CHAPTER 16 RYKER POV Tahimik ang biyahe. Nasa passenger seat ako, nakasandal, nakatingin lang sa labas habang dumadaan yung mga ilaw ng kalsada. Sa bawat poste, parang may flash ng memorya mga bagay na mas gusto ko sanang hindi maalala. Si Xai, hawak ang manibela, naka-focus sa daan pero ramdam ko yung tingin niya sa akin sa mga pagitan ng segundo. Hindi ko tinignan pabalik. “Ryker…” maingat niyang simula. “Mmm.” mahina pero malamig ang sagot ko. “Tungkol kay Jhona…” Napapikit ako sandali. Here we go again. “Ano about her?” tanong ko, diretso, walang emosyon. “Alam mo, sa totoo lang… siya lang nakikita kong potential para sa pagpapanggap.” Napatawa ako ng mahina, pero walang humor. Isang mababang tawa na parang sinasabi kong You can’t be serious. “Potential?” inulit ko, halos

