Humigit kumulang tatlong oras bago lumabas si Doc sa operating room. Sinalubong niya kami ng isang matamis na ngiti. "The operation was successful, Connor. Sa ngayon ay natutulog pa ang kapatid mo but she'll eventually wake up soon." I can't help but to smile too. I'm so grateful, "Salamat po Doc!" Matapos ang operation ay inilipat nila ng kwarto si Caroline. Hinintay ko lang siyang magising. Nalaman na rin ni Lolo ang good news and he said na he'll come visit his favorite apo. "I'll just go to the coffee shop, Connor." sabi ni Pen. Tumango ako. Saka naman siya tumayo dala ang librong kanina pa nyang binabasa, "Anything you'd like?" tanong niya. "Di, wag na. Salamat." sagot ko and she left. Nakatitig lang ako kay Caroline. Napakayapa ng kanyang mukha. After a year of fighting for h

