CHAPTER 3
Nandito ako sa headquarters ng BHO. Abala ako sa mga gawain ngunit hindi ko parin makalimutan ang nangyari last month sa park. Yes, last month.
Hindi na kami nag-uusap masyado ni Poseidon. I made it sure na hindi na muna kami mag-usap Nawindang kasi ata ang buong sistema ko sa halik na iyon. And besides, busy din naman siya.
Pareho kaming busy. Buti na lang umuwi si Kuya Brandon. Naka tira kasi sila sa US at sinama nila si sophie at warren para ipasyal sa Disney Land. Apat na araw na sila ngayon doon. Blessing in disguise narin dahil wala talaga kaming oras para asikasuhin ang mga bata.
Sa daming mission na meron ang BHO ngayon syempre rumami ang casualties. Hindi naman kasi maiiwasan na walang masaktan. Siguro sa dalawang mission may apat na nasusugatan. Stitches lang naman ang kalimitang kailangan.
Magagaling din ang mga agents at halatang mga professional kaya maliliit lang ang mdalas nilang makuhang wound. Sa ngayon wala pa akong pasyente dahil busy sa mga mission ang iba.
Napatingin ako sa pinto ng bigla na lamang gumalabog iyon. Bumukas iyon at pumasok ang humahangos na si PJ na buhat-buhat ang namumutlang asawa na si Kat. Halata din na nahihiya si Kat base narin sa ekspresyon ng mukha niya.
"Doctora!"
"Anong nangyari sa kaniya?"
Hiniga ni PJ si Kat sa gurney ngunit pilit itong tumatayo. Hinawakan siya ni PJ upang hindi siya makaalis.
"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Kakagatin ko yang kamay mo!"
"Mahiga ka lang, gagamutin ka ni doctora."
"Kaya ko na at kaya akong gamutin ni Doctora kahit na na kaupo ako.. Nahihilo ako kapag ganto kababa ang unan."
Napapailing na lang ako ng wala ng nagawa si PJ ng tuluyang umupo si Kat. Saksi ako sa mga asaran ng dalawang to dati. Mula ata ng dumating ako dito wala ng ginawa kundi mag-talo ang dalawang ito. Mukhang nadala na nila iyon kahit na ngayong amg asawa na sila.
"What happened?"
"Kasi doctora nagkamali ng hawak si Kat sa mga kutsilyo sa lab namin. Napadiin siya kaya nahiwa ang palad niya. Hindi ba siya matetetano? Baka magka infection siya? Mauubusan ba siya ng dugo?"
"Mababaw lang tong sugat hindi niya kailangan ng stitches. Wala bang kalawang yung kutsilyo?"
"Wala po..bago po yun eh."sagot ni Kat
"Kailangan lang nating linisin ang sugat mo para hindi mainfect. Other than that, wala namang magiging problema.
Nang matapos ako ay nagpaalam na sila habang nagtatalo parin. Lumapit ako sa maliit na refrigerator sa isang tabi at kumuha ako ng banana flavored popsicle. Wala namang tao kaya magrerelax muna ako.
"Mukang masarap yan ah."
Napalingon ako sa nagsalita. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita kong prenteng nakatayo si Poseidon sa may pinto. May sa pusa talaga ang lalaking ito. Hindi ko man lang napansin na nandito na siya.
hmm...
"Masarap nga."-me
"Pahinge."
Para wala ng mahabang usapan, inumang ko na lang sa bibig niya ang popsicle. Akala ko sa gilid siya kakagat pero sa mismong kinagatan ko siya kumagat. I-it's like an...indirect kiss.
Breeyhana! Ikaw ha? Gumagarutay ka na naman!
Kinuha ko na ulit ang popsicle at kumagat ng kumagat. Ouchie! Napahawak ako sa pisngi ko ng sumigid ang kirot roon.
"Bree? Bakit? Anong masakit?"
Hinawakan niya ang pisngi ko..
"Wala."
"Ayan oh, nasasaktan ka. Ikaw naman kasi, dahan-dahan lang ng kain."
"Oo na."
