♥ TWENTY FOUR ♥ KIARA Tinakpan ko ng unan ang mukha ko nang marinig ang sunod-sunod na malalakas na katok sa pinto. "LEAVE ME ALONE!" Singhal ko saka muling binaon ang mukha sa kama. Masyado pang masakit ang ulo ko para makipagbangayan kay Dad. "OPEN THIS DOOR, KIARA! WHAT THE HELL DID YOU DO WITH THE DELTAS?!" Damang-dama sa boses niya ang galit niya sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at tumayo ako para puntahan ang pinto. Pinagbuksan ko siya ng may mapang-asar na ngising nakaguhit sa labi ko. "Did you like it, Dad? Are you enjoying how your precious girl behave?" Umigting ang kanyang panga. Mayamaya, isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Dumugo ang labi ko at namanhid ang mukha ko. Tumingin ako sa kanya ng napakatalim. I crossed my arms then c****d an eyebrow at

