Chapter 1

2210 Words
CHAPTER 1 Nanggigigil na isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Kung hindi lang ako nakapagpigil baka ibinato ko na ang cellphone ko na kanina pa nagva-vibrate sa pader. Alam ko na kasi kung sino ang asungot na nang-iistorbo sa masarap kong pagtulog. Enrique Marshall Davids, also known as Poseidon. Sanay na akong tawagin siya sa pangalan na yon dahil unang beses palang kaming nagkakilala ay nilninaw na niyang hindi niya gusto ang pangalan niyang hinugot pa ata sa baul ng ninuno niya. Bumuntong hininga ako ng maramdamang nag vibrate na naman ang cellphone ko. Nagdadabog na dinampot ko ang aparato mula sa bed-side table. Mukhang hindi talaga ako titigilan hanggat hindi ako sumasagot.- "Good morning my sunshine, Bree-" "Enrique Marshall para sabihin ko sayo, hindi mo dapat ako tinetext at tinatawagan lalo na pag ganto kaaga dahil marunong akong gumising mag-isa. And don't you know na hindi ka tumutupad sa usapan natin..I told you to give me some space." "Sabi ko nga. Di ko lang naman matiis na hindi ka makausap. Sungit." Kumunot lalo ang noo ko ng maisip ko kung anong itsura niya ngayon. I'm sure naka pout pa yon. Laging ganon ang itsura niya kapag pinapaalala ko ang tungkol sa kasunduan namin. He'll give me space and in return hahayaan ko siyang dalawin si Warren. Hindi ko naman tinago ang pagkatao niya sa anak namin kahit na malaki ang galit ko sa kaniya sa ginawa niyang pang-iiwan sa amin. Iyon nga lang ayokong ipakita sa kaniya ang bata para lang paasahin niya lang na magtatagal siya sa buhay namin. Kaya ng Kasama din sa kasunduan namin na hindi niya sasabihin kanino ang naging relasyon namin noon at an tungkol sa anak namin. Mananatiling sekreto iyon kung papayag akong magtrabaho para sa organisasyon niya. Hindi ko na din nagawang nakatanggi sapagkat alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan upang makuha ang gusto niya. "Kamusta na nga pala si Warren? Pupuntahan ko siya mamaya." "Ayon, kasama si Mama...Sige na, maliligo pa ako." "Is that an invitation?" "Of course not!" Binaba ko na ang phone ko. Pasaway talaga ang lalakeng yon. Alam kong marami sa inyo ang naguguluhan. Matagal na kaming mag-kakilala ni Poseidon. Kaibigan at classmate niya ang kuya ko. Una kaming nag kakilala noong 19 ako. I'm really attracted to him at ganon din siya sa akin. We dated and the rest was history. Saksi ako sa hirap na pinagdaanan niya ng mawala sa kaniya ang father niya. Alam ko lahat ng nangyari dahil walang tinago sakin si Poseidon. Yes, I also know about his plan about bringing back the agency. Nakilala ko din sila mishy dahil sa mga kuwento ni Poseidon. Pero ni minsan hindi ko sila nakilala. Dahil pinoprotektahan niya ako. Ayaw daw niyang masali ako sa gulo. Nang mag-26 si Poseidon at ako naman ay 22. Nagkaroon ng sorpresa sa buhay namin. Nabuntis ako. I know na gusto akong pakasalan ni Poseidon. Pero nakikita ko din na nahihirapan siya sa pagde-desisyon. Sa mga panahong iyon kasi, nakakakalap na siya ng impormasyon tungkol sa BEND. Hindi niya gustong madamay ako lalo na at magkaka-anak na kami. Pero sa hinahagap hindi ko inakala na ganon lang niya kaming kadaling iiwan. Kaya ganon na lamang ang sakit na naramdaman ko na iyon ang mas pinili niya. Ang saktan ako at iwan kami ng magiging anak namin. He provided me with everything I will need. Hindi niya nakakalimutang