Maaga akong nagising naligo , nagbihis at sabay kaming lahat mag-aalmusal.
Good morning po – Bati ko sa kanilang lahat .
Good morning annie . Grabe ang pogi naman ng doctor na iyon .... – si ate ang unang nagsalita . at talagang namamangha pa rin kay doc.Rodriquez, kong sa bagay gwapo naman siya talaga, para siyang isang modelo sa isang magazine, o kaya isang bida sa pelikula . Hindi ko pinansin si ate kundi sa halip ay kumaha ako ng kanin para ilagay sa pinggan at ng fried egg .
Annie, baka si Doc. Rodriquez na ang Mr. Right mo – nagulat ako sa sinabi ni kuya kaya , napa ubo ako at naibuga ang kanin na kinakain. Agad na binigyan ako ni mama ng tubig.
Annie okie ka lang ?? --- pag a-alalang sabi niya.
Ohohoh... opo . Si Kuya kasi ano ba ang pinagsasabi mo ? si Doc. Rodriquez Mr. Right ko ? tsk malabong mangyari yun... -- paliwanag ko . si mama at papa naman ay tahimik na nakikinig .
Malay mo Annie,, Baka siya ang magpapabuti sayo .. – dagdag ni ate
Hindi iyan mangyayari , palagi niya kaya ako pinapagalitan konting mali lang galit agad .. alam mo yon? super strict nya kaya ? daig niya pa si Mama at Papa ...---- napatingin ako kina mama at papa na tumatawa na ngayon. parang ang saya nila habang ako ay naiinis sa doctor na yun. Pero bigla akong napaisip na kailangan ko palang magpasalamat sa kanya , dahil baka kong hindi siya dumating kagabi ano na nagyari sa akin....,
May utang pa ako . tsk . Natapos kaming kumain at naghahanda na sa pag –alis . Bago umalis dumiretso mona ako sa store ,at kumuha ng anim na chocolate brownies para maibigay ko kay Doc. Rodriquez pasalamat lang. Nilagay ko iyon sa isang pulang paper bag para hindi masyado makita . Nagpaalam ako kina mama at papa pati na rin kay ate at kuya gagamitin ko mona ngayon si aninang , so need na ihatid nila ako .
Pagdating ng hospital saktong alas syete na ng umaga.
Good morning .- bati ko kay Jeffrey
Hi annie goodmorning – bati niya rin. nilagay ko mona ang mga gamit ko sa locker.
Si doc. Rodriquez nandyan na ? – agad kong tanong
Yep kaninang six thirty dumating siya ... -- grabe ang aga niya naman . Natutulog ba siya ?
Sige, punta mona ko doon .. – dinala ko ang red plastic na may brownies . Kumatok mona ako bago pumasok .. tumingin siya sa pintuan at pumasok na ako . Abala na naman siya sa mga paperworks niya , Naka itim na long sleeve at slak na itim ang suot niya , lalong lumuntad ang ka –gwapuhan niya .. Tsk papalapit ako sa kanya at nakatitig siya sa akin..Nakaramdam tuloy ako ng Hiya .
Doc. Good morning . – bati ko
Good morning Ms. Marquez . – napasulyap siya sa dala kong pulang plastic.
Doc. bibigay ko lang po sayo i– inabot ko sa kanya ,Gusto ko lang magpasalamat ka gabi ... –nakangiting sabi ko . Kinuha niya iyon at binuksan .
Sorry and thank you doc . ako po ang may gawa niyang brownies. – dagdag ko .. Sumulyap siya sa akin pero wala parin siyang emosyon, Parang wala lang sa kanya ang binigay ko . Tinikman niya iyon..pagkatapos.
Ano to ? Peace offering .. – sabat niya . napatuwid ako ng marinig ang sabi niya . Galit ba siya ? dahil nag sinungalin ako kina mama at papa.
Yes po doc..- mahinang sabi ko. Biglang nakaramdam ng hiya ...
