindi ko rin naman sila masisi dahil maging ako parang tumigil sa paghinga ng mabaling sa amin ang inis na tingin ni Marius. Maging ang mga kasama naming estudyanye sa corridor halos nahinto sa kung ano mang ginagawa nila. "Hanapin mo siya at sabihin mong gusto ko siyang makausap. Sa lalong madaling panahon." Utos niya at binigyang diin ang bawat salita sa huling pangungusap niya. Yun lang din ang sinabi niya at tumalikod na. Sumunod sa kanya ang Black Panther niya ng maglakad na siya palayo sa amin. "Mahilig mamalagi si Leon sa gubat. Mas maganda kung doon mo sisimulan ang paghahanap." Napabaling ako kay Ian ng magsalita siya. Nanatili parin siya sa kinatatayuan niya kasama ang Cheetah niya. Namulsa siya at tiningnan ako ng diretso. "Magiingat ka nga lang dahil masyadong malaki ang gubat. Humingi ka ng tulong kung kinakailangan. Mas maganda kung makikita mo siya agad dahil habang tumatagal ay lalong titindi ang parusang ibibigay sa kanya ni Marius." Suhestiyon pa niya bago kami tinalikuran at sinundan ang Head Elite namin. Pagkaalis niya, saka palang tila gumana ang baga ko at nabuga ko ng hanging kanina ko pa pala pinipigil. Nakita kong ganun din ang reaksyon ng mga kasama ko. Nasapo ko rin ang dibdib ko ng maramdaman ko ang matinding pagkabog niyon. Sinabi ko ba kaninang hindi kami takot sa kanila? Naitanong ko pa sa sarili ko. Napaismid ako at wala sa loob na napailing. Hindi naman kasi sila nakakatakot..... huwag nga lang itutuon na masama ang mood nila. Gaya kanina, para kasing sa akin natuon ang inis ni Marius imbes sa Leon na yun. Kaasar.... Huwag ko nalang kaya siyang hanapin? Para makaganti man lang ako sa naramdaman ko ngayon ng dahil sa kanya. Pero sumingit sa isip ko ang sinabi ni Ian. Na pagtumagal pa na hindi siya nakikita ni Marius ay lalala ang parusa niya. Kahit hindi ko naman siya lubusang kilala ay naaawa naman ako sa kanya. At isa pa baka hindi ako patulugin ng konsensya ko pag nalaman kong mabigat ang naging parusa sa kanya. Kaya kahit mabigat sa loob ay kailangan ko siyang hanapin. Napatingin ako kela Glaiza at Janice. Gaya ko ay itim din ang blazer nila at Ginto ang badge nila. Pero ang ribbon at palda naming tatlo ay magkakaiba. Asul kay Glaiza at Berde kay Janice. Habang ako naman ay kulay Brown na may halong dilaw. "Sorry, hindi ako makakasama sa Group Study. Kailangan ko munang gawin ang utos ni Marius. Hindi ko nga lang alam kung anong oras ako makakabalik." Nakalabing paghiningi ko ng paumanhin sa kanila. Nakakaunawang ngumiti naman sila at sa ikinatuwa ko ng husto ay nagpresinta silang tulungan ako. "Tulungan ka na namin. Para mas mapabilis ang paghahanap kay Leon." Nakangiting sabi ni Glaiza. "Oo nga. Para hindi na rin sumama ang mood ni Marius. Nakakatakot siya pag ganun eh." Halos mapangiwing sabi ni Janice. Hindi ko na napigilang mangiti sa kabaitan nila. "Talaga? Tutulungan niyo ko? Naku! Thank you ha!" Tuwang tuwa pang sabi ko. "Ano ka ba? Para yun lang..." nakangiti na ring usal ni Janice. Kaya imbes na sa Library kami tumuloy ay lumabas kami ng House namin. "Mas mabilis kung maghihiwa hiwalay tayo. Kaya naman doon ako sa parteng yun. Doon ka naman Janice. At ikaw dun, Mela." Turo ni Glaiza sa direksyong isa isa naming tatahakin. Tumango kami ni Janice. "Sige. Padalhan nalang natin ng mensahe ang isat isa para aware tayo kung