Hi! I’m Rye Sobrepeña. I’m taking an architectural course. Nalulungkot man akong sabihin pero… baka di ko na magagawa pang maging architect. My parents are both architect, well my whole clan is. But sad to say, maybe bukas, sa makalawa, sa isang linggo, o sa susunod na buwan ay wala na ko. Gustuhin ko mang sundan ang mga yapak ng aking pamilya, baka hindi ko na magawa. I also have a beautiful and a loving girlfriend. Hindi ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin ang tungkol sa sakit ko. Natatakot akong iwan ang mga taong nagmamahal saakin. Natatakot akong isang araw, makatulog ako ng panghabambuhay at kalimutan na nila ako. Natatakot akong saktan ang mga taong nagmamahal saakin pag sinabi ko na ang totoo. Kung sana marami pa kong natitirang oras dito sa mundo. Nang sinabi sa akin ni Ms. Taverna na hindi na ako magtatagal pa, nayanig ang buong buhay ko. Sabi ko sa sarili ko, ‘Gusto ko pang magka-anak, bumuo ng sariling pamilya at matupad ang mga pangarap ko sa buhay’ pero… paano ko pa matutupad lahat ng mga ‘yan kung onti nalang ang time na natitira?
I closed my journal when I heard the beeping sound of my phone. May nag text, siguro si Farah—girlfriend ko. Itinago ko muna sa drawer ng study table ko ang journal at pinatay ang lampshade bago humiga sa kama at tingnan ang text message ng girlfriend ko. It’s 9:30 PM on the evening, ambilis ng oras parang kanina lang nasa hospital ako para sa daily check up.
From: My Love [Farah]
Love can I go to Gianna’s place? May sleepover kasi kaming apat na magkakaibigan e
To: My Love
Sure love, just be careful. Huwag kayong magpupuyat and don’t forget to text or call me if you’re okay or if you need anything.
From: My Love [Farah]
Thank you love! Goodnight! I love u!
To: My Love
No prob. Goodnight, I love u too. Take care!
With that, ibinalik ko na sa side table yung cellphone ko katabi ng alarm clock. Sabi kase ni mom, hindi daw magandang itinatabi sa ulo ang cellphone. Nahiga na ako at ipinikit ang aking mga mata at nagsimulang manalangin. As my mother was always saying, ‘Always pray for that will become your strength to live and go on throughout the day’
My Mom is pertaining to Jesus. He’s our saviour e.
Nang makatapos sa panalangin tuluyan na akong hinila ng antok.
//alarm clock ringing//
Naingayan ako sa tunog ng alarm clock kaya pinatay ko. Inaantok pa ako e, masyadong istorbo. Natigilan ako saglit at napabangon kaagad.
“Thank you Lord!” sigaw ko. Why? This day is a great day. Akala ko hindi na ko magigising pa but see? Here I am, standing and shouting like a mad man. I’m very thankful dahil hindi pa ko ngayon binawian ng buhay.
Habang nagtatatalon ako dito sa tuwa, narinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto.
“Anak ayos ka lang ba? Parang narinig kitang humiyaw kanina anong problema?” Nag aalalang tanong ni mom. Si mom lang pala.
I opened the door and embraced mom. Halatang nagulat si mom sa inasta ko pero napayakap nalang din siya sa akin.
“What’s the problem sweetheart?” tanong ni mom.
“Nothing mom, it’s just… I’m thankful to God for this another day. I just feel blessed.”
“Aw, I know right. I’m also very thankful ‘cause God is good all the time.” Mom replies.
“Yea.” I added.
“Go fix yourself and let’s eat. Maghahanda lang ako ng mga plato sa baba para makakain na tayo”
“Got it!” masigla kong sagot.
“Oh! And don’t forget to wake your sister up!” pahabol ni mom na nagsimula nang bumaba ng hagdan.
“Ow-key!” I replied in energetic way.
Yes. I have a sister—an older sister to be exact. Kaso kung umasta parang siya pa yung nakababata kong kapatid. She’s annoying and extremely childish. However pag seryoso ang usapan nagiging matanda ‘yan.
