CHAPTER 15
Nagising ako kinaumagahan ng masilaw ako sa liwanag ng naka bukas na blinds ng tent. Kumilos ako para bumangon pero naramdaman ko na nakapatong sakin ang paa ni Poseidon. As usual...malikot matulog. Umusog ako palayo pero napasinghap na lang ako ng yumakap sakin ang braso niya. I can feel his morning erection.
"Poseidon."
Siniko ko siya ng mahina pero umungol lang siya. Inulit ko ulit pero hindi parin nagising. Mukhang pagod. Sinong hindi mapapagod?Kilala niyo naman tong lalaking to, laging pasikat pagdating sa you-know-what.
Hindi ako naniniwala sa kaniya pagsinasabi niya na siya si Superman dahil ang duwag naman lalo na sa fast rides, remember? Pero pagdating sa you-know-what...Si superman nga siya.
"Poseidon.." siniko ko ulit. Wala paring effect. Inulit ko ulit iyon at siniguro ko ng kahit patay ay babangon sa lakas non.
"Aray!"
O diba? Effective.
"Bree! Bat ka ba naniniko? Ang sakit non ah!"
"Knina pa po kita ginigising, kamahalan. Ang kaso mapipisa mo nako hindi ka parin nagigising." napapitlag ako ng halikan niya ko sa braso. Nilapit niya ang muka niya sa muka ko.
"Sorry, masakit ba? Saan? Ikikiss ko."
"Anong akala mo sakin? Baby?"
"You'll always be my baby, Bree and we linger on can't help this feeling so strong. Ooooo baby you know I cant explain it cause darling you'll always be my baby..yeh!."
Natatawang kumilos ako para bumangot pero niyakap lang niya ako para mapigilan ako sa pagtayo. "San ka pupunta?"
"Magbibihis ako tapos kukunin ko ang susi mo at mag da-drive na akong pauwi. Since ayaw mo pang bumangon."
"Iiwan mo ako dito?"
"Hindi."
"Ayie! labs na labs mo talaga ako, BEBE."
"Oo na."
"Say it."
"Huh?"
"Say it...Say it, out loud."
Napatawa ako sa itsura niya. Seryoso ang pagkakasabi niya pero alam ko kung saan galing yung line nayon. Sa Twilight. Ang movie na pinagkakaguluhan nila Kat at Mishy na paulit-ulit nilang pinapanood. Napanood ko narin yon pero mas gusto ko ang book.
I'm a proud, book nerd.
"Edward ikaw ba yan?"
"Sorry, mas HOT ako don."
"Hot ka diyan."
"Abat! Gusto mo pa ba ng patunay." hinatak niya ako palapit sa kaniya.
Napatili ako ng pinaghahalikan niya ako sa leeg. "Stop! Oo na. Ikaw na ang nag-iisang hot sa mundo!"
Satisfied na nakangiting tinigilan na nga niya ako. Tumayo na ako ng tuluyan at nagbihis. baka hanapin na kami sa BHO. Nakita kong nagbibihis narin si Poseidon.
Pag labas namin wala na ang mga pagkain na nakakalat kagabi.
"Posedon..."
"Hmm?"
"Sa tingin mo narinig nila tayo ng nilinis nila ang mga pagkain?"
Lumingon siya sakin. Tapos kiniliti niya ako sa bewang. "Stop! Ang kulit mo talaga!"
"Ang cute cute mo kasi. Especially when you're blushing like that."
"Nakakahiya kaya. What if narinig nila tayo?"
"Hayaan mo sila. Nainggit lang ang mga yon." I rolled my eyes at him. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na papunta sa lobby par amag check out.
Naabutan pa namin doon ang receptionist na nag papacute na naman sa isang costumer na lalake na may kasama na babae na mukhang asawa ng lalake.
Lumapit kami ni Poseidon sa kanila.
"Miss?"-Poseidon
Hindi niya pinansin si Poseidon dahil mukhang may bago siyang prospect. Sa pagkabigla namin ay bigla na lang hinampas ng babaeng kasama ng lalake ang counter upang maagaw ang atensyon ng baba.
"Excuse me. Hi din sayo since parang hindi mo ko nakita. Pakikuha na ang gamit namin na hinatid dito ng isang araw. We need that delivery. DELIVERY. Baka hindi mo pa naintindihan niyan ah."
Wow. Halos magkahawig ang sinabi niya sa sinabi ko kahapon. Nilingon ko ang hitad na receptionist at nakita kong umirap siya bago umalis para kunin ang pinapakuha sa kaniya.
"Densiy."
"Don't start with me, Nrel. Nakita mo namang nag papacute sayo ang babaeng yon eh!"
"Sus, selos ka naman? Alam mo namang ikaw lang ang love ko eh. May baby J.A. na tayo ang selosa mo parin."
"Ah basta! Sasalvagine ko yang receptionist na yan kapag hindi ka niya tinigilan."
Natawa lang ang lalaki na mukhang asawa nga ng babaeng nagngangalang Densiy. Pag lingon ko sa kabila nakita kong namumutla ang receptionist. Mukhang narinig niya yung sinabi ni densiy.
"Excuse me."
"Yes, sir?"
Nakangiti na siya ngayon ng matamis kay Poseidon. Spell balimbing? Pustahan lalabas ang spelling ng pangalan ng babaeng ito.
"Mag che-check out na kami, here."
Inabot ni Poseidon ang pera sa receptionist. Ilang saglit lang binigay na ng receptionist ang receipt kay Poseidon. Nang matapos kami lumabas na kami ni Poseidon.
Nang nasa sasakyan na kami ay dumukwang si Poseidon sa akin. Pigil hiningang tinignan ko lang siya. Kumindat siya at nginitian ako. Halatang nanunukso ang hudyo.
"Seatbelt first."
"Ammm."
Pinisil niya ang pisngi ko. "Ang cute cute mo talaga Bree."
"Ewan."
Natatawang pinaandar niya na ang sasakyan. Nilingon ko ang 'The Camp'. I like th place though I hate their receptionist. Basta love ko ang lugar nayon..
It's so...
Magical