Ang sabi mo kagabi ako na ang mag-explain pero nagulat ako ng ikaw na ang nagsasalita . Nagsinungalin ka kay Tita at Tito mo pati kay kuya mo at ate .. - madilim ang titig niya sa akin parang nanliit ako sa sinabi niya ..
Alam ko naman po doc , mali ang ginawa ko . pero ayoko ko lang mag- alala sila sa akin.. – paliwanag ko. Kahit na sinumbong niya ako Kay mama at papa sa mga maliliit na maling ginagawa ko sa trabaho, dapat parin ako magpasalamat dahil hindi niya ako sinumbong na nag-bar ako .
Talagang mag –alala sila sayo dahil mali nga ang ginawa mo . diretsong sagot niya , hindi na ako makatingin sa kanya dahil alam ko sa sarili ko mali ako .. AT isa pa huwag kang lumabas ng mag-isa .
Sorry doc.. – sabi ko
The brownies was Delicious . Thank you - napanagat naman ako sa sinabi niya , parang may saltik talaga ang ulo nito kanina lang galit siya nagyon naman ay pinuri nniya ang brownies ko .. Ngumiti nalang ako .
Pagkatapos namin mag-usap naging magaan na ang aking pakiramdam , atleast naka pag sorry ako at nakapag salamat.. Nagtrabaho ako , at nakita ko panay ang punta ni Dra. Alejandro sa kanya . Ng nakaraang linggo pala nag bakasyon si Dra. Alejandro kaya hindi ko siya nakita. Ngayon ko lang siya nakita muli . Pagkatapos ng Shift . Dumiretso na ako ng bahay .
Five thirty ng hapon dumating ako sa bahay . Sirado na rin ang aming M&M store . Umakyat ako para mag-bihis at pagkababa ko nakita kong Dumating si ate at kuya meron silang dalang pancit bihon at softdrinks ..
Wow Meron food – bati ko sa kanila .
Napadaan kami ni kuya sa Resto kaya bumili nalang kami ng meryenda - sabat ni ate ..
Kumuha ako ng mga plato at tinidor at nilagay iyon sa mesa . Si kuya naman ay kumuha ng mga baso .
Buti naman bumili kayo , dahil kanina pa naghahanap ng pagkain si Annie – sabat ni papa .
Heheheh oo nga Ate .. the blood sister talaga noh alam mo na gugutom ako heheheh – pabiro kong sabi ,
Hmmmmm.. samahan mo mona ako Annie sa itaas may papakita lang ako sayo ..— nakangiting sabi ni Ate
Mamaya na ate ,kumain na mona tayo --- sabat ko .
Ohhh tsa sige , kumain na mona tayo.. Mamaya na kayo umakyat Isabel – sabat ni mama .
MASAYA KAMING KUMAIN. Pagkatapos ay niyaya na ako ni ate papuntang kuwarto niya . Sinirado niya ang pintuan dumiretso siya sa kanyang closet, at pumunta ng banyo para bumihis, ako naman ay umupo sa kanyang upuan may nakita akong chocolate tobleron kinuha ko iyon at aakmang kakainin.
PSsst, Annie huwag mo yang galawin, bigay yan ng kuya alex mo ... – saway niya .
Ate pahingi naman kahit dalawang tatsulok lang please. – nakangiting sabi ko .
Sige, kumuha kana dyan , basta sa isang kondisyon /. – kakainin kona sana ang tsokolate ng marinig ang sabi niya , kondisyon?
Anong kondisyon ate, kakainin kona to hah.. – sabat ko .
Sasagutin mo lahat ng tanong ko – nakangising sabi niya , umupo siya sa kanyang kama tapos na siyang magbihis , at ako naman ay lumapit sa kanya .. Ano na naman kaya ang itatanong niya ?
Deal – naubos kona ang dalawang tatsulok na tsokolate , mabuti naman at meron siyang tubig dito , uminum ako at dumiretsong nakatitig sa kanya , nagihihintay ng kanyang tanong .
May girlfriendd na ba yon si Doc. Rodriquez ? – nakangising sabi niya .
Tsk ,ate naman , akala koo kong ano ang itatanong mo tungkol lang pala kay doc. Rodriquez?- nakasimangot kong sabi .
Answer me Annie .....—nakangiting sabi nito .
Napaisip ako TSk iwan ko- . pero ang alam ko parang meron na yata .. – sabat ko .. AT bakit tinatanong mo ate ? diba mayroon kanang boyfriend si kuya alex? – nanoot ang aking noo habang nakatitig sa kanya , pero panay parin ang pangising aso niya .
OO meron na akong boyfriend. Pero hindi naman to para sa akin.... and wait , gwapo niya no? Para siyang isang model sa magazine, ang katamtama kulay ng kanyang kutis , ang tangos ng kanyang ilong , manipis na bibig , makapal na kilay .. You know?? - nagaabang siya na sasangayon ako sa mga sinabi niya , pero inirapan ko lang siya.
Tsk , eh ano naman ngayon ate ? at isa pa si doc. Rodriquez ba ang topic natin ngayon? Kong ganun aalis na lang ako /... – tumayo ako , pero hinuli niya ang aking kamay kaya napaupo ako ulit sa kama ..
Annie marrie... – saway niya . Ano ba ang masasabi mo sa kanya?
Tsk ang masasabi ko sa kanya , totoong gwapo siya pero ang sungit niya naman , minsan mabait siya , pero palaging may tupak at stricto pa, konting mali lang pinapagalitan niya na ako . alam mo yon ate? Parang pagkasama ko siya , lahat ng ginagwa ko mali ..... Naiinis na ako habang nag papaliwanag , pero si ate ganun parin naka ngising aso . may nakakatuwa ba sa sinabi ko ?
The more you hate the more you love ? alam, mo Annie Marrie baka siya na ang pinana ni kupido para sayo ... Bagay kayo .. – kinikilig niyang sabi
Tsk iwan ko sayo ate . hinding-hindi mangyayari , hindi kami talo .– sabat ko .
Baka siya na magppapabago sayo annie – tukso niya
Iwan ko sayo ate , aalis na ako . – tuluyan na akong umalis , at papuntang kuwarto .
PUMASOK AKO KINA UMAGAHAN , PAGDATING KO PALANG NG HOSPITAL ABALA NA ANG LAHAT , MAY NARIRINIG AKONG USAPAN NG MGA STAFF, NA MAGKAKAROON DAW NG SUMMER OUTING SA DARATING NA SABADO AT LINGGO . WOW , EXCITING NAMAN kONG GANUN. PAGKADATING NG OPD NAKITA KO AGAD SI JEFFREY NAG AAYOS NG PAPERS SA INFORMATION DESK.
Hello good morning jeffrey – bati ko .
Nakangiti siyang bumaling sa akin. Goodmorning annie .. –
Ano balita ?? bat parang abala ang lahat ? napatingin ako sa labas at meron naman nag-Uusap na staff-nurse –
Ahhh oo, meron daw tayong summer outing /...—lumiwanag ang mga mata ko . SO totooo nga .
Wow naman , kailan? At saan ? – nakangiting sabi ko
Saturday overnight daw tayo sa Sunday ng hapon ang uwi natin. At sa San antonio Resort daw ang outing ... – nakangiti rin sabi niya . mas lumapit ako sa kanya , at napahawak sa braso niya ..
Talaga , ang sabi ng mga kaibigan ko maganda daw doon .. Im so excited. – kulang nalang ay magsisigaw ako sa galak
OO maganda, last year pumunta kami doon . napapangiting sabi niya,
Ayos . – may sasabihin pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan , tumambad sa amin si Doc. Rodriquez. Seryosong mukha ,naka red polo shirt siya at black jeans, w/ black shoe. Ang pogi niya talaga.
Good morning doc. – bati namin sa kanya.
Good morning- dumiretso siya agad sa kanyang room . ako naman ay nagpaalam kay jeffrey .at sumunod kay doc. Rodriquez. May kinuha siya sa kanyang cabinet na papeles, at binigay iyon sa akin.
