2

4808 Words
Jackielyn 8 Years Ago, Malibu USA "Jackie, tingnan mo sina Tanya at Matteo! Nagso-slow dance!" Kinikilig na sabi ng isa sa mga best friends kong si Pinkie.  I watched Tanya, one of my best friends, and her partner Matteo, had a slow dance to the song he dedicated for her which was It Might Be You. Kinilig ako para sa kanila, pero inatake din ako ng lungkot habang pinapakinggan ang lyrics ng kanta. "Time, I've been passing time watching trains go by... All of my life... Lying on the sand watching seabirds fly... Wishing there would be someone waiting home for me..." Naluha ako. Mabuti na lang madilim sa parte ng reception area na iyon at wala akong kasama dahil abala lahat ang mga kaibigan ko. I stood up from the table and decided to walk in the hidden part of the beach. I never felt so lonely, after my parents passed away. Ngayon lang ulit. Hindi naman ako nag-aasam na magka-boyfriend. Pero hindi ko din maiwasan magtanong kung bakit nga ba hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Hindi naman ako mailap. Hindi naman ako mashadong boyish. Kaunti lang. Naliligo, tu-toothbrush, powder, lipstick, deodorant at pabango naman ako. Maayos naman ako manamit kasi tinuruan ako ng isa sa mga BFFs ko na si Rori. Binabawasan ko naman na ang pagiging mataray ko at prangka ko. Magaling naman ako magluto at may kasabihan na 'a key to man's heart is through his stomach', so pasado naman siguro ako don sa aspetong yon. Ano pa ba? I mean I get it na hindi lahat type yung katulad ko-- matangkad ako para sa average guy at hindi din ako payat. Pero may iba naman na gusto ng chubby diba, Lord? I sighed as I walked barefoot in the sand. "Hey!" May may kumalabit sa akin.  "Ay, pokemon na may talong!" Naibulalas ko sa gulat at napatingin sa nangahas na manggulat sa akin. Dahil sa pagkalabit ng taong yon ay nakilit ako at bahagya akong naumpog sa baba niya, dahil mas mataas siya kesa sa akin. Agad akong umatras at muntik nang madulas kaya napahawak ako sa mga bisig niyang matigas, at napatingin sa mukha niya.  I recognized that handsome face. It was Malik. "You startled me, Malik! I almost had a heart attack!" Naiinis kong bulyaw sa bunsong kapatid ni Matteo at pinsan ng isa sa mga BFFs kong si Shayla. My heart started to beat fast as I got the chance to stare at him. He was a strikingly gorgeous man and I would bet that there were many girls after him. My eyes and my brain were working overtime giving me different love scenes with him in my head that I could almost feel my cheeks burned. "Sorry. You okay?" he asked. "I just saw you leave the party and thought I should follow you because I learned that there's a part of this place that has quicksand." Malik was trying to explain, but I could not focus. Kahit pa parang may magnet ang aking mga mata dahil parati itong naga-gravitate to discreetly ogle at him, I vehemently refused to belong to the women that fell for his charm. Unfortunately, my friends were not immune to his kind of charm which his other brothers possessed. In terms of physical attributes, the Pontes brothers were freaks of nature! Marahil match na match ang DNA ng mga magulang nila kaya nang nabuo sila sa sinapupunan ng nanay nila ay lumabas silang tila parang mga anghel sa kagwapuhan o mala-demonyo na delikado sa mga panty ng mga kababaihan. But amongst all his brothers, his face was the most refined... almost perfectly sculpted like that of the statue of an angel. Nahambing ko siya sa isang anghel dahil malimit ako noong isama ng aking lola sa simbahan. At tuwing nasa simbahan ako ay pinagmamasdan ko ang mga santo na naroon lalo na ang mga anghel. Magaling ang pagkakagawa sa mga statwa ng santo at anghel noon kumpara ngayon-- makinis na parang naka-BB cream, matangos ang ilong, mahabang mga pilik mata, at perpekto ang labi. Tila parang totoo ang mga statwa sa simbahan. Parang... si Malik. Ay, tama bang ikumpara sa mga statwa ng santo at anghel si Malik? Mas bagay sa kaniya ang Machete. Na-imagine ko si Malik na naka-suot ng bahag. I would have drooled over the thought of him showing some muscles and skin, but I remembered what he and his brothers did to us the past weeks as we prepared for Shayla and Gerard's wedding. Natalo kami ng mga best friends ko sa bilyar at naparusahan niya ako na maging alipin niya ng isang buong araw. As Malik's slave for one day, inutusan niya ako na pagsilibihan siya at paglutuin ng mga putaheng gusto niya kainin. Kapag kakain siya, gusto niya sinusubuan ko pa siya. Inutusan niya din akong kumuha o bigyan siya ng drinks. It infuriated me, because he made me hate cooking for one day. Hilig ko pa naman magluto! Ngunit noong araw na yon, I dreaded cooking because of him! Ang nakakainis pa ay alam kong nage-enjoy siyang inisin ako. Akala ko pag tapos na ang parusa ko ay titigilan na ako ng matsing na ito. But, no! No! No! Hindi pa rin pala. "I was okay until you came. " Pataray kong sagot at mabilis na tumalikod para makaiwas sa kaniya. Ayoko kasing makita niya ang pamumula ng aking mukha. Ayoko ding isipin niya na may gusto ako sa kaniya, kaya ayoko din ma-appreciate itong gesture niya na pag-warn sa akin na may quicksand pala dito sa parte ng beach na'to. Yaiks! Makaalis na nga dito. I thought and started carefully walking back to the party site. "Jackie!" He called out and walked with me. "I am sorry for making you a slave. I was just messing with you. I didn't realize it was already offending you." Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. I could not believe he would say sorry. For one, he didn't look like a guy that would say sorry. But, then, what would he gain if he said sorry, right? It was not like he was trying to get into my panty, right? I was sure I wasn't exactly the type that his kind would like. By gahd, he was physically fit like a Greek god. For sure, he would want someone as equally beautiful as him. I contemplated if I should forgive him. I felt torn. If I would forgive him, I would feel guilty to execute the plan my girls and I came up with to take revenge on them. However, come to think of it, I doubt that our plan would still push through as my best friends have already and clearly lost and fallen for the charms of his brothers. Ako na lang ang hindi nahuhulog kasi malabo talaga yon. I mean, I could fall for this beautiful angel-like human being, but he wouldn't. Sure ako dun. Kung tatanungin ano ba ang pinagkaiba ko sa mga kaibigan ko at nagustuhan sila ng mga kapatid ni Malik?  Well, payat sila... sexy... magaganda. Ako? Majoba. Si Malik? Gorgeous with capital letters H-O-T. "Can you please forgive me?" tanong niya sa akin na nagpabalik sa akin sa riyalidad. Napahilamos ako ng mukha, at bumigay na din. "Okay." I quickly said and started walking again to leave him . But this time, I decided to just go back to the mansion. I will just retire early than endure the night wistfully dreaming and wishing of a love like the ones that my friends have found now. Napansin ni Malik tinahak ko ang direksyon papunta sa Ponce mansion na pag-aari ng pamilya ng napangasawa ni Shayla. "The reception is that way." Nagtakang sabi ni Malik habang sinusundan ako sa paglalakad. Tinuro niya ang direksyon ng party. "Ayoko don. Mag-isa na naman ako. Tutunganga lang ako dun!" Nasabi ko dahil nakalimutan kong hindi siya nakakaintindi ng Tagalog. Napansin kong napatigil siya sa paglalakad. He looked at me and his jaw clenched. It seemed he undersood what I said and I saw pity in his eyes. He pitied me. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa pag-amin ko ng totoo kong nararamdaman.  