Chapter 6

1600 Words
Isang oras na ang nakalipas nang mabaril ni Hecthor ang lalaki sa noo nito. At ang mahirap pa ay may saksi siya sa pamamaril. Ano nalang ang iisipin ng babae sa kanya na mamamatay tao siya? Pero ano bang pakialam niya sa iisipin nito? Ito pa nga ang biglang nagdala ng gulo sa kanyang buhay. Because of her, he lost his sanctuary and everything in it. Kaya hindi niya dapat ito bigyan ng magandang pagtrato. "Gusto mo bang pag-usapan natin ang nangyari?" tanong nito nang huminto sila sa tapat ng isang gate. "No." aniya sabay baba sa truck. "Alam mo bang may mga therapies na--" "Hindi ko sila kailangan." putol niya sa sasabihin nito dahil alam na niya ang pinupunto nito. Humarap naman siya rito. "Wag mo ng ipilit sakin ang isang bagay." "Bakit ka ba ganyan?" "Dahil hindi ko kailangan ang isang therapist." "Hindi naman yan ang sinasabi ko." turan pa ni Pia. Eh ano? Yong nalaman nito na claustrophobia siya? Tanging ito lang kasi ang nakakaalam na iyon ang kahinaan niya. Binuksan na ni Hecthor ang gate gamit ang susi at una siyang pumasok sa loob. Sumunod naman si Pia sa pagpasok niya at inilibot nito ang paningin sa paligid. "Is this your place?" "Hindi, sa boss ko." "Akala ko ba unemployed ka." "Former boss, rather." "Parang may kulang sa mga sinasabi mo." "Yan ang gusto ko sa isang babae, mautak." "Ano?" untag nito. "Ngayon ko lang din nalaman iyon." aniya pa. He pushed the door open and motioned for her to stay back while he walked inside. A quick look around told Hecthor what he needed to know. His boss wasn't there. Dahil kung nandito pa ito sa kanyang pamamahay, sinalubong na sila nito ng baril sa kanilang biglaang pagpasok. Hindi kasi sila pumupunta sa bahay ng kanilang boss hangga't hindi sila nito pinapapunta. Ngunit binigyan rin naman nito ang kanilang team ng tig-iisang duplicate ng susi sa bahay nito. Para daw may access sila sa bahay nito anumang oras na papuntahin sila. "Wow! Napaka organisado naman ng boss mo." komento ni Pia pagkapasok agad nila sa bahay. Oo, ganyan talaga ang amo nila. Para na rin ma detect nito kung may pumasok man sa kanyang bahay. Dumiritso siya sa kusina at tiningnan ang laman ng fridge. "Nagugutom ka ano?" sarkastikong saad nito. "Just checking." he said and took a quick look around. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kakaiba. "Dito ka lang." Napasaludo naman ang babae sa kanya. "Yes, sir." Natigilan siya bigla sa naging tugon ng babae. "Masyado ba akong demanding?" "Konti lang naman." Yon naman ang unang beses na natitigan niyang maigi ang babae, at napansin niya na nagalusan pala ang kaliwang pisngi nito. But still, she looks stunning. Idagdag pa na maganda ang pares ng mga mata nito. Pero hindi pwedeng magkainteres siya sa babaeng ito. "Alam mo naman ng dahil sayo, kaya tayo nagkaganito, di ba?" "I'm sorry." anito pero nahalata niya ang pag-ismid nito. "Talaga bang humihingi ka ng sorry?" Napakunot-noo ito sa kanya. "Sorry na nga, di ba?" Pinigil naman niya ang sarili na mapatawa. "And? Hindi mo ba ipapaliwanag kung sino ang mga lalaking iyon?" "Hindi ko alam. Wala talaga akong ideya kung sino sila. I'm sorry if you find me unpleasant or ungrateful, hindi ko lang talaga alam ang mga nangyayari." Hindi man niya inasahan ang mga nangyari sa kanila kanina, but he liked it. "Fair enough." "Maghuhugas muna ako ng kamay." "Naroon ang sink." turo niya. She rolled her eyes at him. "Alam ko." ----- Kasalukuyang naghuhugas ng mga kamay si Pia nang biglang may tumutok na matulis na patalim sa leeg niya. "Wag kang gumawa ng ingay." sabi ng lalaking may hawak ng patalim. Anong hindi? No way! Kaya ubod-lakas siyang sumigaw na nagpataranta sa lalaki at mas lalong idiniin pa nito ang patalim sa kanyang leeg. Napapitlag nalang siya sa sakit at tila may likidong umaagos sa leeg niya. Ilang segundo lang ay naroon kaagad si Hecthor at nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Pare, huminahon ka." pangungumbinsi pa ni Hecthor. "Wag kang lalapit kundi papatayin ko ang babaeng ito." Nanindig tuloy ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa sinabi ng lalaki. Halos hindi na talaga siya makahinga sa kaba. Gusto niyang sikohin ang lalaki upang makawala siya, pero pano kung mas mabilis ang mga galaw nito kumpara sa kanya at maunahan siyang gripohan sa leeg? Subalit sa nakikita niyang mga titig ni Hecthor parang nagpapahiwatig ito na maghuhunosdili siya. "Pare, pakiusap wag mo siyang sasaktan." pangungumbinsi pa rin nito. Idiniin na naman ng lalaki ang patalim sa kanyang leeg. "Nasaan yon?" Nakita niyang nalilito si Hecthor sa tanong ng lalaki, pero agad rin itong nakabawi. "Sabihin mo sakin kung anong kailangan mo. Baka may maitutulong ako sayo." She knew Hecthor had a gun behind