nahanap na si Leon o kung nawawala na ang sinuman sa atin." Pagbibiro pa ni Glaiza. "Huwag kang ganyan! Mamaya magkatotoo eh!" Reklamo ko pa. Pare pareho kaming natawa bago nagpasyang magsimula na sa paghahanap. Medyo kinakabahan pa ko ng magsimula akong maglakad papasok ng gubat. At hindi lang iilang ulit kong nilingon sila Glaiza at Janice. Ngunit wala ni isa sa kanila ang lumingon sa akin kaya wala akong nagawa kundi patatagin ang loob ko at magpatuloy sa pagpasok sa gubat. Ramdam ko ang mga tuyong dahon na naapakan ko, ganun din ang kakaibang pakiramdam ng gubat. Pakiramdam ko ay tumalas din ang pakiramdam ko lalo na at tahimik na tahimik sa loob nun. Ramdam ko ang tensyon sa buong katawan ko at halos tumalon ako sa gulat sa kaunting kaluskos lang sa paligid ko. Ano ba to? Nakakatakot naman dito! Asan ba kasi yung Leon na yon? Isip isip ko habang alertong pinakikiramdaman ang paligid ko. Pakapal ng pakapal ang mga halaman na nadadaanan ko at maging ang sinag ng araw ay unti unti naring natatakpan ng mga makakapal na dahon sa taas ko. "L-leon? Leon! Asan ka ba?!" Mahinang sigaw ko. Hindi ko magawang ilakas ang tinig ko sa takot na may matawag akong mga nilalang na naninirahan sa gubat. Ijra. Tawag ko sa Spirit ko. Sandali rin akong tumigil sa paglalakad at tumabi sa katawan ng malaking puno. Anong problema, Carmela? Sagot niya sa loob ng isip ko. Tila kagigising nya lang din mula sa pagkakatulog. May tao akong kailangan hanapin. Matutulungan mo ba ko? Tanong ko sa kanya. Nagliwanag ang hugis dahon kong pendant at tumalon ang kulay dilaw na liwanag niyon sa kanang balikat ko at nagbago ng anyo. Lumapit sa leeg ko ang Hedgehog na spirit ko at malambing na hinaplos ang ulo niya sa balat ko. Magandang umaga, Mela.          Pagbati pa niya.           Pasensya na, ngunit hindi kita matutulungan. Hindi ko kayang itract ang sinuman. Napabuntong hininga ko at tipid na ngumiti kay Irja. "Ayos lang. Siguro naman ay hindi sya lalayo dito." I said hopefully. Sandali ko pang pinasadahan ng tingin ang paligid ko bago muling pinagpatuloy ang paghahanap sa lalaking pakay ko. Magiingat ka. Paalala pa sa akin ni Irja habang hinahawi ko ang makapal na halaman sa harap ko. Kinailangan ko pang yukuin ang paanan ko para sigiraduing hindi sasabit o dadaplis sa binti ko ang matatalas na sanga niyon. Nagawa ko namang makalampas doon at didiretso na sana ng tayo ng biglang may bumagsak sa harap ko. "AHHH!" Sigaw ko at patalon akong umatras. Pero dahil narin sa halaman sa likod ko ay sumabit ang paa ko dun at natumba ako. Medyo nasalo naman nun pagbagsak ko pero naramdaman kong nasugatan ang mga kamay ko sa matatalas na sangang nahawakan ko. Gulat at takot akong tumingin sa harap ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang abuhing lobo. Parang tinakasan din ng dugo ang buong katawan ko at nanlamig ako ng makita ang isang jaguar na tumalon mula sa kung saan at tumabi sa lobong nasa harap ko. Pareho silang tila inamoy amoy ako at parang hihimatayin ako ng magsimula silang lumapit. "Aethon." Narinig kong pagtawag ng kung sino. Parehong huminto ang dalawang hayop sa harap ko at tumingala ang lobo sa taas ng katabing puno. Halos hindi ako huminga habang sinusundan ng tingin ang binalingan ng mabangis na hayop. At halos tumalon ang puso ko sa muling pagtibok niyon ng makita ko ang pamilyar