CHAPTER 25 It's 10 pm. Madali lang naman matapos yung pagbutas, kaunti na nga lang ay matatapos na’to. Kung may sapat na sampung minuto lang ako dito ay baka natapos ko ‘to kaagad. Ang kaso, hindi pwede dahil baka makahalata yung nagbabantay sa camera recorder. Pinag usapan na din namin ni Poseidon ang gagawin namin. Gumawa siya kanina ng sketch. "Book, can you maximize the power of the Pierce?" Sinabi ko. "I can’t. Baka matamaan yung cable." Napabuntong hininga na lamang ako at naisip, Di bale, matatapos na rin naman ‘to. Napatingin ako sa orasan ko ng nakita kong lumipas na ang ilang segundo. Lumabas na ako at sinimulang tulungan si Poseidon. Tahimik kaming gumawa. Pag katapos ng 20 minutos ay si Poseidon naman ang pumasok sa kwarto. Baka kasi makahalata din yung mga nagbabantay

