Prologue

1682 Words
Nagising si Kiyoshi sa tunog ng kanyang telepono. Sinagot agad niya ang tumatawag. “Hello, son.” Ang kanyang ama, si Behrem, ang tumatawag. “Hi, Dad,” sagot ng binata sa paos na boses dahil kagigising lang nito. “Sorry to bother you, but I have a task for you, son.” Bumangon agad si Kiyoshi nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. “What is it, Dad?” “Find Brandon’s daughter and take her with you. Binilin siya sa akin ni Brandon.” Brandon and Behrem are closest friends. Kiyoshi knows who he is, but he has never seen his daughter before. “And her name?” “Blisseanne. That’s her name.” “Blisseanne…” sambit ni Kiyoshi nang marinig ang pangalan ng babae. Parang may kung anong pumukaw sa kanyang interes sa pangalan na binanggit ng kanyang ama. “Do you have any photos of her?” “I don’t have any. Hindi ko makita ang picture na binigay sa akin ni Brandon,” sagot ng kanyang ama. Huminga ng malalim si Kiyoshi. “Where can I locate her, Dad?” “I’ll send the address to you. Hindi ko alam kung naroon pa siya, pero subukan mo lang puntahan. She needs our help, son. May nakarating sa aking balita na hindi maganda ang trato sa kanya ng kamag-anak niya. Kaya kailangan nating makuha si Blisseanne. Hindi siya ligtas sa kamay ng mga kamag-anak niya. Mapapanatag lang ako kapag nasa pangangalaga natin si Blisseanne.” Sinuklay ni Kiyoshi ang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Napabuntong-hininga siya. “Okay, Dad. Pupuntahan ko na siya ngayon,” sagot ng binata. Nang sinabi ng ama niya na kailangan ng tulong si Blisseanne, ibig sabihin, kailangan na nitong sagipin sa lalong madaling panahon. “Thanks, son. Let me know when you have her with you.” Napahilot si Kiyoshi sa kanyang sentido. Ayaw niya ng pasanin, lalo na kung wala naman itong kinalaman sa organisasyon, pero kailangan niyang sundin ang kanyang ama dahil minsan lang ito humingi ng tulong sa kanya. Umalis agad si Kiyoshi at pinuntahan ang address na binigay ng kanyang ama. Mahigit isang oras bago narating ng binata ang isang eksklusibong subdivision. Sinabi lang niya na kaibigan siya ni Blisseanne kaya siya nakapasok sa loob ng subdibisyon. Huminto ang sasakyan ni Kiyoshi sa tapat ng malaking gate. Nagsuot muna ang binata ng facemask bago lumabas ng kanyang sasakyan. Pinindot niya ang doorbell. Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang gate at iniluwa ang isang lalaki. “Sino ho sila?” “Nandyan ba si Blisseanne?” tanong ni Kiyoshi. Kumunot ang noo ng lalaki. “Ano ho ang kailangan ninyo sa kanya?” Tumiim ang bagang ni Kiyoshi at walang sabi-sabing hinawi niya ang lalaki at pumasok sa loob. “Sir, sino ba kayo? Bawal kayong pumasok.” Pilit siyang pinipigilan ng lalaki, pero tuloy-tuloy lang siya hanggang sa marating ang pinto. He reached for the doorknob and was about to open the door when he heard a scream from inside. Humarang ang lalaki sa pinto. “Sir, baka masisante ako kapag nagpumilit kayong pumasok sa loob,” puno ng pagkabahala na sabi ng lalaki. “Bakit? Inutusan ka ba na ‘wag makialam kahit may hindi na nangyayaring maganda sa loob?” Naging malikot ang mata ng lalaki, kaya kinutuban agad si Kiyoshi. “Is that Blisseanne?” tukoy niya sa sumigaw mula sa loob. “Pakiusap, sir, umalis na