na uniporme ng House namin. Ganun din ang tatlong lalaking nasa taas ng puno at nakayuko sa akin. Naka tungtong sila sa malalaki at magkakaibang sangga ng puno. Ang isa ay kampanteng nakasandal sa pinakakatawan ng puno. Habang ang isa naman ay nakahawak doon. Dumako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa pinakamataas na sangga at nagulat ako ng bigla siyang tumalon pababa! Napauwang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang pagbagsak niya. Pero parang wala lang ng lumapat ang paa niya sa lupa. Napakurap din ako ng makita ang tila mapusyaw na pulang liwanag na bumalot sa katawan niya. Sandali siyang napaluhod bago tumayo at naglakad sa akin. Kasabay nun ang pagkawala ng liwanag na bumabalot sa kanya. Nakasuot siya ng uniporme ng Nacht. At kung ang pagbabasihan ay ang Gintong badge at lining sa blazer niya ay isa rin siyang Elite na gaya ko. Dumako ang mga mata ko sa mukha niya at sandali pa siyang minukhaan bago tuluyang nakilala. Napakurap ako at halos mapabuga ng hangin sa sobrang relief. "K-kaeden." Nanginginig pa ang boses kong pagkilala sa kanya. Isa siya sa mga First year na kakapasok palang sa Academy noong nakaraang buwan. At gaya ko ay naging Elite din siya agad agad. Misan ko ng nakita ang kapangyarihan niya. Ang gamitin ang apoy at pasunurin ito sa ano mang nais niya. At kahit ako na mas ahead sa kanya ng isang taon ay natatakot din sa kakayahan niya. "Carmela." Seryosong bati niya sa akin. Tumabi sa gilid ang dalawang hayop sa harap ko at hinayaang makalapit sa akin si Kaeden. Huminto siya sa harap ko at inalok ang kamay niya. Nagaalangang inabot ko naman iyon. At halos maikuyom ko sa hiya ang mga kamay ko dahil sa panginginig niyon. Hindi naman iyon pinansin ni Kaeden at hinila ako ng marahan patayo. Nakita ko din ang ginawang pagtalon ng dalawa pa niyang kasama at ang paglapit nila sa amin. Agad naman binitiwan ni Kaeden ang kamay ko ng makatayo ako ng tuwid at lumayo sa akin para sumandal sa punong malapit sa amin. Sumunod sa kanya ang abuhing lobo at umupo sa tabi niya. "Pasensya na at mukhang nagulat ka ng Spirit nila Kaeden at Jared. Hindi nila sinasadya." Napabaling ako sa nagsalita at nakita ang isa pang First year. Gaya ni Kaeden, Elite na rin siya pagkapasok palang niya. Cream naman ang kulay ng nectie at isang lining sa blazer niya. Kaiba sa kulay pulang necktie ni Kaeden. Katunayan iyon na Aether User siya. Tumingin ako sa mga mata niya. At nakita ko doon ang sinseridad niya sa paghingi ng tawad. Maaliwalas din ang mukha niya at mas mukha siyang mabait kumpara sa dalawang kasama niya. "A-ayos lang Marvin. Gaya nga ng sabi mo... nabigla lang ako." Sandali niya kong pinasadahan ng tingin bago kumunot ang noo niya ng dumako ang mga mata niya sa kamay ko. "May sugat ka." Usal pa niya. Naikuyom ko ang kamay ko at pasimpkeng itinago iyon sa likuran ko. "Maliit lang to. Gasgas lang. Madali ko naman itong mapapagamot sa Clinic." Sabi ko sa kanya. Nakita kong sandali siyang nabahala bago bumaling sa akin. Magsasalita na sana siya ng maunahan siya ng isa pang kasa nila. "Ano ba kasing ginagawa mo dito sa gubat? Hindi mo ba alam na delikado dito?" Tanong ni Jared. