Naisipan kong lumabas ng kuwarto para magpahangin kahit minsan, at tumambay. Tila iniisip ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo. Tama ba ginawa ko? Parang nakokonsensya ako sa ginagawang pag-iwas ko kay James. Alam ko naman na wala siyang ginawang mali. Sa makatuwid pa nga, tinulungan niya pa ako nung mga oras na nabugbog ako. I shrugged my head para naman mawala sa isip ko si James. Bigla na lamang nagpop up sa aking isipan ang announcemet at ‘yung mga magiging classmates namin. Are they kind? Madali kaya namin silang makakasundo? Nasa gitna ako ng aking pag-iisip nang may isang babae ang lumapit sa akin. Huminto ito sa aking kinauupuan and she’s trying to get my attention. At dahil na rin sa bored ako ay kinausap ko na lamang ang babaeng ito. “Hello, boy.” Base on he