Ano po to doc? --
Paki –file mona yan at pagkatapos , pwede kanang magsimula sa mga pasyente .– seryoso niyang sabi .
Yes doc. – sabat ko.
Hindi naman ako nahirapan sa pinagawa ni doc. Rodriquez, dahil minsan nagawa kona rin ang pagfa-file, pagkatapos ay nagsimula na akong mag-temporary check sa mga patients . at nag simula na rin siyang mag-clinic. May mga pinagagawa siyang minsan na kakaiba ,pero pagkailangan niya ng assitant tinatawag niya ako ...
Number 14: Peter de Cruz - tumambad sa akin. Ang isang chinito na lalaki , matangkad at gwapo rin, Ano kayang sakit. Nakangiti siyang pumunta sa akin, ako naman ay ngumiti rin ..
Dito po tayo sir – ginaya ko siya sa room ni doc. Rodriquez.
Thank you ms.. – sabat niya . nagulat ako ng makitang nakatignin na pala si doc. Rodriquez sa amin, at matalim na naman ang kanyang titig , ano na naman ang kasalanan ko ?
Good morning doc . -- bati niya sa kay doc.sinenyasan ako ni doc. Rodriquez na pumunta sa kanya , at ako naman ay tumabi sa kanya
Yes doc --
Paki submit mo mona ito sa ER , at pakisabi sa kkanila na susunod ako pagkatapos ng clinic ko .. – inabot niya sa akin ang isang case paper , at napatingin naman ako kay sir peter de cruz na nakangitng tumingin sa akin.
Okie doc . – umalis ako doon at dumiretso sa ER sinunod ko ang utos ni doc. Rodriquez. Nakita ko si sir john , dumiretso ako sa kanya.
Hi sir good morning , pinabibigay ni doc. Rodriquez at pinapasabi po niya na susunod daw po siya pagkatapos ng clinic - inabot niya ang binigay kong documento.
Okie, sasabihan ko si dra. Alejandra –nakangiting sabi niya .
Sige aalis na ako .. –paalam ko
Wait lang ms. Marquez sabay nalang tayo maglakad kasi doon din ang punta ko , Kakausapin ko mona si Dra at aalis na rin ako.Hintayin mo ako -magsasalita pa sana ako ,pero, ganun nga hinintay ko siya sabay kaming lumakad.
Kamusta kana Ms. Marquez? Ngayon lang tayo ulit nagkita , pagkatapos ng lunch natin noon – oo sabay kaming nag lunch noon, pero hindi na yun nasundan, kasi busy siya , at ako rin hindi maka alis sa OPD , maraming inuutos si Doc. Rodriquez, kaya minsan sa OPD na rin ako naglu-lunch ,
OO nga , heheh busy kasi eh – sabat ko .
Pwede ba kitang ma invite mag dinner sa Friday? Nakangiting sabi niya .
Ahh, sige 0—nakangiting sabi ko rin. Okie rin nalumabas kami para mas makilala ko siya, at mas maging friend kami. Hindi ko na pansin nandito na pala kami sa harap ng OPD, Una na ako sir..
Okie, sa Friday hah, huwag mong kalimutan ... – bilin niya.
Okie okie Friday .. – pumasok na ako ng OPD. Sumalubong si Jeffrey sakin
Meron meeting sa Conference Hall mamayang 5:30pm regarding sa Summer outing natin .. – masayang sabi nito.
Wow , sige sabay tayo mamaya huh . – sabat ko .
Ay tsah nga pala kanina kapa hinahanap ni doc. Rodriquez, sinabi ko na magkausap pa kayo ni Sir Kohn. –
Owkie, thanks, pasok na ko doon – paalam ko . Pagkapasok, nagulat ako na nakatingin na si Doc. Rodriquez sa pintuan na parang may hinihintay siya .Matalim ang kanyang mga titig.
Hi doc, naibigay kona po sa ER – mahinahon kong sabi .
Bakit ang tagal mo ? – masungit niyang tanong . Galit na naman ?