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa akin. Nasa tabi narin niya ang Jaguar kanina. Kulay Dilaw naman at Brown ang necktie niya. Sumisimbolo sa pagiging Earth User niya. Napatingin ako kay Kaeden at ng makita kong nakatingin din siya sa akin na tila naghihintay ng sagot ay bumaling ako agad kay Marvin. "M-may hinahanap lang ako kaya ako nandito." Mabilis na sabi ko. "Hinahanap? Ano?" Kunot noong tanong ni Marvin. "Sino. Hindi ano." Pagtatama ko pa sa kanya. Nakiya kong umangat ang isang sulok ng labi niya bago muling nagtanong. "Ok. Then... sino ang hinahanap mo?" ulit niyang tanong at binigyang diin ang salitang Sino. Napakurap ako at nagalangan ako kung sasagutin ko ba. Pero ng maramdaman ko si Irja sa balikat ko at marinig ang boses nya sa isip ko ay sumagot na din ako. "Si Leon.... siya ang hinahanap ko. Nakita nyo ba siya?" Tanong ko. Nakita kong sumeryoso si Marvin at napabaling ako kay Jared ng marinig ko ang pagismid niya. Hindi naman na siya nagsalita kaya naguguluhan akong tumingin sa kanilang tatlo. Maging si Kaeden tila nawalan na ng interest at bored ng nakatingin sa akin. "A-alam nyo ba kung nasaan siya?" Nagaalalangang tanong ko. "Kasama niya ang mga kaibigan niya." Malamig na sabi ni Marvin at nahimigan ko ang disgusto sa tinig niya. "Kaibigan? Sino?" Naguguluhang tanong ko. Pumihit siya at itinuro ang nasa likuran niya kanina. "Dumiretso ka sa hilaga. At makikita mo sila." Nakita ko sa gilid ng mata ko na umayos ng tayo si Kaeden. Pagkatapos ay basta nalang tumalikod at naglakad papalayo. Nakasunod sa likod niya ang Spirit niya. Kumilos din si Jared at sinundan si Kaeden. At ng kumilos si Marvin para sundan ang mga kaibigan niya ay agad ko siyang hinawakan sa braso para pigilan. Nagtatanong ang mga matang bumaling naman siya sa akin. "H-hindi niyo ba ko sasamahan?" Kinakabahang tanong ko. Aba... kasasabi lang ni Jared kanina na delikado dito kaya dapat lang na samahan nila ko no! Muling umangat ang sulok ng labi ni Marvin pero hinawakan niya ang kamay ko at marahang inalis iyon sa braso niya. "Hindi gugustuhin ni Leon na nakita namin siya. Lalo na kung malalaman niya na alam namin kung sino ang mga kaibigan niya. Ikaw din. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo sa kung ano man ang makikita mo. At lapitan mo lang siya pag hindi na nya kasama ang mga kaibigan niya." Sabi pa niya. Lalo akong naguluhan sa sinabi niya pero bago pa ulit ako makapagtanong ay naglakad na siya para sundan ang mga kaibigan niya. Sandali ko pang pinanood lang ang paglayo nilang tatlo bago bumaling sa direksyong tinuro niya. Medyo masukal ang parteng yun ng gubat kaya muling tumindi ang kaba sa dibdib ko. Relax ka lang. Andito naman ako. Sabi ni Irja sa loob ng isip ko. Huminga ako ng malalim at ibinuga iyon ng dahan dahan. Ilang ulit ko iyong ginawa para pakalmahin ang sarili ko. Pero sadyang hindi nagbago ang nararamdaman ko. "Bahala na nga." Sabi ko at nagpatuloy na. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naglalakad. Ramdam ko na rin ang tagaktak ng pawis sa noo ko. At maging ang likod ko tila basa na din dahil sa sarili kong pawis. "Gaano ba kalaki ang gubat na to?" Nahahapong tanong ko kay Irja maya maya. "At tama ba ang daang tinatahak ko?" Tama naman ang direksyon mo. