Gabi na pero hindi pa rin napawi ang galit ni Pia kay Hecthor. Nag-usap lang sila sandali ng binata nang bigyan siya nito ng bulletproof vest na kanyang isusuot. Nandirito sila ngayon sa condo unit ni Hecthor dahil bigla nalang nagbago ang isip nito nang pababa na sila sa underground ng bahay ni Vin. Watching him now, she questioned the intelligence of taking him away from his team. Nakatingin lang naman siya kay Hecthor habang nagpabalik-balik ito ng lakad na parang hindi mapakali. His shoulders were rigid and his mind far away from here. Batid niya na nag-aalala rin naman ito. Ayaw kasi sana nitong mahiwalay sa grupo. To a man like Hecthor that meant weakness. Nalilito na nga siya sa lalaking ito eh. Sarili lang naman nito ang kinakausap. Eh ano bang silbi niya? Parang statuwa lang.

