Chapter 37 ELLIANA SINIKAP kong pumasok nang maaga para makapaglibot muna at makabili ng camera na ipinabibili sa akin ni Lincy. Sa totoo lang ay gusto ko na ring matapos na ang misyon niya sa mundong ito dahil gusto ko na ring pagtuunan ang sarili kong buhay. Hindi naman sa paglimot sa utang na loob para sa naging tulong niya sa buhay ko. Inaamin kong nagsisimula na akong mawili muli sa buhay ko. Nagsisimula na akong mangarap muli. Ayaw kong hayaan si Lincy na hindi makamit ang hustisya para sa kaniya at sa batang dinala niya sa sinapupunan niya. Ngunit, mas gusto ko lang ngayon na mapadali ang proseso no'n para makapag-focus na rin ako sa buhay ko. Nasa bilihan na ako ng mga gadgets at nagtanong ako ng maliit ng camera. Ipinaliwanag ko kung ano ang hinahanap ko at pasalamat naman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