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Sagot naman niya. Naramdaman ko ang pagkilos niya sa balikat ko. Napalabi ako at pagod na nagpatuloy. Sumasakit na din ang mga paa at binti ko sa kalalakad at ramdam ko na ang pagtindi ng kirot sa mga kamay kong nasugatan kanina. Muli akong napabuntong hininga at susuko na sana sa paghahanap ng mapansin ko ang matinding liwanag sa likod ng mga puno di kalayuan. Nabuhayan ako ng loob at mabilis na pumunta doon. At ng makalampas ako sa mga puno at halamang naroon ay ganun nalang ang relief ko ng makita ang maliit na clearing. Parang apat na silid iyon sa laki. At nasa gitna nun..... ang lalaking hinahanap ko. Agaw pansin ang kulay itim niyang uniporme sa maliwanag at maaliwalas na paligid niya. Hindi siya direktang nakaharap sa akin at ang kaliwang bahagi niya lang nakikita ko. Napangiti ako at nagsimula humakbang sa kanya. Pero nakakadalawang hakbang palang ako ng may makitang nagliwanag sa kamay niya. At ng itaas nya yun ay nakita kong isang plawta ang hawak niya. Itinaas nya yun sa bibig nya at nagsimulang tumugtog. At sa unang nota palang na nilikha nya ay parang may biglang tumusok sa tenga ko. "Ahh!!" Daing ko. Mabilis ko ring tinakpan ang mga tenga ko para harangan ang musika niya. Pero parang tumatagos lang yun sa mga kamay ko. Anong.... I trailed off. At habang nagpapatuloy siya ay lalong tumitindi ng sakit na nararamdaman ko. Napaluhod na din ako at mariing naipikit ang mga mata ko ng tumindi ang sakit sa tengga ko. Parang mabibiyak na din ang ulo ko at naramdaman kong namasa ang mga kamay ko tanda ng pagdurugo ng tengga ko. "Ahhhh!!! T-tama... na.. l-leon!" Nahihirapang sigaw ko. Mela! Mela! Nagpapanick na din na tawag sa akin ni Irja. Ramdam ko ang natatarantang kilos niya sa balikat ko. Sinubukan kong dumilat pero halos magdilim na din ang paningin ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Nangilid na din ang mga luha ko at sa nalalabong paningin ay muli kong tiningnan si Leon. Mukhang hindi niya ko narinig dahil sa layo ko. Kaya kahit halos manginig na ang katawan ko sa sakit ay nagpilit akong tumayo at lumapit sa kanya. Mela! Nagaalalang tawag ni Irja. Hirap na hinakbang ko ang kanang paa ko, pagkatapos ay ang kaliwa. Pero sa bawat hakbang na ginagawa ko at distansyang inilalapit ko kay Leon ay lalong sumasakit ang ulo ko. Dumoble na din ang paningin ko at ng hindi na kinaya ng utak ko ang sakit ay tuluyang bumigay ang tuhod ko. Tuluyang dumilim ang paningin ko at naramdaman ko ang pagbagsak ko. Pero bago ako tuluyang mawalaan ng malay ay naramdaman ko pa ang pagsalo sa akin ng kung sino. Ganun din ang natataranta at nagaalalang boses niya. "Simon! Patigilin mo si Leon! Bilis!" Sigaw ng taong sumalo sa akin. Tyrone? Nanlalabong isip na tanong ko. Pero hindi ko na nagawang ibuka ang bibig ko. "Mela? Mela?!" Tawag pa niya sa akin at naramdaman ko ang pagyugyog niya sa katawan ko. Pero sadyang hindi na kaya ng utak ko ang magproseso pa at gusto nalang nitong huminto. Kaya kahit gusto kong dumilat ay hindi naman sumunod ang mga mata ko. Naramdam ko ang pagbuhat sa akin ni Tyrone at narinig ko ang pagtigil ng musika ni Leon. Ganun pa man ay gahibla nalang ang pagkakahawak ko sa kamalayan ko. "Mela! Hold on!" Mariing utos ni Tyrone. "Huwag kang mamatay! Damn it!" Sabi niya at naramdaman ko ang mabilis na pagtakbo niya habang buhat ako. Yun ang huling narinig at naramdaman ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. _____________________ Shane_Rose
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD