Nakaupo ngayon si Pia sa sanga ng kahoy. Sa palagay niya isang kakahoyan ang pinagdalhan sa kanya ni Sid. Gaya kasi itong lugar nato nong napadpad siya sa bahay ni Hecthor. She used to think of trees as peaceful. Thanks to Congressman Walter, they now reminded her of death. Pero sa natatandaan niya parang ito rin yong lugar kung saan siya hinahabol noon ng Kongresista. Kung hindi nga siya nagkakamali, maaring nandirito rin yong underground na dinaanan nila ni Hecthor sa pagtakas. Hindi kaya ito gumuho sa pagsabog? But the part she could see remained intact, which meant it might be usable. "Bakit ba tayo nandito? Saang lugar ba to?" tanong niya kunwari na hindi niya natatandaan ang lugar. Inilibot naman ng Congressman ang mga mata nito. "Hindi mo ba talaga natatandaan ang lugar na to?"