kayo. Mapipilitan akong ipakaladkad kayo sa gwardiya kapag nagpumilit kayong pumasok sa loob,” banta nito sa binata. Sa ilalim ng facemask, ngumisi si Kiyoshi. “Try me,” panghahamon ng binata at marahas na hinawi ang lalaki. Binuksan agad ni Kiyoshi ang pinto. Sa eksaktong pagbukas niya ng pinto, may tumama ng matigas na bagay sa kanyang noo. Nasaktan ang binata, pero hindi siya dumaing. Mayamaya, naramdaman niya ang pagdaloy ng likido sa kanyang noo, hanggang sa napunta na ito sa kanyang mata. Pinunasan ni Kiyoshi ang kanyang mata. Tinitigan niya ang dugo nang walang emosyon. The blood on his hands makes him feel nothing. In fact, he likes seeing blood, especially blood from his enemies. “Oh my God, please tell me he’s okay!” Mula sa dugo sa kamay ni Kiyoshi, umangat ang kanyang tingin. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang babaeng naglalakad palapit sa kanyang direksyon. Napaisip siya kung ito ba ang babaeng kanyang hinahanap. “Are you alright?” tanong ng babae. Akma siyang hahawakan nito, ngunit pinigilan niya ito. Tinitigan ni Kiyoshi ang babae. Mayamaya, isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang mga tao sa loob. May dalawang lalaking malaki ang katawan na nakatayo sa gilid ng pintuan. Lumipat ang tingin niya sa isang lalaki na may edad. Parang kaedad lang ito ng kanyang ama. Matapang ang mukha nito. Hanggang sa huminto ang mata ng binata sa isang babae na may hawak na maliit na pigurin. Magulo ang buhok ng babae. Mabilis din ang paghinga nito, na parang galing sa pakikipambuno. He had no clue—this was the woman he was looking for. Tinitigan ni Blisseanne ang lalaki. Bagamat nag-aalala dahil siya ang dahilan kung bakit may dugo ang noo ng lalaki, mas kailangan niyang makagawa ng paraan para takasan ang dalawang lalaking gustong tumangay sa kanya. Muling ibinalik ni Kiyoshi ang tingin sa babaeng nasa kanyang harapan. “Are you Blisseanne?” tanong ni Kiyoshi sa babae. Hindi ito sumagot, pero napansin niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Nagngitngit naman ang kalooban ng babae nang binanggit ng lalaking kaharap niya ang pangalan ng babaeng kinaiinisan niya, ang babaeng kaagaw niya sa lahat ng bagay. Nag-uumpisa na namang lumukob ang galit niya kay Blisseanne. Nang hindi sumagot ang babae, binalik ni Kiyoshi ang tingin sa isang babae. Napaatras ito at binalot ng pagkabahala ang mukha nito, kaya nagkaroon agad ng ideya ang binata na baka ito ang babaeng hinahanap niya. “Why are you looking for her?” tanong ng babaeng kaharap ni Kiyoshi. Sa halip na sagutin ito, hindi pinagtuunan ng pansin ng binata ang babae at lumapit sa kanyang pakay. Hinawakan agad ni Kiyoshi si Blisseanne. “You’re coming with me,” maawtoridad niyang utos sa babae. “What makes you think I’m coming with you?” matigas na tanong ni Blisseanne at piniksi ang kanyang kamay mula sa lalaki. Napatitig si Kiyoshi sa mukha ng dalaga, na para bang pamilyar ang mukha nito. “Because you don’t have a choice,” matigas na tugon ng binata at muling hinawakan si Blisseanne. “Mapagkakatiwalaan ba kita?” Hindi si Blisseanne ang tipo ng babae na mabilis magtiwala sa hindi niya kilala. Pero may bahagi ng pagkatao niya na gustong pagkatiwalaan ang lalaking kaharap niya. “Yes,” sagot ni Kiyoshi, sapat para bigyan ng assurance ang babae na pagkatiwalaan siya. Wala nang nagawa si Blisseanne nang hinila siya ng lalaki. “Tutunganga na lang ba kayo? Ang laki ng mga katawan n’yo, pero wala kayong silbi! Kunin n’yo si Blisseanne!” maawtoridad na utos ng may edad na lalaki sa dalawa nitong tauhan. Mabilis na humarang ang dalawang lalaki sa harapan ni Kiyoshi. Akmang babawiin ng isa si Blisseanne, pero mabilis siyang itinago ng binata sa likuran nito. “Subukan mong kunin siya sa akin, dadanak ang dugo sa bahay na ito,” walang takot na banta ni Kiyoshi. “Boss, kami ang nauna sa kanya,” sabi ng isang lalaki na may hikaw sa kaliwang tainga. “Please, ‘wag mo akong ibigay sa kanila,” pakiusap ni Blisseanne sa lalaking nais siyang tulungan. Mabilis na kumilos si Kiyoshi. Kaagad niyang hinugot ang baril na nakasuksok sa likod ng kanyang baywang at agad na tinutok ito sa dalawang lalaki. Hindi siya nagdalawang-isip na paputukan ang binti ng mga ito. Umalingawngaw ang putok ng baril at hiyaw ng dalawang lalaki sa apat na sulok ng bahay. Mabilis na kumalat ang dugo ng mga ito sa sahig. Sabay namang napatili si Blisseanne at ang isa pang babae nang marinig ang putok ng baril. Humarap si Kiyoshi sa nag-utos sa dalawang lalaki at agad na tinutok dito ang kanyang baril. “One wrong move—I’ll blow your f*****g head off,” he warned. Walang nagawa si Feliciano kundi tumayo at titigan ang kanyang pamangkin habang tangay ito ng lalaking wala siyang pagkakakilanlan. Binalingan ni Blisseanne ang lalaki nang malayo na sila sa bahay ng Tito Feliciano niya. “Thanks for saving me. Pwede mo na akong ibaba.” Hinintay ni Blisseanne na huminto ang sasakyan. Nang hindi ito huminto, muli niyang sinulyapan ang lalaki. “Narinig mo ba ako? Pwede mo na akong ibaba,” ulit ng dalaga. Segundo na ang lumipas, ngunit nanatiling tahimik ang lalaki. Hindi rin ito huminto. Hindi niya alam kung nagbibingi-bingihan lang ba ang lalaki, pero sigurado siyang hindi ito bingi. “Stop the car!” sigaw ni Blisseanna para agawin ang atensyon ng lalaki. “f*****g shut up, will you? Ayoko ng maingay!” “Kung ayaw mo ng maingay, ibaba mo ako!” ganting sagot ng dalaga. “No!” matigas namang tugon ni Kiyoshi. Tiningnan ng masama ni Blisseanne ang lalaki. Mayamaya, biglang may pumasok na ideya sa kanyang isipan. Makalipas ang ilang sandali, malakas na sigaw ng dalaga ang maririnig sa loob ng sasakyan. “What the f**k is wrong with you?” Bakas ang iritable sa boses ng binata. Sigaw lang ang naging tugon ni Blisseanne, kaya walang nagawa si Kiyoshi kundi ihinto ang sasakyan sa gilid ng daan. Matagumpay namang napangiti ang dalaga. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt, pero hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ng lalaki sa kanya. Napasinghap siya nang hilahin siya ng lalaki. Hanggang sa namilog na lang ang mata niya nang mapangahas siyang hinalikan nito na halos ikapugto ng kanyang hininga. Nang pakawalan ng lalaki ang labi niya, halos habulin niya ang kanyang hininga. “Now—keep your mouth shut… unless you want me to give you much more than just a kiss,” he warned. Napangisi si Kiyoshi sa pananahimik ni Blisseanne. Halik lang pala ang solusyon para patahimikin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD