Nagpabalik-balik ng lakad si Pia sa loob ng kwarto ng mga Alcaraz. Kailanman hindi pa siya nagalit gaya nito. Hindi dahil sa iniwan siya ni Hecthor mag-isa sa kama kinaumagahan. Pero ang mag desisyon ito para sa kanya ang talagang ikinagalit niya. He disregard for his own safety. Hindi niya dapat ganon-ganon nalang binangga si Congressman Walter. Dahil hindi nila alam kung anong kayang gawin sa kanila nong tao lalo na't mas makapangyarihan ito. Tumigil na siya sa ginawang pabalik-balik ng lakad saka hinarap si Hecthor. "Ginawa mo lang target ang sarili mo." Ngunit hindi man lang natinag ang binata sa sinabi niya. He acted as if it was perfectly normal to walk into a congressional office and issue threats. "Binabalaan ko lang siya." "That's your excuse?" "Yan ang katotohanan." "Pwede