Sorry po , napa kwento lang po . – nakangiting sabi ko .. Hinid iniinda ang matalim niyang titig
Tsk , ito pa paki file nalang --- binigay niya sa akin ang napakaraming documento .. OOHhh ang rami nito ahh .. Ano ba to parusa? At meron tayong meeting sa conference room mamaya five thirty.
Yes po – natapos ko lahat ng pinapagawa niya , nagligpit ako ng gamit, at ng iba pa , hindi kona na rin napansin si Doc. Siguro nandoon na siya sa conference room . Pagkatapos magligpit . Niyaya ko sina Jeffrey at Mia na pumunta ng conference.
Insaktong pagdating namin , magsisimula na ang meeting . Nasa unahan sina Doc. Rodriquez at ang iba pang mga doctor, mga mataas na position ng Hospital , kami namang tatlo nasa likuran banda dahil wala na ibang vacant na seat . Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa kamay ko . Napatingin ako at nakita si John.
HI annie, pwede umupo dito ? – tinuru niya ang vacant seat sa tabi namin. Tumango ako at umupo siya .
Nakinig kami sa meeting . Habang nag sasalita si Doc. Rodriquez sa harapan. Hindi ko mapigilan na hindi tumitiig sa kanyaa, Talgang gwapo siya ,kakaiba ang kanyang imahe , parang hindi ka magsasawa tingnan siya , sa kanyang mga kilos at galaw makikitang lalaking-lalaki siya ,the viens in his hands makes your feeling intensifies, Halos lahat ng mga babae nasa kanya ang mata , pinagmamasdan ang bawat kilos nito . Nakikita ko rin na sumusulyap siya sa amin .
Sa San Antonio Resort nga ang aming Summer Outing. Saturday Six oclock in the morning ang assemble time dito sa Hospital . Uuwi kami ng Hapon ng Sunday . Meron ding service ang Hospital kaya hindi kami mahihirapan magcomute, Nahati sa dalawang grupo ang aming summer outing , sakto naman napabilang kami sa Team A ,Makakasama ko pa rin sina mia at jefffrey , at dumagdag pa si sir john. Ang Team B ay nexweek weekend naman. Natapos ang meeting namin at dumiretso na ako pauwi ..
Binalita ko kina mama at papa , ang parating na summer outing . Tulad ko excited din sila . Pumunta ako ng room ni ate . Magtatanong ako kong meron siyang bagong swimsuit , dadalhin ko sa Saturday , meron daw kaming activity sa dagat so required kaming magsuot ng pang swimming na damit.
Ate, ate , ate – tawag ko nakita kong bukas ang kanyang pintuan, pumasok na ako . walang tao , lumapit ako sa banyo at may naririnig na lagasak ng tubig ,. Ate – sigaw ko ulit
Annie nailigo pa ako, hintayin mo lang ako – sagot nito. Pinili kong humiga sa kama niya , at pagkadaan ng ilang minuto , bumukas na ang pintuan ng banyo , at naka bihis na si ate , isang pares ng pantulog na damit pajama na pink , at puting t-shirt , .-
Ate, meron ka bang bagong swim suit? Pwede pahiram ? – diretso kong tanong habang papalapit siya.
OO meron, saan mo gagamitin? – takang tanong nito . Hindi ko pa pala na sasabi sa kanila ni kuya .
May summer outing kami sa Saturday sa San Antonio Resort , hindi kasi ako nakabili .Kaya pwede pahiram nalang ate, papalitan ko rin ng bago – nakangising sabi ko .
Okie . (pumunta siya ng closet at kinuha niya) HALTER STRIPPED TWO PIECE SWIMSUIT - binigay niya sa akin,
Wow ate , ang ganda nito.. At mukhang bagay na bagay to sa akin – pabiro kong sabi .
Binili ko yan last week, ang sabi kasi ni Alex, may pupuntahan daw kaming resort pero hindi kami natuloy dahil busy siya, kaya ikaw na mona ang gumamit – paliwanag niya.
Thank you ate, Promise , bibilhan kita ng bago , at mas sexy pa dito —nakangiti kong sabi ,
Tsk annie sige na . Sasama ba si Doc. Rodriquez sa inyo ? – mapanuksong tanong niya .
