♥ TWENTY TWO ♥ HANK Nilapag ni Erin ang beer sa harap ko saka siya umupo sa stool sa tabi ko. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin para ngitian. "Salamat." Ngumiti rin siya saka siya tumango. "Anong nakain mo at dito ka tumambay sa Averida? Hindi ka ba nila kailangan sa Astrid?" Untag niya saka niya tinungga 'yong beer niya. "Trip ko dito. Dito sa condo mo may libreng inom." Sagot ko saka ako ngumisi. Natawa siya ng kaunti dahil sa sinabi ko. Binatukan niya ko saka niya ginulo buhok ko. "Gago ka ang dami-dami mong pera hindi ka bumili." Umismid ako. "Nag-iipon ako." Tugon ko saka muling binalik ang tingin sa papel na hawak ko. "Ipon? Para saan?" Alam ko nakakunot na noo nito ngayon. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam kung bakit pero gusto kong bumili ng sarili kong bahay. K