I knocked at my ate’s door before opening it. Andddd there! She’s lying on her bed like a lazy a*s. g**o-g**o yung buhok na akala mo sinabunutan ng sampung unggoy, tas tulo laway pa! (Hindi ko ate yan, sheesh. Just kidding.)
Lumapit ako sa higaan saka hinila yung kumot niya. Kapag kase kinukuhanan siya ng unan or kumot pag tulog, mabubwisit ‘yan.
Naramdaman ni ate na may humihila sa kumot niya kaya kahit nakapikit ay nakihila din siya! Aba’t!
Hinila ko ng malakas yung kumot at bumagsak sa sahig ang katawan ni ate, sa lakas ng kalabog ay halatang masakit ang pagkakabagsak niya. Patay neto, 1 2 3, takbo!
Bago pa makapag-react si ate ay tumakbo na ako pababa papunta sa dining room. Pero bago pa man ako makalabas ng kwarto ay rinig ko na ang nakakarinding sigaw ni ate, “Rye Kimdy Sobrepeñaaaaaaa! Do you wish to die?! Humanda ka saken mamaya! Wag na wag mong ipapakita saken ‘yang panget mong pagmumukhaaaaaa!”
Nang makarating ako sa dining room ay hindi pa din ako matigil sa kakatawa. Pero naisip ko na, hindi din magtatagal hindi na ako makakatawa pa. Hindi ko na din mabubwisit ng sobra si ate.
Mami-miss kong bwisitin si ate Ryannah.
Naglalapag ng mga pagkain si Mom at Dad sa mesa habang pinapagalitan ako na binuwisit ko nanaman daw si ate.
“Kahit kailan talaga, hindi mo na tinantanan bwisitin yung ate mo.” sabi ni dad.
Tumawa na lamang ako bilang sagot saka tumulong maghain. Saktong pagtapos maghain ay ang pagbaba ni ate at ang pagsalubong ng nanlilisik nitong mga mata. Akma akong tatakbo incase na bigla na lang tumakbo si ate at bugbugin ako, pero huli na ang lahat dahil nahablot niya na yung laylayan ng t-shirt ko saka ako binanatan ng pingot sa tenga.
“Ouch! It hurts!” I hissed.
“Ay wow! Ikaw pa may ganang magreklamong masakit pagkatapos mo akong ihulog sa kama!” pagrereklamo nito.
“Rye! Bat mo naman ginawa sa ate mo ‘yon? Babae ‘yan kaya dapat inaalagaan mo ate mo.” Singit ni dad.
“Dad, mukha bang babae ‘yan? Eh tingnan mo nga kug kumilos mukhang sanggano! HAHAHA” biro ko. Mas lalo namang hinigpitan ni ate yung hawak sa tenga ko kaya na pa sigaw ako sa aray.
“Oh, oh, oh! Tama na ‘yan! Sit down and let’s eat! May mga pasok pa kayo!” pagbabawal ni mom.
“Mom, don’t you remember? Wala kaming pasok, it’s our vacation!” sagot ni ate.
“Ay! Oo nga pala. Sorry, my bad. I have a poor memory sorry sorry.”
“Before we start eating, lead the prayer Ryannah” utos ni Dad.
“Okay, let’s pray. Our Father in Heaven, thank you for your provisions. Thank you for having our mother who cooked the food and especially our father who worked hard to earn what we have right now. Please bless our food so that we have the strength to be productive for the whole day. In Jesus name I pray, Amen!”
Habang kumakain, naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko, parang pinipiga ang utak ko sa sakit kaya napatigil ako sa pagkain at napahawak sa ulo ko. Napansin nina mom ang ginawa ko kaya tinatanong kung anong nanyayari saakin.
“What’s wrong son?”
“Nothing mom, just a simple headache.” I answered.
“Ay nako, nilalagnat ka ba? May sipon ka ba? Uminom ka ng gamot pagkatapos kumain.” Nag aalalang sambit ni mom.
“Nothing to worry mom, kaka cellphone ko lang ‘to Hahaha.” Pagbibiro ko.
To Be Continued…