Ninanamnam ko yung laway ko habang nakatingin sa nag gagwapuhang litrato ng The Constellations na nakawallpaper sa desktop ng laptop ko sa office.
"Haaay." napapangiti na lang ako sa sobrang kilig. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nakita ko na sila in person! Siyempre, with an exemption of Zach baby.
"Tamo 'tong si Gemini, naglalaway na naman sa The Constellations. Akala mo naman e nakita niya ng malapitan." puna sa akin nung isa kong kaofficemate na bekimon, si Russel.
Sinaman ko siya ng tingin, "Excuse me? Nakita ko kaya sila ng malapitan! VIP ako no'ng concert nila." pagmamayabang ko sa kanya. Tss. 'tong baklang 'to.
Nagulat naman siya, "Weh? Kaya pala late ka today. Late ka na nga, liar ka pa."
Kinuha ko 'yong cellphone ko at ipinakita sa kanya yung selfie ko sa stage.
"Oh, ano?!" pang-iinggit ko pa sa kanya. Oo late ako today sa work, paano ba naman, madaling araw na akong nakauwi mula sa concert. Aminado akong late ako pero naman..hindi ako liar!
"E di ikaw na. Bakla naman sila." pang-aasar pa niya. Aba't kung makabakla 'to, parang hindi siya bakla!
"Aba't!" sasabunutan ko na sana siya nang biglang dumating yung Editor-in-Chief namin.
"Gemini, Russel, go back to work! Agang aga, mag-aaway na naman kayo. Tapos na ba kayo sa mga proof reading ng mga manuscript na dinistribute ko?" pagalit na tanong niya sa'min.
"Sir ako tapos na. Ewan ko lang kay Gemini kung tapos na siya." tataas taas na kilay na sabi ni Russel kay Sir, kahit kailan talaga sipsip 'tong baklang 'to.
Tiningnan naman ako ni Sir na para bang nagtatanong kung tapos na ba ako o ano, napasagot na lang ako. "Tatlong manuscripts pa po ang ieedit ko."
"Tss. Di pa naman pala tapos e, yabang yabang, puro The Constellations kasi." bubulong bulong na sabi ni bekimon. 'tong baklang 'to!
Narinig siguro ni Sir yung malakas na pagbulong ni bakla. Tumingin pa siya sa screen ng laptop ko at nakita kong napataas ang kilay niya, "Ano ba naman 'yan Gemini, late ka na nga tapos marami ka pa palang gagawin. Paano na 'yan?! I need the final draft of the manuscripts this afternoon!" napanganga naman ako sa sinabi niya.
"WHAT?! Sir akala ko po ba tomorrow pa?!" tanong ko sa kanya.
Tatawa-tawa naman si Russel sa likod niya. "Buti nga." sabi pa niya.
"Nagbago na ang isip ko, kailangan ko na sila this afternoon. Finish editing those manuscript or you lose your job!" pinanlakhan pa niya ako ng mata bago siya tuluyang nagwalkout.
Muli akong inirapan ni Russel bago rin siya tuluyang magwalk out. 'tong baklang 'to talaga! Grrr!
College pa lang kami iniimbyerna na niya ako, hanggang sa trabaho ba naman?!
Yes, Russel is my classmate way back college at siya yung mortal rival ko sa school. Communication Arts graduate kami at ngayon ay editorial staff na ng isang malaking publishing company.
Tandang tanda ko pa noon, naglaban pa nga kami sa title ng Achiever e since hindi umabot yung GPA namin for c*m Laude and sad to say, sa sobrang kasipsipan niya sa mga teachers, siya yung nakakuha nung award.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on. Ako dapat yun e, hindi siya. Hindi naman sa hindi niya deserve yung title, kumbaga, tiwala lang akong mas deserve ko 'yon.
Kung bakit ba kasi pareho kami ng company na napag-applyan. Kung alam ko lang na dito rin siya mag-aapply e di sana sa iba na lang ako nag-apply. Pero wala na e. I got the job at sa panahon ngayon, mahirap makakuha ng isang blue collar na job lalo't higit maraming kakumpetensya. Kapit na lang siguro sa patalim.
Napatingin naman ako sa phone ko, "10AM na pala." Tss. Imposible naman 'yong sinasabi ni Sir na editing. Mawawalan na ba talaga ako ng trabaho?!
Napatawa na lang ako, nagbibiro lang siguro si Sir ano?
Umupo na ako, hawak-hawak ko pa rin ang phone ko.
Napangiti pa ako nang makita ko ang favorite kpop group ko sa screen ng phone ko.
"Syems, ang gwapo talaga ng mga baby ko."
Bukod sa pagiging constellator, certified kpoper din ako! Fan din ako ng ilang rock bands.
"Napag-initan ka na ni Sir nakukuha mo pa ring ngumiti."
Tiningnan ko siya at muli akong napangiti nang may bigla akong maalala.
"Alam mo Nick, bumalik ka na lang sa trabaho, mamaya mapagalitan na naman ako ni Sir pag nakitang nakikipaghuntahan ako sa'yo."
"Sus. Tinaboy pa talaga ako. Musta naman ang panonood mo ng concert? Dream come true ba?" tanong pa niya.
"Yes, of course. Actually, VIP ako e." proud kong sabi.