Syempre sasama iyon siya nga ang nag-organize ng event na to , kasama rin si Dra. Alejandro. --- paliwanag ko . nagtaas ang kanyang kilay ng marinig ang pangalan ni dra alejandro,
Sino si Dra. Alejandro? – takang tanong niya .
Love team niya , lini-link sa kanya, bagay silang dalawa ..--- iwan ko ba bakit may naramdaman akong inis habang nagpapaliwanag .
Bat parang galit ka ? – mapanuyang sabi ni ate
Hindi ahh .— diretso kong sagot.
Okie sabi mo ei . sige enjoy your summer outing ... pabirong sabi nito .
Nagsimula na akong maghanda ng aking mga gamit, isang pares ng pantulog na damit pink pajama, at white spaghetti strap . at isang floral dress na medyo maiksi siyang tingnan kapag suot, nilagay ko na rin sa bag ang swimsuit na pinahiram ni ate , para hindi ko makalimutan, nag dala rin ako ng short maong pants para ma pares sa Issey Blue Lace-up sandals ko .Pagkatapos mag-ayos ay nagpahinga na ako .....
Kinabukas, masaya akong pumasok . Excited sa mangyayari bukas . Pagdating ng Hospital .Hindi ko napansin ang aking mga kasama . Kaya dumiretso mona ako sa Room ni Doc. Kumatok ako ,
Pasok – narinig ko ang tinig ni doc. Kaya pumasok ako .
Binuksann ko ang pintuan at , May kasama siyang lalaki, ngumiti ang lalaki sa akin, at tininingan niya ako ng mabuti, ako naman ay nag iwas ng tingin , at kong hindi ako magkakamali siya yung kasama ni doc. Rodriquez noon sa palengke , pero ngayon ko lang napansin kong gaano sila ka close, si doc. Rodriquez ay naka upo sa kanyang swivel chair samantalang ang lalaki naman ay nakaupo rin sa arm chair na inuupuan ni doc. Hmmmmmmftttt. I feel something fishy . Di Kaya ? Bading si Doc. Rodriquez, Syota niya itong lalaki na to .Ito agad ang tumakbo sa isipan ko . Ngumiti ako sa kanilang dalawa ...
Good morning po – bati ko
Goodmorining ms – lumapit siya sakin. naglahad ito ng kamay .
Im Vince --- - masayang bati niya , nakita kong sumulyap siya ulit kay doc, na nakangisi na parang may anong tinutukso kay doc. .
Hello Sir Vince .. – bati ko rin ( tulad ni ezekel ay gwapo rin siya , matangkad, matangos na ilong , maputi merong dimple sa pisngi) . Annie Marrie Sir – dagdag ko .
Nice meetinng you Annie Marrie – presko niyang sabi .
Sige, aalis na ako dahil mukhang may pag uusapan kayong dalawa – binigyan niya ako ng makahulugang tingin, at ngumisi kay doc. Rodriquez.
Goodbye Ms. Marquez, at Ezekel ang lakad natin mamaya h pahabol niyang sabi kay doc. Ayuzz tong sir vince na yon ahh parang ang cool niya lang di tulad nitong Boss ko na parang laging may regla , mainitin ang ulo . .
Umalis na ang kanyang kaibigan , ako naman ay hindi ko maiwasan matawa sa mga tumatakbo sa isipan ko , Bading si Doc, hahahha , kong bading siya malaking sayang dahil , gwapo pa naman siya at pati yung lalaki , hhehehe ..... Napasulyap ako sa kanya habang nag liligpit ng mga gamit pero , laking gulat ko ng makitang nakatingin na siya sa akin, Nagsalubong ang kanyang kilay , naiirita siya ng makitang nakangiti ako .. Tumayo siya sa kanyang upuan at umupo sa harapan ko ..
Anong nakakatawa Ms. Marquez? – parang kidlat sa langit ang narinig ko sa boses niya .
Ahh, wala po doc. may nag-sink-in lang po sa mind ko nakakatuwa – paliwanag ko , pinilit kong huwag nang ngumiti pero hindi ko mapigilan ,.
Talaga ? ano yung nag sink in sa mind mo? pwede mo bang e-share ?? baka tumawa rin ako – nagsisimula ng dumilim ang titig niya sa akin..
Huwag na po doc, baka magalit kayo – umupo narin ako sa upuan na nasa harap niya , .
mas lalong dumilim ang titig niya ,. tell me what's funny ? – baritong boses niya .
Tsk sige na nga sasabihin kona sa kanya , baka mapahamak pa ako pag hindi ko sinabi . Aahh doc, alam kona po . Hindi na po ninyo kailangan itago sa akin.
Anong alam mom Ms. Marquez? – nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin..
Na Bading po kayo , na syota niyo yung sir vince na pumunta ditto – natatawang sabi ko ...napa sulyap ako sa kesami habang tumatawa , nang ibinalik kona ang panigin ko sa kanya . Laking gulat ko ng makitang mas madilim pa sa gabi ang titig niya sa akin, mas nanoot ang kanyang noo habang nakatitig na parang naubos na ang pasyensya niya sa sinabi ko ....
So you assume that Im a gay Ms, Marquez ? – baritong boses nito , Hindi ako nagsalita natamimi ako ng habang nakatingin sa kanya , hindi na ako makangiti dahil ingaw na ng kaba ang nararamdaman ko , parang galit na galit siya sa akin , parang napuno ng dilim ng kanyang titig ang buong kuwarto mali yatang hinusgahan ko siya agad ...Tumayo siya at lumapit sa akin,
Im a gay ms Marquez?—pag-uulit niya, mas lumapit siya sa akin at tumunghay para magtagpo ang aming mga mata , napakurap-kurap ako sa kaba? hindi na ako makagalaw , natuyo ang aking lalamunn, halos isang dipa nalang ang layo ng aming mga labi , na sa isang maling galaw ko lang mahahalikan niya na ako ..
Doc—doocc—iyong lang naibuga ng bibig ko , dahil sa gulat na hinawakan ng dalawang kamay niya ang aking pisngi .
I will proved to you that im not a gay . – linapit niya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako . Sa gulat ko hindi ko alam ang aking gagawin, ang alam ko lang ay hinahalikan niya ako , ibinuka niya ang aking labi sa pamamagitan ng kanyang labi at para mas mahalikan niya ako , ako naman ay tulala hinahayaan siya sa pag aaral ng aking labi , ang aking paningin ay nasa kanya lamang ... lumipas ang ilang Segundo doon ko lang na proseso sa aking isip ang ginawa niya.
I assumed also that you are a good kisser but not -- panunuyang bulong niya , Ako naman ay nasa kawalan ang paningin , hindi makapaniwala sa ginawa niya . Ngayon ko lang na pagtanto . Siya ang first kiss ko maliban nlang sa smack kiss na ginawa ni leo noong college pa kami . OO Im such a spoiled , liberated girl, party girl but wala pa akong experience sa ganitong klase ng halik , dahil hindi ko talaga hinahayaan ang mga lalaki na halikan ako ,at may limit naman kasi ang pinaggagawa ko . Pero siya paano niya yon na gawa? paano niya naipadama sa akin ang ibang nararamdaman habang hinahalikan niya ako , parang nawala sa sistema ang aking pagiiisip at sistema ng katawan ko ... Pinilit kong ibalik sa huwesto ang aking pag-iisip . Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakabalik na sa swivel chair ..
Bakit ginawa mo yun doc? – takang tanong ko ...
I proved it to you diba? Hindi ako bading Ms. Marquez. – seryosong sbi nito.
Pwede niyo naman po sabihin sa akin na hindi kayo bading , bat po hinalikan niyo pa ako ? – hindi ko natago ang inis naramdaman.
Kong sasabihin ko lang ba maniniwala ka ? – balik niyang tanong
ay oo nga no? may point naman siya pero kailangan ba talaga na halikan niya ako ..? Syempre naman po sinabi niyo ei – deretso kong sabi .. Ngunit wala lang sa kanya ang over confident kong sagot .