magpadala ng pera sa akin. Not that I needed it. Kaya kong buhayin mag-isa ang anak ko. Nang tumagal ay unti-unti kong naintindihan ang naging desisyon niya. Naiintindihan ko siya, but that doesnt mean that it hurt less. Noon, pangarap naming dalawa na bubuo kami ng isang pamilya kung saan magiging house wife ako at aalagaan ang magiging anak namin. Pero nag bago lahat ng iyon. At the age of 26, Ako na ang highest paid doctor sa bansa. With my brain, na abot ko lahat ng iyon. I'm a doctor and at the same time a mother. Mother of Benjamin Warren Davids. 5 years old na siya ngayon. Kinuha ko ang phone ko. Dinial ko ang number sa bahay. "Hello?" "Ma, si Bree to. Gising na ba si Warren?" "Oo naman. Kumakain na ng breakfast niya. Warren! Halika, Mommy's on the phone." Nakarinig ako sa kabilang linya ng mga yabag na halatang nag mamadali. Alam kong naninibago pa si Warren na hindi kami masyadong nagkakasama. Pero alam kong kailangan kong gawin ito. Para sa ikakatahimik ng lahat. Hindi naman ako magiging permanente dito. Isang taon na lang at tapos na ang kasunduan namin ni Poseidon. He can still visit our son and we will be civil to each other. "Mom?! I miss you mom!" "I miss you too. Pupunta si Daddy mo diyan mamaya. How's school? Balita ko top 1 ka ah." Nasa prep pa lang si warren pero nangunguna na sa klase.He's a very intelligent child. "Yes mom! Meron akong award. Kasama ka po ba ni Daddy mamaya? Are we going to hang out again? "  Every sunday sabay naming dinadalaw si Warren. Parte ng kasunduan namin. "No baby. Bukas pa ako makakauwi diyan eh." "B-but...I didnt see you na for 3 days Mommy." I can feel it. Malapit na siyang umiyak. "I'm sorry talaga baby. Masyado lang busy sa work si mommy. Pero bukas pupunta tayo sa Ocean Park. Diba sabi mo gusto mong pumunta don?" "Talaga po?!Yey! Kasama si Daddy, Mommy ha?" "Sure baby. Take care okay? Be good. Love you." "Love you too po!" Binaba ko na ang phone. Ito lang ang mahirap sa trabaho ko. Hindi tuloy ako makauwi masyado. Lalo na this past few days na medyo dumadami ang casualties. Pero at least mas hawak ko ang oras ko dito. Dont get me wrong. I could leave if I want to. Pero may gusto din akong patunayan. Na kaya kong humarap kay Poseidon ng hindi ako nasasasaktan. Na kakayanin ko din ang buhay na hindi siya ang sentro. Dahil iyon naman ang dahilan diba? Because I love him too much, It almost seems like my world revolves around him. Ganon kasi akong mag mahal. Sobrang binibigay ko lahat. Though marami narin akong naging boyfriend noon. Si Poseidon lang ang minahal ko ng todo. So I need to do this. To make sure that even though I see him everyday, hindi na magiging ganoon ulit ang nararamdaman ko para sa kaniya. So that I won't make the same mistake again. Para matuto na akong tumayo sa sarili kong paa. So it won't hurt too much when he decides to leave me and my son again, especially when he needed to. Hindi naman ganon kadaling mawala ang sakit diba? Nang matapos ako sa pag-aayos ay tumuloy na ako sa main laboratory ng Experiment Department. Iba pa kasi ang kaila PJ at Kat. Sarili nilang laboratory iyon and at the same time, control room. Security buff kasi ang dalawang iyon. Katulad ni agent Med. Hindi kami agent ng experiment department upang gumawa ng mga kalimitan nilang ginagawa. Gadgets, devices and some kick ass stuff. We're here to make sure