Alone. Pero bakit nga ba ako mahihiya kay Malik eh hindi naman niya maiintidihan ang sinabi ko? Foreigner siya. Hindi siya dapat nakakaintindi ng Tagalog. But to be sure, I had to ask. "Naiintindihan mo ba ako?" tanong ko. He just stared at me, as if he was studying me. "Do you understand Tagalog?" ulit ko. "Let's go." Aya niya. "Whether you like it or not, I'll hang out with you." Nagulat ako ng ginagap niya ang mga kamay ko. "I- I said I don't like," tanggi ko at inalis ang mga kamay niya sa akin. "Will you give me the pleasure of your presence there, then?" he asked. "I'm alone there. I've got no one." Kibit balikat niya. "There's also some women that I'm sort of trying to escape from..." he sheepishly admitted, and knelt down. Ano 'to? Magpro-propose? Char! Bakit ganon? Wala pa naman siyang ginagawa pero parang kinikilig ako. It's his face. It's magnetizing me. Pinagdikit niya ang kaniyang mga palad. "Please? " he asked with puppy eyes. "Pogi problems, koya?" napailing ako. I also crossed my arms because it seemed like he was looking at my breasts, but I might just be imagining things because he was at an angle where he was looking up and where he could see my boobs first before my neck and face. I sighed. "Fine!" I lazily agreed. "Just stand up from there." Pakiusap ko dahil naiilang ako sa ginawa niya. Agad ang lumakad. Nauna na akong maglakad, dahil ayokong makita niya ang pag-ngiti ko. He kept pace with me and we walked together. He even went closer to me and offered his arm to me. Napatingin ako sa kaniya. He was smiling so adorably. I could not decline the offer. Muli akong napangiti at humawak sa braso niya habang naglalakad kami patungo sa venue. Surprisingly, simula ng araw na iyon, naging magkasundo kami and we were happy hanging out and I have been contented with just having him beside me, celebrating simple pleasures that life and chances could give us. Hindi ko na naging issue yung unti unti nang nababawasan ang limang best friends ko, dahil nagkakaroon na sila ng sari-sarili nilang buhay at pamilya. Malik kept me company and I was happy and got used to having him around almost 24/7, kaya nami-miss ko siya kapag we're apart. Sabi niya nami-miss din niya ako. Pero nagdududa ako dahil iniiwan din naman niya ako kapag may date siya. Noong una, hindi masakit para sa akin kahit na bahagya akong nakakaramdam ng selos. Pero sa tingin ko, it was just separation anxiety. So, I thought wala akong issue. I even agreed with his proposal na mag-syoso kami sa negoso. We put up Gustoso Restaurant and Catering services here in the Philippines and it has been our 7-year-old, baby. He was the restaurant manager, and I was the chef and head of the kitchen. We were a great team in making Gustoso flourish. I think our teamwork was effective because we bonded everyday. He would drop by at my place, have breakfast with me and my sister everyday and then, we would go work together. After work, he would drop me off at my house, have dinner there, and go back to Gustoso building, where he has a residential unit at the second floor. May mga times din sa kuwarto ko siya natutulog, lalo na pag inuumaga kami manood ng mga series, o kaya naman kakain siya sa bahay lalo na kapag may typhoon. Minsan doon na din siya nakikiligo sa bahay. There was a time napagalitan ako ng Kuya Macintosh ko nang mabalitaan nitong may natutulog na lalaki sa kuwarto ko. But I assured him that Malik and I were just best of friends and business partners. It took a while to convince Kuya Macintosh, but he could not do anything about my set-up with Malik, because he was busy with our coconut farm in Cebu, and had a love life to attend to, which I was happy for him. Parati kasing mainit ang ulo ni Kuya. Mabuti na lang nandyan na si Cherry sa buhay niya. Pinagsabihan din ako ni Kuya na matanda na nga daw ako at pini-pressure na ako mag-asawa. Baka daw mag-expire ang ovaries ko at mahirapan ako magka-anak dahil mataba ako. He even intended to arrange marriage for me. He said mabait daw yung lalaking iyon at matagal na niyang kaibigan. Pero umatras din  naman. Since then, pinabayaan na niya ako at ang relationship ko with Malik na parang kami na hindi. *** PRESENT TIME Malik has been required by his Papai and brothers to go to Brazil and stay there for two to three days to attend their monthly family business meeting, and for other ad hoc meetings.  Every time pupunta siya doon sa Brazil, kontodo dasal ako para sa safe trip niya at panalangin na sana hindi siya uuwi na malungkot. Every time kasi na babalik siya dito mula sa Brazil, nagre-ready na ako kung paanong pagchi-cheer up ang gagawin ko sa kaniya, dahil gloomy at grim parati ang hitsura niya sa sama ng loob. Pag family business meeting kasi nila, nagbe-brainstorm, nagde-debate, nagdi-discussion silang magkakapatid kung paano pauunlarin ang negosyo. At dahil si Malik ang bunso, it's either his ideas were not heard or were just totally shut down. Last month, ang pinupuntirya ng kaniyang tatlong kapatid ay ang hindi niya pag-involve ng 100% sa negosyo, dahil mas inuuna pa raw niya ang mga amorous activities niya dito sa Manila.  Pero sa tagal ko nang kasama si Malik, alam ko na he left a part of the story. I know that his brothers were already asking why he has been staying here in Manila, instead of just creating business in Brazil.  Malik is free-spirited and outgoing. I am sure his current location fits his lifestyle. Perhaps, he did not want to stay there  in Brazil, because this is where he enjoys his bachelor life, and because he likes our food business that is also flourishing here in Manila. This is also my motivation for staying in Gustoso. I wanted to help Malik to prove to his family na kaya niyang palaguin ang sarili niyang negosyo. My friends have clued me in the real story. I learned that he chose to stay here in Manila because of me. Sabi daw ni Malik sa mga kapatid niya, hindi niya daw ako iiwan sa ere pati na rin ang Gustoso.  Ilang gabi ko na ngang pinag-isipan iyon. Kung problema pala ang pagnenegosyo ni Malik sa Pilipinas, siguro maganda rin na dalin niya ang concept ng Gustoso sa Brazil. Kukuha siya ng Chef doon, at mga staff. Or, baka puwede niyang bigyan ng opportunity ang mga staff dito na makapag-trabaho sa Brazil. That is... kung may budget na si Malik. But knowing Malik, he has tons. Well, aside from his family's money, he has stock investments in the Philippines. When he decided to stay here in the Philippines eight years ago, he carefully chose those stocks that he knew would be succeed in the long run. Kaya naman nag-ten times pa ang kita niya from his initial investment as of current.  Hay!  Kaya naman maramin talagang nagkaka-interes kay Malik, eh! Lahat na nasa kaniya... maliban sa magkaroon ng interes na mag-settle down. Wala yatang plano itong si Malik. Sa bagay, bata pa naman siya. Twenty-nine years old pa lang naman siya. Pero tingin ko, dapat sa kaniya mag-settle down na by Thirty years old  para pagnag-twenty years old na ng anak niya, bata pa din siya... Fifty years old pa lang siya by that time.  But come to think of it, bakit nga pala pina-plano ko kung kelan siya dapat mag-asawa, diba? Desisyon niya iyon. Bestfriend ka lang niya, Jackie. Hindi ka niya nanay o girlfriend para planuhin iyon para sa kaniya. Huwag kasi mashadong involved para hindi nasasaktan. Iwas-iwas din sa pagiging masokitsta sa sarili ha, pag may time. Paalala ko sa sarili ko.  I sighed because of my realization. Kung hindi ikaw ang babae para kay Malik, masasaktan lang talaga ako sa bandang huli. Pero siyempre, I would just always be here at his call... his bidding, though it will hurt.  