XAVIER :POV Tahimik akong nakaupo sa sulok ng classroom, pinagmamasdan ang paligid. Bagong simula para sa akin dito sa Crowley University. Hindi ako basta estudyante lang, dahil technically, pamilya ko ang may-ari ng school na ‘to pero syempre, hindi ko ipapaalam agad. Mas gusto ko munang obserbahan ang lahat. Unti-unting napupuno ang classroom. May mga estudyanteng sobrang daldal, may iba naman tahimik lang at nagmamasid. Ang mga babae, halatang may energy pa rin kahit first day. Panay bulungan, panay titig sa pinto, as if may hinihintay silang prince charming na papasok. Hanggang sa… bumukas ang pinto. Dumating ang professor namin matangkad, medyo matanda na pero halatang matalino. Nakasuot ng eyeglasses, may dalang libro at isang makapal na folder. “Good morning class,” bati niya, m

