Napako si Pia sa kinaupoan niya, gulat at nagtatakang nakatitig sa lalaking may hawak ng baril.
"Akala mo ba mapapaniwala mo ako agad sa mga sinasabi mo." sabi ng misteryosong lalaki.
Hindi naman niya masisisi ang lalaki kung hindi man siya pinaniniwalaan nito. Mahirap kasi maniwala lalo na't bigla-bigla nalang siyang sumulpot sa pribado nitong lugar.
Ngayon nga eh, halos ilang beses siyang napapalunok sa mapanuring titig sa kanya ng lalaki. Hindi naman sa nakakatakot ang itsura nito, in fact malakas ang appeal nito, matipuno ang pangangatawan na mahahalata mo sa suot nitong V-neck shirt, at ito rin yong built ng katawan na kagaya ng mga bodyguard ng kanyang boss. Pero hindi ito mukhang goon na kagaya ng mga tauhan ng huli, malakas kasi ang vibes niya na hindi ito masamang tao.
Sa mga oras ding yon mas kahina-hinala pa siyang tingnan kaysa lalaki. "Pinaghahabol niya ako."
"Sino?"
Nagpabalik-balik naman sa kanyang isip ang nangyari sa kanya kanina lang. "Mukhang papatayin niya ako."
"Eh sino ba yang tinutukoy mo?" untag sa kanya ng misteryosong lalaki.
"Anong pangalan mo?" balik niyang tanong sa lalaki.
"Hecthor Dela Vega." Buti naman at hindi na ito ng usisa pa sa tanong nito kanina.
Pero infairness, mukhang harmless ang buong pangalan nito. Ang pangalang Hector kasi ay ang paborito niyang hero sa greek mythology, idagdag pa na ang paborito niyang fictional character ay si Thor sa Avenger. Oh di ba, pang savior ang name?
"Ngayon," panimula nito. "Hindi muna natin pag-usapan yang taong binabanggit mo--"
Pinutol niya ang sasabihin pa sana nito at sa halip ay nagtanong siya. "Dito ka talaga nakatira?"
Malakas itong napabuntong-hininga na parang nawawalan ng pasensya dahil sa nahalata siguro nito na kanina pa siya nambabara sa sasabihin nito. "Hindi ako ang isyu dito Miss, kundi ikaw."
"Kailangan kong tumawag ng pulis."
"Sabihin mo nga sakin kung sino yong nabundol mo. Ibigay mo sakin ang pangalan niya."
Sabihin man niya o hindi, malalaman pa rin ng madlang people ang sinapit ng kanyang boss sa pamamagitan ng balita sa radyo at telebisyon.
"Bryan Walter." sabi niya
Napamulagat ang lalaki. "As in si Congressman Walter?"
Napatango siya.
Matamang tinitigan siya ulit ng lalaki. "Ba't hindi kita kilala?"
Haller? Pareho kaya tayo na hindi natin kilala ang isa't isa. "Hindi nga tayo magkakilala."
"Kilala ko kasi si Congressman Walter."
Imposible. Pero parang pamilyar nga sa kanya ang lalaki. Parang siya yong crush na crush sa mga kasamahan niyang dalaga don sa congressional office. Deskripsyon pa sa kasamahan niyang si Helga na THD raw ito. As in Tall, Hunk, and Devastating.
"Isa ako sa legislative assistant ni Congressman." pakilala niya.
"Talaga?"
Ano bang alam ng lalaking ito sa boss niya? "Dalawang buwan palang kasi akong nagtatrabaho doon."
"At sa tingin mo napatay mo si Congressman?" anito na may diin.
"Nabundol ko nga siya."
"Yang sasakyan mo ba ang nakabundol sa kanya?"
"Oo."
"So nasa malapitan mo lang nabundol si Congressman?"
"Oo."
Hecthor blew out a long breath.
"Nawalan kasi ng preno ang kotse ko kaya aksidente ko siyang nabundol." alibi niya.
Sumilay naman sa mga labi ng lalaki ang isang ngiti. "Ang mungkahi ko sayo, ibahin mo ang iyong statement kapag magpapablotter ka sa police."
Police. Trials. Press. Naku po! Nagsimula na siyang pangilabotan. "Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari."
"Ako rin." tugon pa nito.
Pero sa nakikita niyang reaksyon ng lalaki, kalmado lang naman ito sa mga nalaman niya. Maybe he was just the reclusive type.
Naalarma nalang siya nang bigla itong tumayo. "Saan ka pupunta?" mausisang tanong niya.
"Hahanapin ko si Congressman Walter."
"Bakit?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Baka sakaling buhay pa siya at nangangailangan ng tulong."
"Wag!" She jumped up and grabbed Hecthor's arm.
"Bakit mo ako pinipigilan, aber?"