that we can create medicines for their benefit. Tumutulong din ako sa research para kay Rain. Ang anak nila Mishy at Dale na may problema sa puso. Kailan lang ito na detect at naging isa ito sa focus namin. Nag e-experiment din kami ng mga drinks na pwede niyang inumin para mas lumakas siya. Hindi pa kasi namin siya pwedeng gawan ng operation. "Good morning, Agent Gentle." "Good morning din-" Naputol ang sasabihin ko ng biglang umilaw ang red alarm na nakalagay sa taas ng pinto. Mukhang may casualty ulit.Tumakbo na ako palabas at dumiretso ako sa emergency room. Naabutan ko ang mga agents na ibinababa ang isang lalaki sa operating table. "Who is it?" "Agent Nate Ramos." Kinuha ko ang clip board at lumapit ako sa pasyente upang tignan ang findings sa kaniya. He's unconcious. "Masyado lang nabugbog ang mukha niya na I think tumama kung saan-saan. He'll be fine in no time." Kumilos na kami ni Agent Med. Sinuri ko ang nakita kong sugat ni Nate sa bandang abdomen nito. "Though this definitely need some stitching up." Yung iba hindi naman masyadong malalim..And he already bled kaya I easily cleaned the wounds... The bleeding will stop soon. Mas matagal lang mag bleed pag sa muka nasugatan, cause these areas are rich in blood vessels. "An incision." wika ni Agent Med. Nang matiyak na naming malinis na ang mga sugat niya at sterilized na ang mga gamit namin ay sinimulan ko na ang pagiistitch. Gumamit ako ng skin hook upang mas madali kong magawa ang kailangan kong gawin. Nang matapos kami sa ginagawa ay nilagyan na namin ng gauze ang kaniyang mga sugat. Kinuha ko ulit ang clipboard at sinulat ko kung ano ang current status ni Nate. He'll be fine. Hindi magpapahuli ang BHO sa mga magagaling at sikat na ospital. Sinigurado ni Poseidon na upgraded lahat ng mga kagamitan rito dahil nakasalalay ang kaligtasan at buhay ng mga agents dito. Nang masiguro ko na stable na si Nate ay nag paalam na ako kay Agent Med. Kailangan ko pang pumunta kay Rain na naka confine ulit dito sa BHO. Naabutan ko sa loob sila Mishy at Dale kasama si Poseidon na karga-karga si Hurricane. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha nila. Nilapitan ko si Rain na kasalukuyang gising na at may naka kabit na oxygen. "Hi Rain. How are you feeling?" I know he's scared. Who wouldn't be? May heart disease siya sa napakabatang edad. And he's an intelligent child, alam kong alam niya kung anong nangyayari sa kaniya kahit hindi niya alam ang eksaktong dahilan ng mga nararamdaman niya. "I-I'm okay po." "That's good to hear. Konting pahinga lang pwede ka na ulit lumabas dito. Pero be careful sa mga games okay? Para maiwasan na mag kasakit ka ulit." Tumango-tango siya. Hinarap ko naman sila mishy. "Can I talk to you outside?" Namumutlang sumunod sa akin ang tatlo at iniwan muna si Rain kasama ng isang nurse. Pumikit ito na animo matutulog. "He has a weak body. Kung sana mas malakas siya pwede na siyang mag undergo sa surgery. Most child undergo this kind of surgeries before they turn two years old. Pero iba sa kaso ni Rain." "Anong gagawin natin?" "I-co-continue lang natin ang treatments niya. May ginagawa sa Experiment Department na pwedeng makatulong para mas lumakas ang katawan niya. Pag sapit niya ng sampung taon maaro na siyang sumailalim sa heart transplant. Pero kung matagumpay ang medicine sa experiment department at the age of 7 I