Pakiramdam ni Pia parang na drain lahat ng energy niya habang naglalakad sila papunta sa bahay ng mag-asawang Alcaraz. Seeing Sid Romero was almost worse than having trained killers trailing her. Ang imahe nito na nakatutok sa kanya ng baril ay mananatili sa alaala niya habang buhay. To think she once found Sid handsome. Tipikal kasi ito na ideal ng mga babae sa lalaki, yong Tall, Dark and Handsome. Isa pa, pang model talaga ang dating nito na di mo akalain na isa pala itong pulis. Sa katunayan nga noong naging sila pa, maraming babae ang sinabunotan niya dahil kung makalandi ang mga ito sa boyfriend niyang si Sid ay wagas. Talaga namang mag-init agad ang bunbonan niya pag may babae ng lumalapit kay Sid. Kaya nong panahon na sila pa ng lalaki, pakiramdam niya ang haba ng hair niya at ang