Kung sinabi man ni Malik na ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa Pilipinas, marahil ay dinahilan lang niya ako, at ayos lang sa akin iyon. Malik might have said those words because his family and all our friends who happens to be his sister-in-laws and cousin-in law are rooting for us. Perhaps, he just said what they wanted to hear. Lahat kasi ng mga kaibigan namin ay pine-pressure na kaming dalawa na mag-settle down... na kami na lang daw dahil halata naman daw na magkasundong magkasundo kaming dalawa. Matteo once told Malik while I was with them that the 'best lover and wife is your best friend'.  Kilig na kilig talaga ako non! Si Malik naman niyakap ako ako at sinabi niyang baka marami daw ako maging expectation of him, and hindi niya mafulfull iyon. Kapag nangyari iyon, baka mawala daw ako sa kaniya. My best friend Tanya said in jest na babaan ko na kasi ang standard ko, para daw pumasa naman si Malik. Malik answered that he did not want me to put my standards down and settle for something less, because I deserve the best. And as my bestfriend, he would make sure that I would have that.  Siyempre shut up ang lola mo kasi kinilig ako, pero a part of me felt hanging. I sighed once again as I thought of Malik. Just thinking about him, makes me miss him a lot. Hindi tuloy ako makatulog dahil hindi ako mapalagay. I looked at the time, and it was just 10:00 pm and I kept missing Malik, kahit ayaw ko.  "Ano ba, Jackielyn! Parang kakakita mo pa lang sa kaniya kaninang 8:30 pm, nang ihatid ka niya dito sa bahay diba? Stop thinking about him. Baka madapa pa yon!" Sabi ko sa sarili.  But, I still dialed his number. Contradicting ang sinasabi ng bibig ko sa ginagawa ng mga daliri ko ngayon.   Namimiss ko si Malik kasi bukas ng gabi ang alis niya papuntang Brazil, at hindi ko naman siya maihahatid sa airport dahil kailangan ako sa Gustoso. I sighed again, as I waited for his phone number to ring. But then, I remembered that he might already be busy with his amorous activities, so I ended the call.  Malungkot akong napatitig sa mobile phone na may picture naming dalawa.  Mahal kita, bestfriend. Mali ba na i-wish ko na sa akin ka na lang? Mali ba na i-wish kong wag ka na lang maging playboy?  Hinimas kong ang picture niya at zinoom out ko para mapagmasdan ang mukha niya. Huminga ako ng malalim.  Ayoko na tumawag sa kaniya. Baka kasi ano pa ang marinig kong ungol kung sakali man tumawag ako. It will make me secretly cry, haunt me again, and not make me sleep for days. Mas mabuti pang i-text ko na lang siya. I thought. "Beshy, are you busy? Can I call you? " tanong ko sa text message. Agad na nag-ring ang aking phone at si Malik ang tumatawag.  Napangiti ako at nagmadaling pinindot ang answer button. "Yes, bebe?" bungad niya. "Busy ka?" tanong ko at naupo sa kama. Nasaan ka? Sinong kasama mo? Anong ginagawa niya? Hinahalikan mo ba siya? May ginagawa ba kayong dalawa? May condom ka bang suot? Baka mahawa ka! Sira ulo ka! Bakit mo ko ginaganito? All those thoughts instantly flooded my head. Pumikit ako at pasalampak na humiga sa kama. Nakaka-hapo mag-isip at magpigil ng sarili na sabihin ang lahat ng nasa isip ko. "Malik," sambit ko as I groaned. It was supposed to be a quiet groan of frustration! But it sounded like the groan in porn movies! Waah! Biglang bumuka ang mata ko, at kumabog ang dibdib ko. I hoped he didn't hear it.  I tried to sense if he was home. If he was, then it would have been so clear! Shetek! Kakahiya! Narinig ko na parang maraming tao sa background. Agad kong naisip na baka nasa gimikan ito ngayon. I heard his heavy breath. s**t, malinaw ang reception ng tawag! Baka narinig niya! Huhu! "Pucha, Beshy! Nagma-masturbate ka ba ngayon?" pabiro niyang hirit. "Ogag! Hindi 'no!" Defensive kong sagot, at narinig ko siyang tumawa. "Foder!" He muttered. "Halinghing pa lang yon, lakas na ng epekto sa'ken! Ayi!" Parang kinikilig pa niyang sabi. "Eww!" Sabi ko. "Tigilan mo nga ako. Nafu-frustrate ako, hindi ako nag-jajakol!" Lalong