CHAPTER 31 "Ano ka ba bree? Wag kang malikot dahil baka magmuka kang clown. Stop fidgeting and relax." Sabi sa akin ni Kat na katabi ko. Nakaupo sila sa tabi ko pero tapos na silang maayusan. Ako na lang. Parang hirap na hirap na nga sakin ang beautician ko dahil kanina niya pa pinipigilan na lumikot ang ulo ko. Eh sa naiilang ako at saka hindi ako mapakali. Parang gusto kong tumakbo na ewan. Basta ayoko na naka upo lang ako dito sa isang tabi. Obvious na naman siguro kung ano ang nangyayari diba? Its my wedding today. At kanina pa ako inaayusan dito at hindi parin kami matapos tapos. Naka suot narin sakin ang gown. Pati ang veil. Hindi naman ako kinakabahan sa wedding and I'm not having second thoughts, of course not. Hindi lang talaga ako mapakali dahil siguro I'm to