his back. Ito kasi ang klase ng lalaki na nakahanda sa anumang oras na pag ataki. Parang boy scout lang ang peg na laging handa. Pero sana totoo nga ang iniisip niya. "Ibigay mo yon sakin." Inilipat naman ng lalaki ang pagtutok sa patalim sa kanyang mukha. "Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Hecthor sa lalaki. "Wag ka ng mag maang-maangan pa." sagot ng lalaki saka inilipat muli nito ang patalim sa kanyang leeg. Napatango naman si Hecthor sa lalaki. "Tama ka nga. Nasa akin pala yon. Nandoon sa kotse ko." What? Napatitig siya kay Hecthor, hindi niya alam kung nakikipaglaro lang ba ito sa lalaki, o wala lang talaga itong pakialam sa kanya. Juiceko Lord, maling galaw lang niya ay mabubutas itong leeg niya. Naramdaman nalang din niya na medyo lumuwang na ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya. "Saan yong kotse mo?" "Nasa garahe nitong bahay." Hecthor pressed down with his hand as if trying to calm the situation. "Okay, sasamahan kita at--" "Wag na! Diyan ka lang." The attacker shifted positions. "At wag na wag kang gagalaw kundi tutuloyan ko talaga ang babaeng ito." Napataas ang isang kilay ni Hecthor pero nanatili pa rin itong tahimik. Para naman itong walang narinig dahil palihim itong humahakbang ng konti. Samantalang kinaladkad siya ng lalaki patungo sa bintana, nakatayo kasi sa may pintuan si Hecthor kaya sigurado siyang sa bintana ito dadaan. Wala siyang ideya kung ano man ang plano ni Hecthor. Dahil kung may plano nga itong iligtas siya, dapat kanina pa nito ginawa. "May dalawang minuto ka pa." "Para saan?" Naka kunot-noong tanong ni Hecthor. "Nagbago na ang isip ko, sa halip kasi na ako ang kumuha. Bakit hindi nalang ikaw? Kaya dito lang ako maghihintay kasama ng gilfren mo." Napapailing naman si Hecthor. "Hindi ko siya iiwanan sayo." Sa unang pagkakataon nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Hecthor. At least may konti naman pala itong malasakit sa kanya. "Kukunin mo ba yon? o buhay ng gilfren mo?" mabagsik na saad ng lalaki. Akmang sasaksakin na sana siya nito sa tiyan nang magsalita si Hecthor. "Wag! May ibang paraan pa naman." ani Hecthor. "Sige na, kunin mo na bago pa ako mainip. Ako na ang bahala sa gilfren mo. Ang sarap pa naman nitong papakin." anang lalaki at nilipat na naman nito ang patalim sa kanyang dibdib. Talagang nanigas siya sa saad ng lalaki, dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nito sa oras na iiwan siya ni Hecthor kasama ang kurimaw na ito. "Hecthor, please do something." Lumuwang na naman ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki. "Akala ko ba ikaw si Bob." "Ako nga." pag amin pa ni Hecthor. "Palayaw ko lang ang tinawag niya." "Kunin mo na yon, bilis! Dahil papakin ko talaga itong gilfren mo pag makaalis ka na." iritadong saad ng lalaki, ngunit hininaan nito ang huling sinabi upang hindi iyon marinig ni Hecthor. Bile rushed up her throat. Halos ilang beses din siyang napapalunok. The knife was too close and letting this guy know he scared her would only bring him pleasure. Humakbang naman si Hecthor papalapit sa lalaki. "Kung gusto mo yong makuha, tayong dalawa ang lalabas." "Wag mo ngang bilugin ang ulo ko. Dahil kapag ako naiinip. Hmmm..." anang lalaki at inamoy-amoy siya sa leeg. "Isasama ko itong gilfren mo." hinaplos-haplos naman nito ang kanyang pisngi. "Wag mo siyang hawakan." "Hahawakan ko siya hangga't gusto ko. Kaya kung ako sayo, kumilos ka na." "Okay, sige." Hecthor looked at her then. Sumenyas ang mga mata nito na kailangang kumilos din siya at ito na ang bahala. Pinalakbay na ng tarantadong lalaki ang mga daliri nito sa katawan niya. Oh no! Di ka tanggap-tanggap ito. Saka nakita nalang niya si Hecthor na nagbibilang ng daliri. Isa. Dalawa. Tatlo. Okay Pia, push. Pagkabilang ng tatlo sabay naman niya na itinulak ng malakas ang lalaki. Na out balance ito dahil hindi nito inasahan ang ginawa niya. "Lintek. Ahhh..." sigaw nito pero agad ding napalitan ng pagpiyok ang sigaw nito. Nakita niya kasing sumugod dito si Hecthor at binali nito ang leeg ng lalaki hanggang sa malagutan ito ng hininga. The whole scene took only seconds, but she watched it in slow motion. Panandalian siyang nanigas sa kanyang kinatayuan. Hanggang sa namalayan niyang nasa tabi na pala niya si Hecthor. "Pia?" At tuloyan na nga siyang napapahikbi. Dali-dali naman siyang niyakap ni Hecthor. "It's okay. Aalis na tayo rito." "Sino ba ang lalaking iyon?" she mumbled the question in Hecthor's shirt. "Hindi ko rin alam. Basta ang importante ligtas ka na." Oo, naligtas nga siya ng dahil kay Hecthor, kaya utang niya sa lalaki ang pangalawang buhay niya. Pero ang hirap lang isipin na nakapatay na naman ito ng dahil sa kanya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD