Nagbabrowse ako ng mga profile ng random people sa Jobstreet na posibleng maging bagong TL ng department namin. Sht naman kasi e, hanggang ngayon wala pa rin silang nahahire! Nagpalabas na rin naman kami ng notice gamit ang trimedia pero wala talaga e.
Di na ako magtataka pa, sa profile ba naman ng company ngayon, sinong best person ang mahahire ko--namin? Sino ba namang unemployed na may magandang credentials ang papasok sa isang kumpanya na pabagsak na? Siguro meron, posible lalo't higit kung kapit sa patalim ang taong 'yon!
Pero sa'n naman ako makakakita ng taong gano'n?! "Tss."
Nagbrowse pa ako ng nagbrowse ng mga profile sa Jobstreet. Preferably, Communication Arts graduate ang kailangan ko. Halos dalawang linggo na rin kasi ang nasasayang ng kumpanya at isa lang ang ibig sabihin no'n, two and a half months na lang ang binigay na taning ni Lolo.
Nagtingin tingin ako ng mga profile online ng mga posibleng candidates. And there's this profile na nakakuha ng atensyon ko. Napakunot ang noo ko the moment na makita ko ang litrato niya.
"Gemini Tang. Leywi University, Bachelor of Arts in Communication. Worked as an editorial staff at Polys Publishing Company for three years." napailing na ako. Have I met her before?
Bukod sa profile picture niya, may isa pang nakakuha ng atensyon ko. Hindi yung pangalan niya o yung background niya kundi yung nakalagay sa About section ng profile niya.
"I BADLY NEED A JOB, SO HIRE ME PLEASE. I CAN BE YOUR PET, PERSONAL SLAVE, KAHIT ANO PA 'YAN. I'LL DO EVERYTHING BASTA HINDI LABAG SA MORAL AT PRINSIPYO KO." 'yan yung nakalagay.
Napangiti naman ako. She's desperate, isn't she?
Hindi ko rin alam kung bakit pero nakita ko na lang ang sarili kong ipiniprint yung resume niyang nakaupload online. Dalawa pang copy.
"Emily." tawag ko sa kanya. Maya-maya pa, nagbukas na ang pinto.
"Yes Sir?!" hindi ko alam kung bakit sa tuwing tinatawag ko si Emily ay panic na panic siya. Minsan nga naiisip ko, natatakot ba siya sa'kin? Itong secretary ko, maaga 'tong magkakasakit sa puso.
Ibinigay ko sa kanya yung isang copy ng resume na prinint ko. Inayos naman niya yung salamin niya at tiningnan yung papel na binigay ko. "Gemini Tang?"
"Tell the HR to contact that person as soon as possible."
Tatango-tango siya, "Y-yes sir."
Umalis na siya. Muli kong nireview yung resume na hawak ko. Napakunot naman ulit ang noo ko, Gemini Tang, do I know you?
***
Kinahapunan, dumaan ako sa flower shop na malapit sa hospital kung saan nakaconfine si Caroline.
Binili ko ang paborito nyang bulaklak, calla lily. Bumili na rin ako ng prutas at iba pang healthy na pagkain para sa kanya.
Matapos ay nagtungo na ako sa kwarto kung saan siya nando'n.
Kung anu-anong bagay ang sumasagi sa isip ko.
Sa 5th floor ang kwarto kung saan nakaconfine si Caroline.
Naabutan ko pa si Emily sa elevator ng ospital. Tulad ko ay may dala siyang bulaklak.
"Ah S-sir Connor, kayo po pala." sabi niya sa akin.
"Drop the "sir." Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na kapag nasa labas na tayo ng opisina, wag mo na akong tatawagin na Sir?" tanong ko sa kanya.
"Pasensya na po kayo, nasanay lang po ako." sabi niya sa akin.
"And one more thing, drop the "po" magka-age lang tayo kaya call me by my name na lang Emily."
"Ay sorry, Connor?" medyo akward nyang sabi.
Nginitian ko siya at sabay kaming bumaba ng 5th floor.
Si Emily ay isa sa mga malapit na tao kay Caroline. Magkababata at matalik silang magkaibigan. At kahit pa malayo ang agwat nila sa buhay ay nagkasundo sila.
Anak si Emily ng yaya ni Caroline noong bata pa lamang siya. Stay in ang mga ito sa bahay nila kaya naging magkalaro sila.
Pamilya ni Caroline ang nagpaaral kay Emily kaya malaki rin ang utang na loob nito dito.
Nakagraduate si Emily at di kalauna'y nagtrabaho sa kumpanya ni Lolo. Siya ang naging sekretarya ko.
"Matagal tagal na rin mula nang huli ko siyang dalawin." sabi niya sa akin.
"Matutuwa siya pag nakita ka niya." sabi ko sa kanya.
Nakarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Bago ko binuksan ang pinto ay muli akong tumingin kay Emily.
"Emily."
Tiningnan niya ako ng nagtataka.
"Bakit?"
"Kapag tinanong niya kung ano ng lagay ng kumpanya, sabihin mo na lang na nakakarecover na tayo. Ayoko nang mag-isip pa si Caroline. Ayoko nang makita siyang malungkot." pakiusap ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin saka sumagot, "Sige."
Binuksan ko ang pinto at naabutan namin siyang nakadungaw sa bintana ng kwarto niya. Mukhang malalim ang iniisip niya.
Napalingon siya sa amin nang maramdaman niya ang aming presensya.
"E-emily..Connor." mula sa nag-aalalang mukha ay nginitian niya kami.
Ibinigay namin ni Emily ang bulaklak. Matapos no'n ay ipinatong ko ang prutas sa kanyang side table.
"Kamusta ka na? Pasensya ka na at ngayon na lang ulit ako nakadalaw." pagpapaumanhin ni Emily dito.
"Naku, wala yun. Nabanggit ni Connor sa akin na medyo busy ang mga tao sa company. Ikaw? Kamusta ka naman? Mabuti naman bang boss si Connor sa'yo?" tanong niya kay Emily bago tumingin sa akin ng nakakaloko.
"O-oo naman. Mabait si Sir--ay si Connor. Maswerte nga ako at sa department niya ako napunta." sabi ni Emily sa kanya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya pero mukha naman siyang sincere. Ang awkward lang kasi ako ang pinag-uusapan nila.
Nagpasya na lang akong lumabas na muna. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa. Bibigyan ko muna sila ng time para makapagkwentuhan.
Nagtungo ako sa chapel ng ospital. Naupo ako sa bench at tumingin sa kanya. Bukod kay Caroline ay siya na ang madalas kong kausapin.
Gaya ng palagi kong ginagawa ay lumuhod ako sa kanyang harapan at nanalangin.
"Panginoon isa siya sa mga pinakaimportante at pinakamamahal kong tao. Pagalingin mo na po siya. Ayoko siyang nasasaktan at lalong makitang malungkot. Gusto ko lamang ay ang makita siyang masaya. Anuman ang kapalit ng araw araw na dalangin ko sa'yo ay tatanggapin ko. Siya na lang ang meron ako at lahat ay gagawin ko para sa kanya, para kay Caroline, ang nag-iisang kapatid ko."
Naniniwala ako sa kapangyarihan niya. Siya lang ang nakakaalam ng hangganan ng lahat at naniniwala akong hindi niya ako bibiguin. Didinggin niya ang mga panalangin ko siya kanya.
***
Jobstreet: online site where you can upload your resume and find a job.