"Dahil mapanganib siyang tao." For sure masasalang na siya sa pang-uusisa ng lalaki sa kanya.
However, guilt washed over her every time the image of her boss falling under her car replayed in her mind.
"Kilalang-kilala ko si Congressman Walter, but trust me, hindi ako takot sa kanya."
"Sana tama ang pagkakilala mo sa kanya." komento pa niya.
"I know politicians." sagot naman nito.
She didn't buy that explanation. This was something else. Something deeper and more personal.
"Kung kumpirmado ngang napatay mo yong tao, past tense ang gagamitin natin sa pag report."
"Parang nababaliw na kasi ito." defensive niyang sagot.
"Yan nga ang million dollar na tanong ko sayo." Hinawakan ulit ni Hecthor ang kanyang baril at itinutok sa kanya. "Bakit kayo napadpad dito ni Congressman sa lupain ko?"
Seeing the deadly weapon brought panic rushing back and the searing headache in her head. It screamed along her senses, paralyzing her. "Hindi ko alam."
"Anong hindi mo alam?"
"Hindi ko talaga alam."
Nakita niyang mas hinigpitan pa ng lalaki ang paghawak sa baril nito. "Pia, hindi ako nakipaglaro sayo. I want the truth."
Duda siyang pulis ito. Nahahalata kasi niya sa mga galaw nito at sa klase ng pag interrogate nito sa kanya. She'd dated a cop for two years. Kaya alam na alam niya ang estilo ng mga ito. At isa pa, parang sanay na itong humawak ng baril.
"Si Congressman ang nagdala sakin sa lugar na to. He kept asking me who I was working for. Pinapahabol niya ako kaya napadpad ako dito."
Hecthor held up his free hand. "Akala ko ba sa kanya ka nagtatrabaho."
"Sa kanya nga, at hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sakin kung napatay ko nga siya."
"Think positive lang na buhay pa siya."
"Hindi ko alam kung anong hinahanap ni Congressman sa system. Wala nga akong ideya sa mga pinagsasabi niya sakin."
"System?"
"Nakigamit kasi ako sa personal laptop niya dahil may urgent kaming deadline. At basta nalang ba siyang nagalit sakin nang isauli ko na ito sa kanya."
A strange look flashed on Hecthor's face. But before she could decipher it, the expression disappeared.
"May binago ka ba sa laptop niya?" tanong nito.
"Wala."
"Ngayon, balik tayo sa unang tanong ko. Pano ka napadpad dito sa property ko?"
Natahimik siya bigla.
"See? Hindi mo nga diretsong masagot ang tanong ko dahil nag-iisip ka pa ng alibi mo."
"I'm telling the truth, and nothing but the truth." matatag niyang saad dito.
"Halika dito tayo sa labas." ika nito sabay hila sa kanya.
"Ayoko! Bitiwan mo nga ako." pagpupumiglas pa niya. "Saan mo ba ako dadalhin ha?"
"Sa pulis."
"Pwede bang wag muna tayong tatawag ng pulis hangga't hindi pa tayo sigurado." nagbago kasi ang isip niya tugkol sa pagtawag ng pulis.
Napahinto naman ito sa paglalakad at hinarap siya. "Pano nga kung namatay ito dito mismo sa teritoryo ko. Pano nalang kung ako ang mapagbentangan? Hindi mo ba naisip yon ha, Miss?" anito at napansin niyang napatitig ito sa may kalakihan niyang dibdib.
Hindi niya sinagot ang tanong nito at sa halip ay nagtanong siya pabalik sa lalaki. "Are you done?"
Nalito naman ang lalaki sa naging tanong niya. "With what?"
"Never mind."
"Okay. You stay here."
"Saan dito?" maang-maangan niyang sagot.
Tinapik naman nito ang hood ng kanyang kotse. "Saan ko ba pwedeng makita si Congressman?"
"Nasa gitna siya nitong kakahoyan mo."
"Hindi naman sakin ang lahat ng lupain dito."
"Akala ko ba sakop mo ang buong lupain dito, hambog ka kasi." aniya rito pero hininaan niya ang huling sinabi.
Napangisi lang ang loko sa kanya, yong ngising parang aso. "I'll be right back."
Yay! Tsansa na niyang makatakas sa lalaki pag maiiwan siya dito.
Ngunit hindi paman ito nakakalayo ay napabalik agad ito. "Kalimutan mo na ang sinabi ko. Mas pakikinggan ko ngayon ang instinct ko. Halika sumama ka sakin."
Uh-oh. "Bakit nagbago yata ang isip mo?"
"Dahil wala akong tiwala sayo." mabilis nitong sagot.
Pak Ganern! Hindi nga ba talaga mapagkatiwalaan ang beauty niya? "Ikaw nga itong may dalang baril na hindi dapat pagkatiwalaan eh."
"Walang kang choice. Nasa teritoryo kita."
*****