Grabe ang panginginig ng mga kamay ni Pia sa mga oras na yon. Tatlong beses nga niyang sinubukang itulak ang closet para makalabas na siya, pero hindi niya magawa dahil sa panginginig. Si Hecthor na tuloy ang nagbukas sa kanya matapos makalabas sa unit nito si Sid. "Yon ba ang dati mong nobyo?" "Pano mo nalaman?" "Nalimotan mo yata kung anong trabaho ko." "Pinaimbestigahan mo ako, ganon?" mahina niyang itinulak ang lalaki para makadaan siya. Kailangan rin niyang maupo dahil baka anumang segundo ay bibigay ang mga tuhod niya. "Siniguro ko lang na hindi ka nasisiraan ng bait. Bigla mo kasing binunggo ang bahay ko." "Akala ko ba naka move on ka na sa nangyari sa bahay mo." Hindi na muling nagsalita pa ang binata. Napagtanto niya na baka galit ito sa pagsugod ni Sid sa unit nit