Magtrabaho kana Ms. Marquez . Huwag mo nang isipin ang nangyari , its not a big deal --
Nag-aalinlangan akong umalis sa harapan niya , hindi pa sapat ang narinig ko na paliwanag galling sa kanya , pero napilitan akong bumalik sa trabaho , pero hindi ko parin maialis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Doc. First time kong maramdaman iyon, yung feeling nakakaiba na parang may sayang dulot sa puso ang paghalik niya sa akin, na parang lumulutaw ako sa alapaap , ano ba ? Im inlove with him?
Pero ang sabi niya its not a big deal , so I will not assume na gusto niya ako .. Pero sa nararamdaman ko ngayon parang may namumuong feeling ako para sa kanya ..
Natapos ang Duty ko na lutang parin ang pag iisip habang nag ta-trabaho napapansin kong sumusulyap sa akin si doc, pero hindi ko lang pinapahalata na nakikita ko ... Nakaramdam ako ng hiya sa nangyari sa amin kanina ..
Kasalukuyan hinihintay ako ni John sa lobby dahil sabay kaming mag di-dinner ngayon, ito yung promise ko sa kanyan ng mirkules . Mabuti naman para makalimutan ko ang ginawa ni doc sa akin .
John, kanina kappa ? – nakangiting sabi ko ..
Hindi naman , alis na tayo ?? –
sige ,
Pinuntahan naming ang kanyang sasakyan sa parking lot isang wigo car kulay asul , at nakita ko sa kanang bahagi ang papaalis din na kotse ni doc. Rodriquez, bigla ko tuloy naalala ang nangyari. Pinagbuksan ako ni john ng pintuan.
Salamat john,, pumasok rin siya ng kotse at pinaharurot ang sasakyan papuntang Domina Restaurant, isang japanes resto ,
Thank you annie dahil pumayag ka – nakangiting sabi nito .
No problem john, kamusta pala patients niyo ? – panimulang topic ko .
Marami kaming patients , dahil sa dengue case .. –
aah ganun ba, kawawa naman ang mga victims , pero ayon sa balita next month pa ang tag-ulan --- sabat ko .
OO , pero meron na mga lamok na kumakalat na may dalang bacteria ---- sagot niya
Ilang sandali narrating namin ang Domina Resto . Pagpasok naming bumungkad sa amin ang mala estilong Japon na restaurant, ang mga kagamitan , ang mga upuan ang desinyo ng kapaligiran at nahahango Japanese, Meron ding mga aspeto na makapilipino , tulad ng mga painting nakasabit sa dingding. Pinili ni John ang mesa na nasa gitna . At ng Makita kami ng waitress ay lumapit ito sa table namin .
Hello Sir /Maam good evening – bati nito sa amin..
Hi Good evening – tugon namin. Pinili ko ang isang spicy chicken w/ Japanese pancit at apple juice . Si John naman ay pinili ang japanese pasta w/chicken at pineapple juice. Marami pa kaming pinagusapan habang kumkain.. Tulad ng tungkol sa trabaho, sa family , at iba pa . Pero habang nag ku-kwentuhan hindi ko parin maiialis ang nangyari sa amin ni doc. Rodriquez . Magkalipas ang ilang oras nagyaya si john na umuwi .
Papauwi kami ngayon ni John at ako naman ay nakatingin sa bintana . natulala, naalala pa rin ang paghalik ni Doc. Rodriquez sa akin. Kakaibang feeling , parang may naiba sa sistema ng katawan ko Pero ang pinaktataka ko ay bakit niya pa ako hinalikan? At bakit meron akong galak na nararamdaman ng ginawa niya yon sa akin...
Thank you John- hinubad kona ang seat belt ko.
Your welcome annie, see tomorrow, susunduin kita bukas ? kong okie lang ? – nakangiting sabi nito . Bumaling ako sa kanya .
Okie . I just wait you here -- tugon ko .