natawa si Malik. "Besh, that's the thing for men. Finger sa babae." He corrected me. "Tse! Eh hindi ko alam kasi hindi ko ginagawa!" Depensa ko habang nagiinit ang pisngi ko sa kahihiyan. Siya naman ay tawa ng tawa. "What? Hindi mo talaga ginagawa? Tsk! Tsk! Tsk! Hayaan mo, besh, tuturuan kita para naman hindi maging kaong yan si Pempem." Aniya. "And, I'll gift you with a vibrator on your birthday!" "Malik! Ang perv mo!" Naiinis kong sabi. "Tigilan mo na yan! Naeeskandalo ako!" Lalo siyang natawa. "Okay, okay! Magse-seryoso na. Teka!" Saglit itong tumahimik. "Inayos ko lang pantalon ko. Sikip eh!" Aniya na nanadyang inisin ako. Napatirik ako ng mata. "Whatever that means!" Sabi ko at iniba ang topic. "Nasa gimik ka ba? If yes, bukas na lang tayo mag-usap." "Beshy, it's okay. You need me? I'll be there in 5 minutes." "So you have plans tonight pala?" "A friend just sent me text message, before you did. She... was inviting me to meet up." "Ah, so makikipagkita ka---" sabi ko lang at tumango-tango at nag-init na ang mata ko.  Iiyak ka naman bang babae ka, ha?  "I cancelled it." Mabilis niyang sabi.  "Paano mo kinansel eh kausap mo pa ako?" "Sa isang phone ko." Sagot niya. "May phone ako exclusively for my Beshy and  phone for those pips in Brazil. May phone din ako for--- you know."  "Wag mo na kanselin yung plan mo to meet up with her. Pumunta ka at magjujugan na kayo!" I just had to say it bluntly dahil naiinis ako! Natawa siya. "Nagseselos ba ang Beshy ko?" "Gago!" Inis kong sagot. "Ba't ako magseselos? Girlfriend mo ba 'ko? Diba hinde?" I was trailing a dangerous path and I knew it as my voice cracked. I was about to cry. Nooooo! Hold it, Jackie! "Hindi," he said. "Bestfriend." Tipid niyang sagot. Yan tuloy! It made me recall all the hugot lines na naka-relate ako. "Oh yes, kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako. And that's all I ever was to you. Your best friend.And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend, dahil kahit kailan, hindi mo naman ako makikita, e. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan." - Jolina "Sinarado ko yung puso ko para sa lahat, hindi ako nagmahal ng iba kasi umasa ako na baka darating yung isang araw na mamahalin mo rin ako kahit sinasabi ng lahat ng tao na wala akong mapapala. Nagpakatanga ako kasi mahal kita."- Bea Saktong sakto yung mga hugot na yun sa akin. Paluha na nga ako! Pakshet! "Beshy, I know my priorities." Masuyo niyang sabi.  Shet! Nahalata ba niyang mashado akong upset?  Pinamulahan ako ng mukha. "Beshy first, bago ang gimik and others." He assured.  Agad akong kinilig. Ahihihi! Hanubayan! Pinakikilig naman ako neto! Napangiti ako.  "Ashen ke be keshe?" malambing kong tanong, at hinawi ko ang imaginary na buhok sa likod ng tenga ko. Ang bilis mo magpatawad, girl! Kinilig ka lang, umatras na yung luha mo! "I just grabbed some snacks, after I dropped you off." "Beket keshe lumebesh ke pe? Sene pumunte ke ne leng ditey. I'll prepare quick snack for you---" "Ano, Beshy? Quickie sa bahay mo?" he teased. "Ehehehe! Sira!" Sagot ko at natawa siya. "Just messing with you." He said in his bedroom voice. "I went out to grab some kebab and shawarma." "Saaaraaap!" I said in my imitation of a bedroom voice. "O! Kala mo di ko papatulan yang kalandian mo, ha? Kamusta na si Pototoy? Nag-react ba?" "Beshy! Nag-react! Gawan mo ng paraan 'to mamaya! Sakit nito sa puson! Kanina ka pa!" Reklamo niya. Natawa ako. "Di ko kasalanan yan!" Depensa ko. "Dinalan mo ba ako ng pasalubong--though hindi naman talaga ako nagsabi." "Of course! Alam mo naman I always buy for two. Always." He sweetly assured. "One for me, and one for my bebe Beshy!" "Naks!" Sinubukan kong itago ang kilig na naramdaman ko. "Talaga?" "Naman! Paano naman ako makakakain na hindi man lang iniisip kung ikaw ba nakakain na? Eh parati tayong sabay kumakain kasi diyan ako kumakain sa bahay mo." Sabi niya.  Huminga siya ng malalim, at dinagdag, "Wooooo! Hirap magpaliwanag! Daming 'kain' non, pero di ko maisingit kung kailan ko naman ikaw makakain?" Nakuha ko ang hiriti niya. "Oh, ayan naisingit mo na!" Sabi ko. Sabay kaming tumawa. "Papunta ka na ba dito?" "Sana, unless you wanna go to my place, and eat there, then kiss some, and go to bed some..." he teased. "Ewan ko sa'yo. Pumunta ka na dito. Nakakagutom yung kebab and shawarma!" "Dito na ako!" Aniya, sabay narinig ko ang mahinang busina ng kaniyang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Agada akong lumabas ng kuwarto kahit nasa phone pa kaming dalawa. "Teka buksan ko yung gate." Sabi ko. "Yes please." Aniya. Bumababa ako sa second floor at binuksan ang pinto ng bahay namin. Naroon na siya at nakaabang sa gate. He was still holding his phone on his ear, while his other hand was holding two paper bags. "Ang lamig na ng panahon! Saka ang lakas ng tunog ng mga kuliglig!" I said feeling the goosebumps because I was always afraid of big and fat insects. But, I focused on him, and I felt my heart skipped a bit. I forgot about those creepy insects. All I could focus on was his handsome face, his smile and his eyes looking at me as if he was so happy to see me.  Nagmadali na akong buksan ang gate. "Pasok ka na!" Excited kong sabi. "Dinalan ko din sina Addie and Inday. Gising pa ba sila?" he asked smiling as my nose caught the aroma of the food he brought, and also a whiff of his familiar lakas maka-pogi at sexy na perfume. "Sayang, tulog na sila." Sabi ko at lumapit sa kaniya para silipin sa supot na dala niya ang pagkain. Pero ang totoo, gusto ko lang talaga mapalapit sa kaniya.  "Bakit ka nga pala tumatawag sa akin?" tanong niya habang papasok ng gate.  Agad akong yumakap sa kaniya. Hindi ko napigilan eh. "Miss lang kita, kasi aalis ka bukas. Walang maghahatid sundo sa akin." "Naks!" Aniya. "Okay na sana yung sinabi mo na ma-miss mo ako eh... pero dahil pala wala ka lang drayber?" He wrapped his arms around me, too, and gave me a light kiss on the forehead. "Ako din! Mami-miss ko na hinahainan ako ng breakfast, lunch, at dinner, saka sinusubuan." "Hehehe! Mami-miss mo ang yaya mo?" hirit ko. "May mutual understanding talaga tayo, ano?" may himig pagtatampo kong sabi sa kaniya. "Sus! Pikon. Uumpisahan mo ko, tapos pag sinagot kita... pikon kagad. Syempre ma-mimiss talaga kita.  Kaya nga kahit tulog ka ngayon, gigisingin talaga kita para mag-midnight snack tayong dalawa, e!" Aniya. "Tara, tambay tayo dun sa terrace niyo, tapos mag-reggae soundtrip tayo." "Luh! Hindi tayo matutulog? Lalafangin natin lahat ito?" napatigil ako sa paglalakad kasabay niya. "Dyan ako matutulog sa kuwarto mo pag antok na tayo." hinila niya ang kamay ko para sumunod sa kaniya. "Eww! Matutulog ka sa tabi ko na amoy shawarma ka?" komento ko habang dali-dali naman akong sumabay sa paglalakad niya. "Sus! Nandidiri ka ba sa amoy ng bibig ko?" tanong niya. "Oo, naman! Panis na laway plus sibuyas? Nuclear bomb!" Natawa siya. "Whatever, matutulog pa din ako sa tabi mo." hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, at hinalikan niya ito habang naglalakad kami papunta sa terrace. Duon kami tumambay habang inubos namin ang lahat ng dala niyang shawarma at kebab.  Tinotoo niya ang sinabi niyang matutulog siya katabi ako. Ginamit na lang niya ang toothpaste at mouthwash ko, at nakipagharutan sa akin bago matulog, dahil nagbabanta siyang hahalikan niya ako sa lips at magta-tongue fight daw kami.  But as soon as we hit the sack, he fell asleep at the nook of my neck. He had a slight smile on his face as he breathed, and hugged me tighter. Napangiti na din ako at yumakap na din sa kaniya. I sure had a good sleep with a smile on my face as we were this close.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD