Masakit na ang ulo ni Pia at masakit na rin pati yata ang tenga niya dahil sa pagbabangayan ng magkaibigan. Hindi kasi makakatulong kung pareho nalang silang magsisihan. Dahil ang plano wala dapat sanang masasaktan sa ginawa nilang operasyon. Alam naman niya ang totoo eh. Siya ang nananakit kay Daniel pero ang binuntonan ng galit ni Hecthor ay si Andress, dahil hindi raw nito nakita ang lalaki at sumenyas na ito na clear na raw ang area. Kinampihan naman ni Vin si Andress kaya lalo tuloy lumaki ang pagtatalo nila. Natigil lang ang bangayan ng tatlo nang mag walk-out si Hecthor. Umakyat na pala ito sa kwarto nila at padabog na isinara ang pinto. This was the second time he came into the room intending to sleep with her. Yong unang gabi na magkatabi sila sa pagtulog ay yon yong gabi n

