Habang pa-pasok ako sa aming room, nakita ko ang aking mga classmates na nagkakagulo. Hindi ko alam kung bakit kaya nagmadali akong maglakad para alamin ang bagay na ‘yon. Nang makapasok na ako sa aming room, doon ko mas nakiya ang aking mga classmates na animo’y nalilito sa nangyayari. Hinanap ako ang aking kaibigang si Jess upang magtanong kung ano at bakit nagkakagulo ang lahat. “Baks! May announcement raw ngayong araw ang SC sa section natin.” Nang makita akong palinga-linga ni Jess, ay agad na akong nilapitan nito. At habang naglalakad siya palapit saakin ay sinasabi niya na ng malakas ang rason kung nagkakagulo at nagkakaingay ang buong klase. Jess Sandoval. He’s my friend. A really good friend of mine. He used to called me “Baks”. Dahil raw naamoy niya na may something raw saaki

