VINCE’s POV Katatapos lang akong painumin ng gamot ni Emon nang pumasok si Ea sa kuwarto ko. Pareho kaming napatitig sa kanya ng nurse. Kahit napakasimple lang ng pajamang suot niya ay nakakaakit pa rin siyang pagmasdan. She is indeed a goddess. She is an Aphrodite. “Hi,” malambing na bati niya sa amin. Napasimangot ako nang makita kong nag-blush pa ang nurse. “What are you doing here again?” inis kong tanong kay Ea. “Dito ako matutulog,” she declared as if I asked a stupid question. “What?! No way!” Nakita kong sinenyasan niya si Emon para lumabas. “Yes way, Mahal! Saan pa ba ako matutulog kundi rito sa tabi ng asawa ko? Can you do something about it, hmm?” Nanunukso ang mga mata at ngiti niya. Napabuntong-hininga ako. Sa kalagayan ko ngayon, wala nga akong magagawa dahil hindi nama

