Note: Paalala lang po, hindi ako perpekto sa mga Architect or Engineer etc. Kung may readers pong mga Arki at Eng. na may nahanap na mali sa isinulat ko ay pasensya na'po.❤️❤️❤️❤️ Second day of OJT Maaga akong nakatulog pagdating ko sa mansyon kagabi dahil na rin siguro sa pagod buong maghapon na pabalik-balik sa pag-akyat baba sa firm. Hindi naman ako pwede umangal dahil parte iyon ng OJT. Mabuti din ay hindi ko na nakita pang muli si Odette at naging matiwasay ang buong araw ko kahit na sobrang nakakapagod. Bitbit ang tote bag ko at bumaba ako sa hagdan at nakita si Ate at Meeri sa sala na parehong nakaupo, pero si Meeri ay naka tulala lang habang si Ate ay as usual nakatutok na naman a dyaryo. Namana yata niya kay Lola ang pagbabasa ng dyaryo. “Morning,” pagbati ko sa dalawa. Aga

