Pinabuksan ko ng maaga ang conference room kay Emily at pinaset up ang gamit na kakailanganin ni Mr. Santillana. Yesterday, I asked Santillana for updates and if he can present his ideas to me. Hindi naman niya ako binigo. He said he has already come up with some. Hindi ko na inabala pa si Baliw. Alam ko namang si Santillana rin ang gagawa ng reports for her. Isa pa, she's been acting weird lately. Tuwing kakausapin ko siya ay sinusungitan niya ako. Parang lagi siyang galit. Tulad nung isang araw, tinatanong ko siya if their team has already come up with plans. Sa halip na sagutin ako, she redirected me to Santillana, "Why don't you ask your consultant?" she was so sarcastic. Wala naman akong atraso sa kanya. Sa katanuyan, siya pa nga itong may utang sa akin. Matapos ko siyang alagaan