Nagulat ako ng bigla niya na lang akong hilahin. Umupo siya sa table sa tabi niya at hinila ako palapit sa kaniya. Nakulong ako sa pagitan ng mga hita niya. Masuyong hinaplos niya ang pisngi ko.
"Masakit pa?"
"N-no...not anymore."
"Good."
Niyakap na niya ako ng tuluyan. Sinubukan kong kumawala pero hindi niya ako hinayaan.
"Let me go-"
"Let me hold you like this for awhile."
"A-Ano ka ba? Mamaya may makakita satin." Pilit na tinutulak ko parin siya pero lalo lamang humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"I miss you, bree....I miss you so damn much."
Tumawa ako ng mahina. Para maalis ang nerbyos ko.
"Ano ka ba Enrique Marshall? Lagi lang tayong nagkikita dito."
"Nakikita nga kita, nakakausap minsan pero parang ang layo mo parin. I know you need space. At alam kong mabuti iyon para satin, para pareho tayong makapag isip but what the hell are we really waiting for? Alam naman natin sa sarili natin na mahal natin ang isat-isa. Bakit nagpapakahirap pa tayo?"
"Napag-usapan na natin to.. Iba noon iba ngayon Poseidon. May anak na tayo. Dati madalas din tayong mag-away, nag cool off tayo several times. Hindi na pwede yon ngayon. I just dont want....I just dont want to get hurt again."
He burried his face on my neck. Tumingin ako sa ceiling upang mapigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata ko.
"You know I never intended to hurt you.. Ginawa ko lang iyon para hindi kayo madamay ni Warren. Babalikan ko naman talaga kayo. I never wanted to leave...b-but you know I have to. Bree, I cant erase the past. I can't change it, but if I really need to do that again so you'll be safe., then I will do it without a second thought."
The pain in his voice...It's breaking my heart. I can feel his pain. I can feel it because that is the way I was linked to him.
"All I want is you to promise me that you won't leave me again, even if it means putting Warren and me in danger. I will never let anyone harm our son and I know hindi mo rin gugustuhin yon. Bakit naman sila mishy? Bakit sila nagawa nila yon? Yes, you can't change the past but you can include me to your future too."
"Paano kung mapapahamak kayo dahil sakin? Hindi ko kakayanin pag may mangyaring masama sa inyo-"
"Bumpy roads or not, kung magkasama tayo, sa tingin mo ba hindi natin kakayanin iyon?"
"Bree-"
"Thats why gusto ko ng space. We need to make everything right. Kung susuong tayo sa isang realasyon ulit, I dont think kakayanin ko pa kung hindi na naman mag end up ng maganda lalo na at nandyan si Warren. Gusto ko ng space para mas maintindihan natin ang isat'-isa, dahil ayokong makita tayo ni Warren na magkasama na parang..."
"What?"
"I just don't want to give him false hope that he will have a real family."
I saw pain flash in Poseidon's eyes. Alam ko nasaktan siya sa sinabi ko. Cause that's the thing that he can give us but he nerver did.
A family.
A real one.
"I'm sorry. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Hindi ko sasabihin kahit kanino ang tungkol sa nakaraan natin but I don't think I can give you the space you want."
"But-"
"Hahayaan kitang pag-isipan ang relasyon natin, pero hindi mo ako masisisi kung lalapit man ako sayo. Matagal ka ng nawala sakin. Hindi ko makakayang lumayo ngayong abot kamay lamang kita."
Hindi ko na nagawang sumagot ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon ng makita kong tumatawag ang kapatid ko.
"Kuya? Kamusta ang Disney Land? Nag enjoy ba ang mga bata?-"
"Bree.."
May kung anong kaba ang bumundol sa dibdib ko ng marinig ko ang boses ng kapatid ko.. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Poseidon. He mouthed a question but I didn't answer it.
"What is it kuya? Anong nangyari?"
"Bree...I'm so sorry."
"K-Kuya, please. Just tell me. What happened? Nasaan si Warren?"
"Nakidnap si Warren, Bree. I'm so sorry. Hindi ko sinasadiya. Sinubukan ko na siyanag hanapin...pero.."
Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin ni kuya. Naramdaman ko na lang ang biglang pagkahilo kasunod ng pagdilim ng aking paningin.