-SCARLET BETHANY- Pagkababa ko ay nakita ko sina Yvan at Dad na nagtatawanan sa sala. Mukha silang mag-ama. Ang cute! Pagkalapit ko sa kanila ay hindi nila ako napansin. "Dad!" tawag ko kay Dad. Napalingon naman silang dalawa sa akin. "Sweety! Maupo ka!" nakangiting wika niya bago ituro ang upuan sa tabi niya. Naupo naman ako kahit hindi ko alam ang dahilan ng pagtawag niya sa akin. "Ano po ba'ng meron?" kalmadong tanong ko. "Naisip ko lang na maglaro tayo kaysa naman wala tayong ginagawa!" masiglang wika niya. "Dad, are you serious? Hindi na tayo bata!" hindi makapaniwalang wika ko. "Iyon na nga, Sweety. Hindi na tayo bata kaya hindi na natin nararanasang maglaro. Minsan lang naman 'to! Madali lang naman ang gagawin!" paliwanag niya. Napatingin naman ako

