Ang sakit. Ang sakit-sakit nang ginawa ni Jonathan saakin. Nagawa niya akong lampasan na parang wala lang ako sa kaniya? Na para bang hangin lamang na dinaanan niya nang basta-basta. Pero wala nang mas sasakit pa rito. Dahil may kasama siyang babae. Si Alyn. Aminado ako na maganda siyang babae. She’s almost perfect girl that every boy will fall in love with. Bakit ganito ‘yung hapdi at sakit na nararamdaman ko? Para bang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa ginawang iyon ni Jonathan saakin. Ito. Itong araw na ito ang hinding-hindi ko makakalimutan sa buhay ko. Hindi ko napansin na may ilang patak ng luha ko ang nakawala na. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. “Baks, I know you’re not okay because of what you have saw. You can go home na. I will tell to our prof na you’re no

