Bryan Walter sat at the massive cherry desk in his office the next morning. Sa labas ng kanyang opisina ay abala naman ang kanyang mga staff sa pagsagot sa mga tawag at e-mails. Talagang pinangarap niya ang pwesto kung nasaan siya ngayon. Not only that, he held the power. Kaya hinding-hindi siya makakapayag na masisira lang ang reputasyon niya. Hinawakan niya ang namamagang balikat. Nang dahil sa putang inang babaeng yon kaya siya nagka injury ngayon. Mas masakit pa nga ang balikat niya kaysa nabali niyang tadyang. Kung sumagot lang sana ito na nagtatrabaho din ito sa oposisyon ay hindi sana ito ang nangyari. Paborito pa naman niya ito na empleyado. Pero hindi na ngayon. Unang hakbang niya sa kanyang mga plano, sirain ang binuong grupo ni Bob Laurel. Pangalawa, sisiguradohin niyang tul