"Really? Kala ko ba Titanium yung nabili mo?" mas lalo pa akong napangiti, naalala ko na naman yung VIP ticket na napapunta sa'kin.
And at the same time, naalala ko na naman yung masungit na lalaki. Hulog talaga siya ng langit!
"Well, it's a very long story but to sum it up, I'm just so lucky at meant to be kami ng The Constellations!" I said smiling, ngiting mula sa kabilang tenga hanggang dun sa kabila pa.
"Oo na lang. Sabay tayong maglunch mamaya?" yaya pa niya. If I know, gusto lang niya akong makasama.
"Sure. Libre mo 'ko ah." biro ko pa sa kanya.
"Libre ka diyan, ako ilibre mo. Naka VIP ka nga diyan sa concert." medyo inis yung tono niya. Hanggang ngayon, di pa rin siya nagbabago. Nagseselos pa rin siya.
"Selos ka naman. Sige na nga. Treat na kita." sabi ko na lang sa kanya nang matahimik na siya.
"Alam mo Gem, minsan naiisip ko, dapat di na lang kita brineak." muli akong napatawa sa sinabi niya.
Tumayo ako at tinapik ang likod niya, "Past is past Nick, move on ka na." tatawa-tawa kong sabi sa kanya.
Napaismid naman siya, ang cute talaga e.
Siya si Nick Santillana, ang aking first and last ex. Kaklase ko rin siya noong college. We took up the same course. And yes, you heard it right. We broke up. He broke up with me at napapatawa ako sa tuwing maaalala ko 'yon.
"Minahal mo ba ako Gem?" tanong niya sa'kin. Ang seryoso ng mukha oh.
Mas lalo tuloy akong napatawa, "Oo naman." di ko talaga mapigilang hindi mapangiti.
"Niloloko mo 'ko e."
"Sa maniwala ka at sa hindi, minahal kita okay?" sabi ko pa.
"Alam mo minsan Gem, naiisip ko, dapat hindi na lang ako nakipagbreak. Ikaw kasi, pumayag ka agad." sabi pa niya. Hinayang na hinayang talaga.
At oo, tama kayo ng narinig, noong nakipagbreak siya, pumayag agad ako, kaya nga siguro palagi niya akong tinatanong kung minahal ko raw siya. Di kasi niya maisip na sobrang bilis kong pumayag noong nakipagbreak siya.
Sa totoo lang, minahal ko naman talaga si Nick e pero hindi ko siya sineryoso. Against kasi siya sa pagiging Fan Girl ko. Pagselosan daw ba ang lahat ng boyband at rockband na crush ko. Para namang maaasawa ko ang lahat ng 'yon.
Yun na lang ang palagi naming pinag-aawayan. Ang pagiging fan girl ko.
And there, one time, di na siya nakatiis, brineak niya ako. Ang tawa ko nun e. Galit na galit talaga siya. Pinapili pa niya ako kung siya o ang mga idol ko. Syempre ako naman, yung mga idol ko pinili ko.
Simpleng bagay, pinapalaki niya.
Akala ata niya hahabulin ko siya.
Ayun, walang anu-ano, nag break kami.
Mas lalo pa nga akong natawa sa kanya kasi after a day, siya rin yung naghabol sa'kin. Pero syempre, di ko na siya inentertain pa. Narealize ko rin kasi baka hindi pa ako handa talagang makipagrelasyon.
Sa sobra ba namang laki ng gusto ko sa mga idol ko, walang tatagal sa'king boyfriend noh! Depende na lang siguro kung fan din siya noong mga idol ko. Magkakasundo kami.
Pero mukhang imposible e. Sino ba namang lalaki ang magiging fan na fan ng The Constellations for example? Haha! Mukhang wala e--pero teka, meron pala! Yung lalaking nakabunggo ko na may VIP Ticket. Yung lalaking masungit!
Nabaling naman ang atensyon ko sa kanya nang muli siyang magsalita, "Sinagot mo lang ba ako kasi kapangalan ko yung vocalist ng favorite band mo?"
Napahagalpak na ako ng tawa! All this time, 'yon pa rin ang iniisip niya?!
Napahampas na ako sa tiyan ko, sobrang ngalay na ng panga ko. 'Oo Nick, sinagot kita kasi kapangalan mo siya.' isip-isip ko.
Ang lakas talaga niya makaramdam! Biruin niyo, nalaman niya 'yon? Paano e sikreto ko lang naman 'yon?!
"Gem, seryoso ako." nakita ko namang seryoso nga siya, kinalma ko yung sarili ko para hindi mapatawa.
"Look Nick, kung sa'n sa'n na napunta yung usapan natin e. Niyaya mo lang ako maglunch tapos, wala namang time machine pero nakarating na naman tayo sa past." magsasalita pa sana siya nang may biglang sumigaw--
"Gemini! Nick! Go back to work o ifafire ko kayo ng sabay!" sabi ng EIC namin. Galit na galit talaga sa'kin si Sir e. Minsan naiisip ko, baka nabrainwash na 'yan ni Russel.
"Ayan, sabi ko sa'yo e. Mamaya na lang ulit lunch! Shu." magsasalita pa sana siya pero tinaboy ko na siya.
Napakamot na lang siya sa ulo niya. "Oo na nga."
Umupo na ulit ako sa silya ko at muling tumingin sa screen ng laptop ko.
"Oh The Constellations, I love you."