think magagawa na natin." Si Dale naman ang nag salita. "He'll be okay then, right?" "Yes. Though hindi parin siya pwede sa mabibigat na gawain. Lets say sports. Hindi parin siya pwedeng mapagod ng sobra pero he'll be in no danger." Alam kong masakit para sa kanila iyon. Meron din akong anak kaya alam ko ang pakiramdam kung sakaling sa akin mangyari to. Tumayo sina Mishy at nag pasalamat sakin. Nakakaunawang tumango ako at sinundan na lamang sila ng tingin ng pumasok na ulit sila sa kwarto ni Rain. Kita sa kanila ang pag-aalala at takot sa maaring kahinatnan ng kanilang anak. Napalingon ako kay Hurri dahil kanina ko pa siya napapansing nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kaniya. Nag kakawag siya at parang kumakawala kay Poseidon. Naka stretch ang kamay niya papunta sakin. Lumapit ako at kinuha siya. "I want!" "Want what, little missy?"  "Like you!" Napatawa na lang kami sa sinabi ni Hurri. Mukhang may balak maging doctor. "Really? Magpalaki ka na ha para maging doctor ka narin." May kinuha ako sa bulsa ko at ibinigay kay Hurri. Tuwang-tuwa na nag pababa siya at tumakbo papunta sa kwartong pinasukan ng mga magulang niya. Lollipop iyon. Lagi akong nagdadala dahil nakasanayan ko na mula sa ospital na pinagtatrabahuhan ko dati para sa mga batang na e-encounter ko. "At last! Solo na kita love-"  Lalapit sana sakin si Poseidon para halikan ako pero nasangga siya ng kamay ko. Ang kamay ko ang nahalikan niya. "Tigilan mo ako Poseidon." Lumabas narin ako pero nararamdaman kong nakasunod siya. Hanggang nakarating ako sa clinic ko ay animo buntot na kasunod ko parin siya. Iilang agents din ang nanunudyong tinitignan kami. Ano pa nga bang bago? Mula ng makapag-asawa ang favorite entertainment nila na si Kat at PJ ay sa amin na natutok ang atensiyon nila. "Love-" "Ang kulit! Alam mo Enrique, sa lahat ng tumatanda ikaw ang tumatanda na paurong." "Enrique ka diyan. Ganiyan talaga ako. One of my charms." "Charms? Kailan ka pa nagkaron ng charm?" "Wala ba? Akala ko meron since may anak na nga tayo-"  Pinutol ko muli ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagpasak sa bibig niya ng gauze na naabot ko sa table. Nanlaki ang mga mata niya at tinanggal ang gauze. "Ikaw love ha? Lagi mo akong inaapi." Hinilot ko na lang ag sentido ko. Masakit sa ulo tong lalaking to. Umupo ako sa swivel chair ko at umabot ng chocolate na nasa lamesa. Pang tanggal stress. "Love-" Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong gusto mong lunch? Jolibee? Mcdo? KFC? O kaya ginataang hipon...meron sa canteen." Hindi parin ako sumagot.  "Fried tilapia?" "No thanks." "Lechon manok?" "No." "Ginataang squash na maraming sitaw?" "No." "Eh kiss?" "N-" Napalingon ako sa kaniya sa sinabi niya. Ngumisi siya na animo tuwang-tuwa na hindi malaman. Kung hindi ko alang alam by 'experience', aakalain ko na kabilang na talaga siya sa federasyon ng mga paliko ang daan. "Woah! Nag second thought si Doctora! Gusto mo ng kiss ko? Come on love! Come to me baby!" Pinatid ko siya ng lumapit siya sakin. Ang nangyari, napaupo siya sa kandungan ko. Imbis na umalis ay ngumiti pa ito ng sobrang luwang. "Hindi ganto yung naiisip ko. Oh, well, pwede narin." Nakasimangot na itinulak ko siya dahilan para bumagsak siya sa sahig."ENRIQUE MARSHALL! Lumayo-layo ka nga sakin! Nakakakilabot ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD